-
Trisha Solene Perez 𝐚𝐤𝐚 'Trisha'🌙"Trisha! Tara na!" sigaw ni Patrick, bunso kong kapatid ngunit kung makaasta ay parang mas matanda pa sakin, kita niyo naman di ba? Trisha lang ang tawag sakin.
Pagbaba ko ay kaagad ko siyang kinonyatan sa ulo niya.
"Ouch!" daing nito pero inirapan ko lamang siya.
"Saan ba kasi ang punta ninyong magkapatid ha?" tanong ni Tita Cris. habang abala sa paglilinis ng kanyang kuko sa paa.
Nakatatandang kapatid ng Aking Papa na namayapa na kaya't tanging si mama na lamang namin ang sumusuporta sa aming pangangailangan sa araw-araw, idagdag pa itong si Tita Cris na hmmm...patawad saaking sasabihin ngunit isa lamang siyang pabigat dahil puro tulog at sakit sa ulo lamang ang kaniyang naiaambag sa pamilyang to.
Kung hindi pagbibingo sa umaga, lasing naman sa gabi, kung hindi ka nga naman minamalas.
"Im asking? Wala bang sasagot ha?" tanong nito. agad siyang tumayo at inilagay ang dalwang kamay sa bewaNg nya.
"Sasamahan ko muna ho si Patrick sa paghahanap ng magiging summer job niya para naman may ipangdagdag tayo sa mga gastusin dito.." paliwanag ko at tumikhim to.
"Sus, kung makapagsalita ka naman akala mo ay malaki ang kikitain niyo diyan sa mga yan, ang sabihin mo dagdag gastos yan sa pamasahe---"
"Tita Cris---" sabay buntong hininga ko.
Pinutol kona ang sasabihin nya dahil ayaw kong masira ang Umaga ko.
"That's why, maghahanap kami ng trabaho sa malapit lang para hindi ho kailangan mamasahe, pero buti pa nga ho kami ni Ate naghahanap ng trabaho na kahit dapat ay ang inaatupag lamang namin ay pagaaral." inis na sabi ni Patrick kaya agad ko siyang tinapik dahil alam kong gulo nanaman ang mangyayare ngayon.
"Napakayabang mong bagito ka, ano bang pinagmamalaki ninyong magkapatid, ha?! hoy, for your information hindi na tayo mayaman.. kaya wag kayo magyabang jan!Sige sabihin niyo---" pasigaw na sabi ni Tita Cris na ngayoy akmang sasampalin si Patrick.
"Tama na ho, hindi ho kami makikipagtalo sainyo, Were really sorry." saad ko at tiningnan si Patrick na napakamot nalang ng ulo niya. Dali dali ko syang hinila na palabas.
----
"You know what?, yang bibig mo!" inis kong sabi sa kapatid ko.
"Nako Ate, nagpipigil pa ako kanina." sabi nito. Napairap nalang ako, hindi ko alam kung saan ba nagmana ng ugali itong kapatid ko, napakabait ko namang kapatid.
"Pero alam mo Ate, I really don't understand Mom, kung bakit pilit pa din nitong pinipigilan si Tita Cris na umalis kahit na ilang beses ng nagtangkang lumayas si Tita." sabi nito na napapapaypay pa gamit ang envelope na hawak nito.
"Parang hindi mo naman kilala si Mama, alam mo naman yun at saka tinutupad lang din nito ang pangako niya kay Papa na hindi nito pababayaan si Tita Cris.." paliwanag ko.
"Pero Ate, hindi mo ba naisip na mas maganda o kaya maayos man lang ang buhay natin kung wala siya, dahil halos ang mga kinikita ni Mama sa pagtitinda at paglalako sa palengke ay kinukupitan pa ni Tita cris para lamang ipanglaro o ipangsugal." sabi ni Patrick na kinabuntong hininga ko.
"Wala tayong magagawa, alam naman yon ni Mama pero isinasawalang bahala lamang niya." turan ko na kinailing lang niya.
"That's why you need to focus on your study, magaral kang mabuti, tapusin mo ang pagaaral mo." sabi ko dito.
YOU ARE READING
One Night stand with Mr. CEO
RomanceTITLE: One night stand with Mr. CEO Genre: Romance| R-18 | SPG Content🔞 Author: mitchaanngg -------------------------------------- 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: This story have an SPG CONTENT ARRIVED and it's not suitable for any young reader's below 18. 🔞 Re...