Chapter 6

451 16 3
                                    

"Hello?" Nahihilo ko pang sagot nang magring ang phone ko.

Ang aga aga may nangbubulabog!

[Hey, how are ya?] Aroganteng tanong ng sa kabilang linya. Nakilala ko agad ang boses ng aking pinsan.

"The hell, Carlos!" Naiirita kong sambit. "It's too early!"

"Carlos?"

Napabalikwas ako nang biglang may nagsalita sa tabi ko. Agad akong pumihit at nakita ang isang Adonis sa harapan ko. OH MY GOSH! Oo nga pala! Halos mabitawan ko yung phone ko lalo nang makita ko siyang nakatingin sakin gamit ang isang mata lamang na nakamulat.

[Who's that?!] Sumisigaw na tanong ni Carlos sa kabilang linya. Agad kong binalik sa tenga ko ang telepono nang namalayan kong wala na pala ito sa tenga ko.

"C-Carlos!" I said almost out of breath. "Ang aga mo tumawag, can you call a little later?"

Nakipagtitigan ako kay Nicholo habang nagkukuda si Carlos sa kabilang phone. Binaba ko agad 'to.

Binigyan ko ng ngiti si Nicholo. "G-Good morning."

Well, that sounds awkward. "Morning, Pavon." Then he smirked.

Agad siyang bumangon at nag unat. Tinitigan ko lamang siya at pinagmasdan. Bigla siyang lumingon sakin kaya agad akong nagiwas ng tingin.

"What do you want for breakfast?" He said in the sexiest way possible.

"Ikaw." Nanlaki ang mata niya at agad ko tinakpan ang bibig ko. "Putangina." Bakit kasi kailangan ang sexy niya magsalita? Hindi ko na kasalanan na ganun ang naging sagot ko! Fuck.

"Damn, so sexy." At bigla siyang tumawa. Tumayo siya at dere-deretsong lumabas ng kwarto.

"Walangya, Clarise!" Sabay hampas ko sa ulo ko. Shet! Mejo nakakahiya yun ah?

"Buti marunong kang magluto?" Tanong ko sakanya bago lumabas ng elevator kasabay si Nicholo.

"Uh-huh." Agad niyang sagot tapos tinago ang telepono sa bulsa. "Mahilig kumain si Nikita eh."

Napangiti ako sa banggit sa pangalan ng aking bestfriend. Of course, kaya nga nagkasundo kami eh. And I love this side of Nicholo. It's so pure and sincere. Nawawala ang cold-hearted and ruthless side na lagi niyang pinapakita sakin. Well, except now though.

"Why are you here anyway?" Biglaan niyang tanong. "Are you following me?"

Ngumisi siya nang tumaas ang kilay ko. "No, as much as I like you. I'm here for vacation with Carlos. Mas maaga lang siyang umalis."

"Stop doing that." Mariin niyang sinabi.

Napatingin ako sakanya. Huminto kami sa tapat ng kotse na lagi niyang ginagamit dito at pumasok siya agad sa loob.

Agad ding akong pumasok sa passenger seat at tumingin muli sakanya.

"Stop doing what?" Nagtataka kong tanong.

Umiling lamang siya. "Hanggang kelan ka dito?"

Napatingin ako sa relo ko. "One month nalang, ikaw?"

"One month nalang din." Agad niyang in-on ang makina ng kotse at pinaharurot ito paalis. "Where do you wanna go?"

"Anywhere." Agad kong sagot. Kahit saan naman basta kasama siya. Anywhere is damn fine with me.

Bad For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon