Chapter 3

560 16 1
                                    

Madaling natapos ang school year at I can’t believe na fourth year na kami next year! At I can’t believe na halos 9 years nakong nahuhumaling sa iisang lalaki. Damn, Nicholo Fajardo.

“Ang ganda naman pala ng view mo dito, e. Napalingon ako kay Carlos sa kasalukuyang nangingielam ng gamit ko sa cabinet.

Magiisang buwan na kami nandito pero ngayon lang siya nakapasok sa kwarto ko. Pano ba naman kasi? Wala kaming inatupag kung hindi gala.  

Lumakad ako palapit sakanya at tinaasan siya ng kilay. “Ano bang hinahanap mo?”

“Shampoo.” Tiningnan niya ako at ngumiti ng malapad. “Or bili nalang tayo?”

“Mamaya na.” Sinarado ko ang cabinet ko. “Chupe na! Dun ka na sa sarili mong kwarto.”

                                                                                                                        

Napakamot siya sa ulo at lumabas naman ng kwarto ko. Nagstastay kami sa hotel ngayon. Mahal nga pero so what, 3 months lang naman. At ubod naman ng yaman si Carlos. Barya lang para sakanya ‘to.

Malapit na mag gabi at napagdesisyonan namin mag grocery na.

“Ingatan mo sarili mo, ha?” Madramang utas ni Carlos. Nagrolyo ako ng mata. “Wag ka masyadong wild dito.”

Sinapak ko siya sa braso kaya humagalpak siya sa tawa. “Manahimik ka nga, Carlos. Nako ka.”

“Ito naman, o.” Ngisi niya at inakbayan ako habang namimili ako ng toothpaste. “Di bale, uuwi uli ako ng Pinas next year kasi syempre gagraduate ka na.”

“Dapat lang. Subukan mong mawala sa graduation ko, gago ka.” Tumawa lang siya. At kumuha rin ng sarili niyang toothpaste pero yung maliit lang, baka for traveling purposes.

“Inom kaya tayo mamaya?” Pa anyaya niya. Biglang nagliwanag yung mukha niya na para bang may naiisip siyang exciting. “Tama! Never pa tayo nakapagbar dito. Last night ko narin naman, eh?”

“Whatever.” Sabi ko at tinulak ang push cart kasi ang kupad ng pinsan ko.

“Kailangan mo ba ng conditioner?” Tiningnan ko ang mga conditioner na nakahilera. Mukhang pang mayaman dahil dito sa New York ang brand. “Ano, kailangan mo ba?”

Lumingon ako at nagulat nang wala si Carlos sa likod ko. Luminga linga pa ako para masigurong wala siya sa paligid ko. Nako! Ang kupad naman talaga, oh! Totoong naiwan ko na siya. Naiirita kong nilabas ang cellphone ko at tinawagan siya.

[Hello!] Masayahin pa niyang bati.

“Pwede ba, Carlos? Nasaan ka?” Tumawa lang siya pagkairita ko.

[Nasa may mga noodles. Punta ka dito! May nakilala akong pinoy din!] Halata sa boses niya ang excitement.

Binaba na niya agad ang tawag. Aba at ako pa talaga ang pupunta sakanya, ha? Pa-chix ‘tong pinsan ko. Akala mo naman first time niya maka kilala ng pinoy eh umaapaw ng pinoy sa Pilipinas! Jusmiyo.

Bad For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon