CHAPTER 4
Napahawak agad ako sa ulo ko.
"Hangover." Napabalikwas ako ng bangon nang may nagsalitang lalaki.
"Shit, Carlos! Bakit...." Napatahimik ako nang narealize ko na si Nicholo ang nasa harap ko.
Shit, oo nga pala! Naka igting ang panga niya at matalim na nakatingin sakin na para bang ready na siyang patayin ako. Nilibot ko ang tingin ko at narealize ko na wala nga ako sa hotel namin ni Carlos. Unti unti kong naalala ang nangyari kagabi. OH MY GOSH. Napatakip ako sa mukha ko.
"Oo, mahiya ka talaga." Naiiritang banggit ni Nicholo at nilapag ang baso ng tubig sa side table. "Pangalan ng ibang lalaki ang binaggit mo kaya mahiya ka talaga."
Napabuntong hininga ako at tumingala sakanya. "Nakalimutan ko kasi."
"Tss." Tumayo siya sa tabi ng kama at pinagmasdan ako.
Namula ako at inayos ang pagkaka upo ko. Sinusubukan kong alalalahin kung ano nanaman nagawa ko kagabi. Unti unti kong tiningnan ang katawan ko.
"Tss." Napatingala uli ako. "Wag ka nang umasa. Walang nangyari."
HARSH! Forever harsh ka Nicholo! Hindi naman sa umasa ako pero kahit na noh! Harsh mo, gago.
Tumayo na ako at ininda ang sakit ng ulo ko. Uuwi na nga ako sa hotel room namin ni Carlos... Speaking of Carlos...
"OH MY GOD! Anong oras na?" Nanlaki ang mata ni Nicholo sa pagpanic ko at agad tiningnan ang oras.
"1 pm." Aniya.
Napaface palm ako. Shit! Hindi ko na naabutan. 11am flight niya pabalik ng LA.
"Hindi ba tumawag si Carlos?" Malamya kong tanong.
Sumimangot siya at tinaasan ako ng kilay. "Malay ko ba?"
"Seryoso kasi." Sabi ko at hinanap ang phone ko at nahanap ito sa side table. "Omg. Wala na."
From: Carlos
Zuc, aalis na ako, ha? Kasama mo daw si Nicholo , eh. Yiee. Ingat ka and call me asap.
Ngumuso ako sa last text niya bago umalis. "Nakausap mo na siya, no?"
Nirolyo ni Nicholo ang mata niya. "So?"
"Anong so?" Naiinis kong tanong. Bakit ba ang sungit nito?
"Nagselos ba siya?" Umiling siya.
Nagtataka akong tumingin sakanya. "Ha?" Sinong magseselos? Si Carlos ba? "Bakit siya magseselos?"
"Alam mo, ikaw," Frustrated niyang sabi. "Wala ka bang pera at nagsama kayo sa iisang kwarto?"
"Sayang lang sa pera!" Sabi ko kahit hindi ko alam kung bakit naman 'to pinaguusapan. "Hindi naman ako kasing yaman niyo 'no."
Tinaas niya ang kilay niya at nirolyo ang mata. "Then I'll pay for your room!"
Bumagsak ang panga ko pero agad ko rin naayos. "Hindi na."
"Anong hindi na?" Parang galit niyang tanong. "Ayaw mo?"

BINABASA MO ANG
Bad For You
Umorismo[Nicholo & Clarise's story] Clarise was warned by her bestfriend Nikita that it was not easy to fall in love with a Fajardo but nevertheless, she fell in love with her bestfriend's very own twin. He was ruthless, he never cared for anyone besides hi...