Chapter 2

467 15 2
                                        

CHAPTER 2

"Pwede niyo ba ako isabay?" Panlalambing ko kay Nikita. Dadaan naman sila sa village namin, e. Nagmamadali lang talaga ako umuwi ngayon kasi nanjan daw si Carlos. 

Tumaas ang kilay niya pero hindi ko naintindihan kung bakit. 

"Sige." Simple niyang sabi at ngumisi. Ha? Bakit? 

Inayos ko na ang bag ko at nilagay na sa balikat ko. Hinintay ko lang si Nikita at agad kaming naglakad para maka alis na. Nagulat ako ng bigla siyang huminto at tumalikod. What? Hinabol ko siya agad pero luminga linga ako. Aish. Sabi na nga ba eh, masasalubong kasi namin si Jas. It's been a a year, ah? Lakas talaga ng tama niya dito. 

"Wala na siya." Tumikhim ako at tumango siya kaya dumeretso na kami palabas.

Nagulat ako ng palapit si Nikita sa isang kotse na hindi naman familiar sakin. 

"Nikita, saan ka?" Ngumisi lang si Nikita at dumersetso sa kotse. 

Bago siya pumasok at tumingin muna siya sakin at nginitian ako. "Sa harap ka na, ha?" 

Wala akong nagawa kundi sumunod nalang. Bumungad sakin ang naka simangot niyang kambal. Kaya pala. Tiningnan ko si Nikita sa back seat at umiling. Hindi ko talaga alam na siya susundo sakanya ngayon pero aarte pa ba? 

Nginitian ko si Nicholo. "Hi Nicholo!" 

Hindi niya ako pinansin at sinimulan ang pagddrive. Ayos 'to ha. Ang ganda ng kotse niya. Mukhang bagong bili. Hindi pa naman niya birthday, ah? Iba na talaga ang mayaman. Mayaman din naman kami pero hindi kagaya nila. Sobrang yaman. Iba na talaga ang Fajardo. 

"Bakit ka nga pala nagmamadali, Cla? At uuwi ka ngayon sa bahay niyo?" Nilingon ko si Nikita. 

Ngumiti ako sa excitement at halos tumili na. "Nandun daw si Carlos!"

Tumili agad si Nikita at naramdaman ko ang pagkagulat kay Nic nang bigla siya lumiko pero bumalik din sa normal na pagdadrive. 

"Kailan pa siya nakabalik?" Pagpapatuloy ni Nikita. 

"Kahapon! Pero ngayon lang nagsabi sakin na nandito na siya. Yung kupal na yun." Tumawa si Nikita at parang na-excite din. 

"Pogi parin ba? O mas pomogi?" 

"Surebol mas pomogi! Maganda ata hangin at tubig sa Los Angeles." Nahagip ng tingin ko ang pagtaas ng kilay ni Nic. Tumikhim pa siya na para bang naiirita na siya. 

Tumawa si Nikita sa hindi ko malaman na dahilan. 

Agad din kami nakarating sa bahay at bumaba na ako. Nginitian ko pa si Nicholo at halos mangisay sa kilig nang nagrolyo lang siya ng mata. Sungit. 

"See you tomorrow, Nikki!" Sabi ko. 

"Dalhin mo si Carlos bukas, ha?" Ngumisi at tumingin kay Nicholo kaya tiningnan ko rin 'to. 

Masungit parin itong nakatingin lamang sa harap. "Bye, Nicholo, thank you sa paghatid. Mwa!" 

Bad For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon