Evans POV
"EVANS!" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig kong tawag ni Ara. Sumunod pa din pala siya.
"Pwede mamaya ka na Ara? Nahihilo lang talaga ako." Papasok na sana ako sa kwarto nang marinig ko yung sinabi niya.
"Dahil ba sa nangyari sa inyo ni Arlene?"
Lumingon ako sa kanya at nakapamewang siya.
"Ara? Anong pinagsasabi mo jan?! Pwede ba bukas ka na lang mag-inarte,nahihilo talaga ako!" Pumasok na ako sa kwarto ko pero kinakatok niya pa din.
"Evans! Lumabas ka diyan. Arrrgh! Malaman ko lang malaman ko lang na totoo yun!" Ramdam ko namang umalis na si Ara.,walangya bakit ko ba naging syota yun?
Nakakairita yung boses kapag galit., GMRC gun machine ratatat combat grabe!
Pero yung dun sa Arlene,yung labi niya may naalala ako sa kanya. Tama. Siya ba yung batang babaeng hinalikan ko?
Arlene's POV~
BAWAT hakbang na ginagawa ko,papalakas nang papalakas ang kabog nang puso ko. Feeling ko kasi mamatay na ako kinabukasan.ay hindi pala. Mamatay na ako kapag nakita ako ni Ara.
Papasok na ako sa kwarto ni Ara. Pagkapasok ko,nagblo-blower siya nang buhok. At halatang badtrip. Juthko ipapalamon niya ba sakin yang blower?
"A-ara? A-anong paguusapan natin??" Wengya! Nauutal pa ako. Bakit ganito?Arlene Togatog Pascual parang awa umayos ka!
"Ba't nauutal ka jan? Kaano-ano mo ang babaeng utal kung magsalita yung pabebe warriors."Ngumiti pa siya sakin. Ahh-a-akala ko galit siya,ano bang paguusapan namin?
"Arlene,may nagpakita kasi sakin nang picture na magkahalikan kayo ni Evans. Diba hindi yun totoo?" Bumilis yung tibok nang puso ko at nanlalamig na ang mga kamay ko.
"A-hhh hahah! Ano b-ba yun? G-grabe naman yun! "
"Kaya nga! Sana Arlene hindi talaga totoo yun. Kasi masasaktan ako,at syempre magagalit ako sayo. Kilala mo ako magalit."
Dug,dug
Tumango na lang ako at yumuko. Lumapit siya sakin at niyakap ako. Sabay bumulong.
"Mas papahirapan ko ang panilya mo." Ngumiti siya sakin at pinaalis na ako. Paanong..