"Nicholo." Agad kong tawag sakanya. Bumaling siya sakin ng naka taas ang kilay. "Bakit tayo magkasama sa iisang kwarto?"
Tumikhim siya. "Sayang ang binabayad ni Carlos sa'yo, mag-isa ka lang naman dun."
Mahigpit akong humawak sa sarili kong braso at nakita kong pinanuod yun ni Nicholo. "Kaya nga lilipat ako sa mas maliit, e."
Pinasadahan niya ako ng tingin at nangilabot ako dahil dun. Tumaas ang kilay niya. "Sabihin mo lang kung ayaw mo ako makasama."
Nagpanic ako. "Hindi ah!"
Tumawa siya sa biglaan kong sagot at agad ko naman naramdaman na uminit ang pisngi ko. Damn it. Ano ka ba, Clarise? Nagpaghahalataan ka, e.
"Ayun naman pala, e. Edi walang problema." Ngumisi siya. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya sa kahihiyan.
Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang floor na kami. Na una siyang lumabas ng elevator kaya sumunod agad ako sakanya. Huminto siya sa isang kwarto at agad nagswipe ng card.
Pagkapasok namin, bumungad sakin ang malaking sala ng hotel room niya. Ngayon ko lang narealize na malaki nga pala ang hotel room niya. Hindi ko kasi masyado na appreciate yun nung nandito ako. Pang lalaki talaga ang kwarto. At napansin kong mas malaki ito kesa sa kwarto namin ni Carlos.
"Iisa lang ang kwarto." Biglaan niyang sabi. Napabaling ako sakanya. Seryoso siyang nakatingin sakin bago umiwas. "I wouldn't mind sharing it with you."
Napa awang ang bibig ko. Mabilis siyang umalis dun at pumasok sa kitchen. Luminga ako sa mga pintuan at napansin kong isa nga lang ang kwarto dito. Oo nga, shit! Bakit hindi ko na realize yun? Mas malaki nga ang hotel room niya pero iisa lang kwarto nito. Malaki kasi ang sala at kitchen.
Nakita ko ang mga gamit ko sa tabi ng pintuan ng kwarto niya. Bigla siyang lumabas ng kitchen at lumapit dito. Binuhat niya iyon ng walang kahirap hirap at binuksan ang pintuan ng kwarto niya. Nagmadali akong lumapit at kinuha ang iba sakanya. Tiningnan niya ako pero hindi niya ako pinigilan. Pinasok namin ang mga gamit ko sa loob ng kwarto.
Nakalimutan ko na malaki nga pala ang kwarto na 'to at king sized bed ang kama. For sure kahit magkatabi kami, di kami magtatama ng katawan sa laki nito.
"May dalawang extra cabinet doon." Sabay turo niya sa mga cabinet malapit sa pinto ng CR. "You can put your toiletries and other things in the bathroom."
Tumango ako habang pinapanuod siya. "S-Salamat."
Sumulyap siya sakin at ngumiti ng maliit. "Alright."

BINABASA MO ANG
Bad For You
Umorismo[Nicholo & Clarise's story] Clarise was warned by her bestfriend Nikita that it was not easy to fall in love with a Fajardo but nevertheless, she fell in love with her bestfriend's very own twin. He was ruthless, he never cared for anyone besides hi...