CHAPTER NINE 💋

2.3K 43 0
                                    

ilang sandali ay narinig ko ang pag-angat ng baso niya kaya nilingon ko siya at iniinom na nga niya pero parang sumama naman ang mukha nito kaya napatayo ako.

"Sir may problema po ba?" tanong ko at napatingin naman siya saka huminga at itinuro ang kape nito.

"Taste it, Miss Perez." sabi nito at napalunok naman ako ng sunod-sunod at lumapit sa table nito at kinuha ang baso nito at tinikman ito.

Sumama din ang mukha ko ng matikman ko 'yun, grabe ba't ang pait naman nito, saka ko tiningnan ang table kung saan nakalagay ang heater at mga baso ni Sir at yung black coffee at sugar lang pala ang nailabas ko, Trisha naman eh.

Agad akong napayuko. "Sorry sir, uulitin ko nalang po." sabi ko at kinuha 'yon.

"Huwag na, ituloy mo nalang ang trabaho mo dahil baka ang sunod mong itimpla ay sugar at tubig nalang." sabi nito.

Napapikit naman ako ng mariin. "Sir naman eh." sabi ko at narinig ko ang mahina nitong pagtawa.

"Sige na." sabi nito at napangiwi ako at inilagay sa lababo ang baso nito at ng uupo na sana ako ay bigla itong nagsalita.

"Nasaan na ang kape ko, akala ko ba ipagtitimpla mo ako?" tanong nito at marahas na tumayo ako.

"Sir, ang sabi mo kanina wag na, ano ho ba talaga?" tanong ko.

"Pinagtataasan mo ba ako ng boses, Miss Perez?" tanong nito kaya napaiwas ako ng tingin.

"Hindi naman po sa ganun, magtitimpla na po." sabi ko saka umirap nalang saaking sarili.

Pagtapos ko siyang ipagtimpla ay inilagay ko 'yun sa table nito.

"Siguro naman lasang kape na 'to, Miss Perez?" tanong nito at napapikit ako at tumango.

"Okay, good." sabi nito at nag thumbs up.

"thank you po sir, sorry na din po. hindi po kasi ako sanay magtimpla ng coffe."
sabi ko at bumalik na ako sa pwesto ko.

Naka one hundred copies na ako ng mga product namin at ramdam ko na ang pananakit ng likod ko kaya medyo minasahe ko 'yon, pinasok ko ang kamay ko banda sa may balikat ko at pinisil-pisil yon kasunod ang leeg ko.

Tumayo naman ako at napansin ko ang pagiwas kaagad ng tingin ni Sir Jace, kumunot ang noo ko dahil baka namali lang ako ng tingin.

Kinuha ko ang isang mug at kumuha ng tubig sa dispenser at ininom 'yun.

Nagring naman ang phone ko at nakitang si Patrick 'yun.

"Wait sir i will answer this call.." sabi ko.

"Hello, Patrick, napatawag ka?"tanong ko dito habang hinihilot ko padin ang balikat ko.

"Hello Ate, asan ka? Patulong naman oh, hindi ko alam kung paano paandarin ang air fryer dito, natatakot naman akong magtanong." sabi nito.

"Kaya mo 'yan, ikaw pa, alam mong tiwala ako sa'yo, wag kang matakot, sundin mo lang ang nakalagay diyan." sabi ko.

"Tss, alam mo namang wala akong alam pag dating sa ganto eh..saka kung andito lang sana si Miss Maganda edi sana---"

"hay naku, Palibhasa kasi Mobile games lang alam mo noon.. saka Sinasabi ko sa'yo, Patrick, wag na wag kalang talagang didikit dun sa hindi namang kagandahan mong boss, kundi lagot ka talaga sakin." sabi ko saka ngumiwi.

"Ito talaga si Ate oh." sabi nito.

"Alam mo namang mahal na mahal kita, ayokong umaaligid sayo na mga ganyan---"

"Miss Perez, can you stop using phone sa oras ng trabaho?" inis nitong sabi na kinalingon ko sakaniya.

Anyare dito?

"Ate, bakit?" tanong nito kaya umiling ako kahit di naman niya ako nakikita.

"Wala, sige na, mamaya nalang." sabi ko saka binaba ko na ang phone ko.

"Sorry sir, kinausap ko lang naman po ang bro--"

"I don't care kung sino man ang kausap mo, boyfriend mo man siya o hindi, sa oras ng trabaho bawal ang cellphone, naiintindihan mo ako." sabi nito na kinanganga ng bibig ko.

Anong boyfriend? Eh kapatid ko kausap ko! Napakamot na lamang ako saaking ulo dahil sa hindi ko maintindihan ang takbo talaga nitong lalaking to.

Pagtapos ng shift ko ay inayos ko na ang nasa lamesa ko, pinatay ko nadin ang mga plug sa laptop na gamit ko at kinuha ang bag ko.

"Sir, uuwi na po ako---" napatigil ako sa pagsasalita ng makitang nakasandal siya sa swivel chair nito habang nakapikit, nakatulog ba siya? Nang ganiyang ayos, hmm.

"Sir, uuwi na po ako, gabi na po eh." sabi ko at medyo lumapit sa kaniya.

Huminga ako ng malalim, gusto ko ng umuwi pero ayoko namang isipin nito na bastos akong mang-gagawa niya.

Inayos ko ang mga kalat niya sa lamesa, nakakita din ako ng mga balat ng bubble gum, natawa naman ako ng mahina at itinapon nalang yon sa trashcan.

Inayos ko ang mga papeles na nasa harap niya at inalis ang basong wala ng laman.

Nang makitang wala naman na siyang iimisin ay humarap na muli ako sakaniya.

"Sir." tawag ko.

"Sir.." tawag kong muli.

Inilapit ko namang hintuturo ko sakaniya at tinusok-tusok ng mahina ang braso nito.

"Sir Jace!"

"Gising na po."

"Gusto ko na talagang umuwi."

"Sir Jace!"

Minulat naman nito ang mata niya kaya napangiti ako pero nawala yon ng mapansing nakakatitig siya sakin.

"Napakaingay mo, Trishaa." sabi nito at napalunok naman ako ng sunod-sunod.

"Im Sorry sir." sabi ko at tumayo ito.

"Ihahatid na kita." sabi nito at napalaki ang mata ko.

"Pero sir, hindi na po kailangan." sabi ko.

"Baka kung saan-saan ka pa dumaan." sabi nito at kumunot noo ko, saan naman ako pupunta eh sa bahay at trabaho lang naman ang ganap sa buhay ko eh.

Magsasalita pa sana ako pero pinatahimik niya ako ng isang halik at napasampal ako sa kaniya sa gulat.

"Tsk. We already kissed a lot of times, ngayon mo lang ako sasampalin." sabi nito ng seryoso.

"Oo nga!" sabi ko at napapikit ako dahil sa sinagot ko, Napakalandi mo talaga Trisha...

"Tara na!" sabi nito at hinila na ako palabas.

One Night stand with Mr. CEOWhere stories live. Discover now