Chapter 8

484 12 2
                                    

"Good morning." Mas pinikit ko ang mata ko nang marinig ko yung boses niya. It was too husky for my own good. "Come on, Clarise, alam kong gising ka na."

Tumawa pa siya, clearly amused by whatever's going in his mind. Hindi ako natutuwa! "Shut up."

At mas natawa lang siya. Bigla niyang niyakap ang bewang ko kaya bigla akong nanigas. Nakahubad pa kami! Baka pwede siyang mahiya ng unti.

"Don't worry, no one's going to enter and find us naked." Umiling iling ako at naramdaman ko ang halik niya sa balikat ko. Putangina.

Tumayo ako agad at dumaosdos ang kumot sakin, leaving me bare in front of him. Nanlaki ang mata ko lalo na't nakita kong pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko. Tumalikod ako agad at tumakbo sa CR.

I heard him laugh. "You look much better naked when it's not dark!"

Bwiset. May pahabol pa pala ang gago.

Halos hindi ko na alam ang gagawin ko nang makarating ako sa CR. Hindi ko alam kung maliligo ba ako o ano or ano or ano ba talaga! Jusko, Clarise!

Sa huli ay naligo nalang din ako at nadatnan ko siyang nanunuod ng TV sa sala. Tumingin siya sakin agad at imbis na ngisi ang makita ko ay biglang siyang ngumuso na parang bata. "Gutom na ako, Clarise."

"Hindi mo naman ako nanay mo." Masungit kong saad. "Teka lang, magaayos lang ako. 5 minutes."

Napagdesisyonan namin na sa labas nalang kumain para mas mabilis. Kesa kami pa ang magluluto, hassle! Tawag narin siguro ng spirito ng katamaran.

Nang balikan ko siya sa sala ay nakatitig siya sa TV. Nagsusuklay nalang ako.

Narinig ko ang tao sa TV na nagsalita na gutom na siya. "Tingnan mo oh! Pati siya gutom narin."

Napatawa ako at tumingin siya sakin. Ngumuso siya. "Oo na, tara na."

"Ang tagal ng 5 minutes mo." Reklamo niya at tumayo na sabay patay ng TV.

"Syempre joke lang yun." Sabi ko at lumapit sakanya. "Hindi kasi ako komportable sa t-shirt ko."

Tiningnan niya ako at ang suot ko bago sumimangot. "Eh kasi hindi naman t-shirt yan!"

Napatingin ako sa suot kong hanging shirt at tumawa. Hindi nga naman t-shirt 'to. Agad agad siyang pumasok sa kwarto at lumabas rin naman.

Nagulat ako nang bigla niyang buksan ang bag na dala ko at sinuksok ang isang t-shirt dun. "Magpalit ka pagdating mo dun."

Napatingin ako sakanya pero hindi na umangal. Kinikilig ako syempre. This is the sad of Nicholo that I have always wanted to experience. His protective side.

I have plans today. Birthday ng friend ni Carlos dito and we were both invited pero since wala na si Carlos eh ako nalang ang pinapunta niya. Okay naman yung kaibigan niya, he's nice but we're not that close. Siguro narin kasi nafefeel ko na nilalandi niya ako. And as far as I know, I'm already taken. By Nicholo, of course.

Maaga rin naman ako nakarating sa venue at unti lang pala ang invited. Just his close friends, at hindi ako sure kung bakit ako nandito. We're not close! Agh, naiirita ako.

Gusto kong itext si Nicholo pero alam kong hindi pwede. I don't want to be clingy. Alam kong may lakad din siya ngayon. Meron siyang barkada na taga dito and he needs to enjoy. Kailangan malaman niya na hindi ako kagaya ng ibang babae na nakakasakal. He can have all his freedom when he's with me as long as he loves me. Pero sa ngayon, hindi naman niya ako mahal... Hindi ba? Eh ano nga ba ang ibig sabihin ng nangyari samin kahapon. I want to ask but I'm too scared... I'm scared that I'll screw things up if I ask now, baka isipin niya masyado ako nagmamadali.

Bad For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon