Nasa harap na kami ng bahay ni Tita cris at kanina ko pa sinasabi na umalis na ito dahil hindi ako makakatok sa bahay dahil baka makita siya ni Mama, naiwan ko kasi ang susi ko kaninang umaga sa pagmamadali na maabutan ako ni Mama, hanggang ngayon kasi ay hindi pa din niya ako kinakausap kaya umiiwas na lamang ako.
Ngunit sadiyang pinaglihi ata talaga si Sir Jace sa bato sa sobrang tigas ng ulo.
"Aalis lamang ako kapag pumasok kana." saad nito.
"Ayos na ho ako dito, sige na umalis na po kayo." sabi ko.
"Bakit ba ayaw mong pumasok? Siguro..may dadaanan ka pa." sabi nito na kinanganga ko.
"Sir wala na po akong ibang dadaanan, kaya sige na umalis na po kayo." sabi ko at napabuntong hininga siya kaya naman akala ko ay aalis na siya pero biglang dating naman ni Tita cris kaya napapikit ako ng mariin.
"Anong ginagawa mo dito sa labas, bat hindi ka pa napasok?" tanong nito at sa lakas ng boses ni Tita ay siguradong rinig na yon sa loob at hindi nga ako nagkamali dahil bumukas na nga ang pinto at iniluwa don si Mama na seryosong nakatingin saamin.
"Mom?" kinakabahang saad ko at napatingin naman siya sa lalaking nasa likuran ko.
"Good evening po, Ma'am." bati ni Sir Jace na kinayuko ko, lagot na.
"Sino 'tong lalaking kasama mo, Trisha?" tanong ni Tita at napalingon naman ako kay mama at tila nagaantay din siya ng isasagot ko.
"Ahh..si Sir Jace po...ang boss ko po.." sabi ko at ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko.
"Boss mo? Ang sosyal mo naman dahil may pahatid pa sayo ang boss mo." sabi ni Tita at parang gusto ko na lamang busalan ang bibig ni Tita sa kaniyang pagkaatribida.
"Tita, stop it." mahina kong saad at natawa naman siya.
"Marahil ikaw ang lalaking nakasiping ng aking pamangkin, ano?" walang ano-anong tanong nito kay Sir na kinagulat ko.
"Tita!" bulalas ko.
Nilingon ko naman si mama at tila iba na din ang expression ng mukha nito.
"Ikaw nga ba?" tanong naman ni mama at mas lalo akong kinabahan.
"Hindi po Mama, Oo, ako nga po." halos sabay naming sabi kaya tiningnan ko siya ng masama.
"Sir naman!" mahina kong sabi dito.
"Huwag kang magsisinungaling sakin, Trisha, sinasabi ko sa'yo lalo tayong magtatalo." sabi ni mama na kinayuko ko.
"Siya ba ang lalaking nakasiping mo o hindi!" sabi nito at huminga ako ng malalim saka tumango.
"yes mom...." sabi ko at nag-antay ako ng isisgaw nito pero wala akong narinig kundi.
"Come in." sabi ni mama na kinaangat ng tingin ko, hindi ko man alam kung bakit pero sumunod nalang kami.
Pagpasok namin ni Sir ay naupo kami sa sala at naupo sa parang sofa.
"Anong balak mo sa anak ko?" tanong ni mama na kinatingin ko kay Sir saka sakaniya.
"Mom, what are you talking about?" tanong ko at lalo lamang nadaragdagan ang kaba sa dibdib ko.
"May nangyari sainyo? Ganun nalang ba yun?" tanong nito.
"Hindi ba kung matino kang lalaki alam mo sasarili mo na ikaw ang nakauna sa anak ko kung kaya't pananagutan mo siya." sabi ni Mama.
"Mom, enough..." saad ko sabay hawak sa kamay nito ngunit tinabig lamang niya.
YOU ARE READING
One Night stand with Mr. CEO
RomanceTITLE: One night stand with Mr. CEO Genre: Romance| R-18 | SPG Content🔞 Author: mitchaanngg -------------------------------------- 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: This story have an SPG CONTENT ARRIVED and it's not suitable for any young reader's below 18. 🔞 Re...