JACE CINTON ' 𝖯𝖮𝖵
"Bro, COFFEE?." sabi ni Argus saka abot ng binili nitong kape, kinuha ko naman yon.
Nasa rooftop kami ngayon ng kumpanya. Naupo naman ako sa isang sementadong pwede mong maupuan.
"So, ibinigay mo din pala ang contact ni Mhiro sakaniya, bakit?" tanong nito.
"I don't know."
"Sinusukuan mo na ba siya?" tanong nito kaya tiningnan ko siya at umiling.
"Gusto ko lang malaman kung ako pa din ba ang pipiliin niya after makausap si Mhiro." saad ko sabay inom ng kape na hawak ko.
"Kaso nasabi mo sakin kanina na sinabi mo sakaniyang umalis na din siya sa buhay mo.." saad nito.
"Akala ko kasi pag sinabi ko yun ay lalapitan niya ako or she will hug me man lang pero wala, ako lang ata talaga ang nagmamahal saaming dalawa." saad ko.
"Eto lang ang marereassured ko sayo base sa mga nakikita ko, she really loved you too, nalilito lang siguro siya sa ngayon." sabi nito at napahilamos nalang ako sa mukha ko.
"I don't know but im hoping.. , sana nga mahal din niya talaga ako." sabi ko at nakipag fist bomb naman siya sakin at bumalik na kami sa opisina.
Nagulat naman ako nang pagpasok namin ay nakita ko si Mhiro, nilingon ko si Argus kaya naman lumabas na ito.
Naglakad na ako palapit sa desk ko. "what are you doing here?" tanong ko.
"Aunty Isabel and Uncle Rocco told me that you are searching my ex girlfriend and i think you already found her." saad nito pero hindi ako umimik.
"yeah.." sagot ko sa kanya.
"Ano kayang feeling mo ngayon nang malaman mo na ang hinahanap mo ay ang dati kong girlfriend." nakangisi nitong sabi kaya natawa naman ako.
"How about you? ano kaya ngayon ang nararamdaman mo na ang dating sayo na pinakawalan mo ay girlfriend ko na." sabi ko at ako naman ngayon ang ngumisi, bakas sa mata nitong gustong-gusto niya na akong suntukin.
"Anong pumipigil sayong saktan ako?" nakangisi kong tanong.
"Ayokong maging masama sa mata ni Trisha, kaya ako pumunta dito para sabihin sayong sumuko ka nalang..hindi mo ako basta-basta mapapalitan sa puso ni Trisha." sabi nito at nanatili lamang akong nakatingin sakaniya, kita ko ang pagngisi nitong muli at iniwan na ako.
TRISHA SOLENE 𝖯𝖮𝖵
Pagkatapos naming magusap ni Mhiro ay bumalik ako sa kumpaniya pero nanatili lamang ako sa labas at inaantay na mag-gabi para makapagusap kami.
Pagsapit nang gabi nga ay umakyat na ako sa floor kung nasaan ang opisina nito ngunit ang naabutan ko lang doon ay si Argus.
"N-Nasaan na siya?" naiiyak kong tanong at tila hindi naman ito nakaimik ng makita akong umiiyak.
"Nasaan na siya, bat wala siya dito?" tanong ko.
"Hey, calm down, umuwi na siya, nagtalo kasi sila ata ng pinsan nya ." sabi nito na kinagulat ko, napailing ako at agad na lumabas sa opisina nito.
Tatawagan ko sana siya kaso dead batt naman ako, napasabunot naman na ako sa buhok ko habang pababa na sa lobby. Iba na kasi feeling ko kanina pa simula ng sabihin nito na umalis na ako sa buhay niya.
YOU ARE READING
One Night stand with Mr. CEO
RomanceTITLE: One night stand with Mr. CEO Genre: Romance| R-18 | SPG Content🔞 Author: mitchaanngg -------------------------------------- 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: This story have an SPG CONTENT ARRIVED and it's not suitable for any young reader's below 18. 🔞 Re...