ARLENE'S POV **
"Hoy Arlene!! Gumising ka na jan at papasok ka pa diba?! " nagising ako bigla sa sigaw ni mama kaya tumayo na ako nakita ko yung mga kapatid ko papasok na sila mamaya,kaya mas kelangan ko pang mag-trabaho nang sagad.
Bumaba na ako at kumain saka naligo. Syempre pagkatapos ko maligo magbibihis na ako. Pagkatapos ko magbihis sinalubong agad ako ni Rea.
"Ate pengeng baon.." Ay oo nga pala. Kinuha ko yung wallet ko at binigyan ko siya nang sampung piso,pero bigla siyang sumimangot.
"Bakit? " pagtanong ko sa kanya
"Eh,sampung piso lang? Yung mga kaklase ko tag-bente yung baon nila kaya nabibili nila yung masasarap sa canteen eh ako soup lang tas wala na candy na lang ang sunod. Ate pwedeng bente na lang din akin. " -Rea
"Wag na muna ngayon,promise ni ate bukas bente na ang baon mo matitikman mo na yung masasarap sa canteen. Eto sampu bigay mo na lang kay buboy. Ingat kayo ha! " umalis naman siya kaagad.
Kinuha ko na din yung bag ko at lumapit kay mama,magmamano sana ako pero bigla niyang inagaw ang kamay niya at tumayo.
"Wag ka ngang mag-promise kung hindi mo naman talaga kaya! Wag masyadong ilusyonada ha!!Akala mo kaya mo lahat! " tumalikod na si mama. Magpapaalam na lang ako sa kanya.
"Sige po,aalis na po ako.."
"Umalis ka! Mamaya walang pagkain mag-uwi ka ulit dito! " umalis na ako at pag kalabas ko andaming mga nag-tsi-tsismisan. Ang aga-aga tsismis agad.
Maglalakad na lang ako. Habang naglalakad ako biglang kumolog. Nako naman! Uulan ba? Tinignan ko yung bag ko at may p-payong? Panong nagkapayong dito? Siguro nilagay ni Rea.
Nagsimula nang umambon ay mali umulan na kaagad ang lakas. Kaya sinisiksik ko talaga ang srili ko dito sa payong ayokong mabasa. Malayo-layo pa. Mag-jeep na lang kaya ako?
Tama mag-jeep na lang ako.
Humarap na ako sa kalsada pero nagulat ako nang biglang may dumaan na kotse at natalsikan ako nang tubig.