𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐎 💋

3.6K 51 0
                                    

"Hay nako Ate buti na lamang at natanggap ako dun kay Ma'am maganda." kinikilig na sabi nito kaya sumimangot kaagad ako.

"Hmmp nako makamaganda ka naman diyan, lamang lang naman siya saakin ng mga tatlong paligo." saad ko na kinahalakhak niya at napahawak pa talaga sa kaniyang tyan kaya hinampas ko siya.

"Nakakatawa yon, nakakatawa yon ha?!" inis kong tanong kaya napatikom siya ng kaniyang bibig pero nagpipigil padin sa pagtawa.

"Sige na nga Ate, dahil sinamahan mo ako sa paghahanap at iniba mo pa talaga ang schedule ng day off mo para sakin, mas maganda ka sakaniya." sabi nito at tumaas ang isang kilay ko.

"Dapat lang no." sabi ko at nauna ng maglakad.

"Huwag kang magalala Ate, sa unang sahod ko ibibili kita ng gusto mo." sabi nito kaya napangiti ako at hinarap siya.

"Hindi na kailangan, dahil ang gawin mo itabi mo ang two months mo na sasahurin para sa pagbabalik eskwela mo, nang sa ganon mabawasan ang poproblemahin ni Mama." sabi ko.

"Pero Ate---" ngumuso siya.

"No more but's. Tara na, nagugutom na ako, sigurado andon na si Mama at may niluto na para satin." saad ko at wala na itong nagawa pa.

"Kung hindi lang sana namatay si Papa at hindi tayo nabaon sa utang edi sana sa Private School padin tayo nag aaral. Saka hindi sana Nakuha ng Bangko ang ating Bahay." Kitang kita ko ang pagka lungkot sa mata ng kapatid ko.

Tama sya si Patrick.. Kung hindi lang Nalugi ang kampanya ng Langis ni Papa sa Singapore at kung hindi rin nagkasakit si Papa ng Brain tumor na halos Isang taon sya sa Ospital kayat nabaon kami sa utang..hayst, halos lahat ng ari arian namin...Naibenta ni Mama ang rest house namin sa Tagaytay at Baler. Kinuha din ng bangko ang aming bahay sa Subdivisyon sa Batangas...

Pagdating namin sa bahay ay naabutan namin si Mama na umiiyak habang hawak ang Piggy Bank niya.

"Oh Ma? Ano hong nangyare?" tanong ko.

"Naku ate, I already know what happened,ninakawan nanaman siya ni Tiya." saad ni Patrick na kinakuyom ng palad ko.

"Im okay..." saad ni Nanay.

Habang humahagulhol si Mama ng iyak ay pumasok si Tita Cris.

"Hoy ano itong narinig ko sayo Patrick?! Ninakaw ko? Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin yan saakin!" singhal nito sa kapatid ko at akmang ng sasaktan si Patrick pero hinarang ko agad ang kamay ko.

"Enough! Hindi ho ba kayo nahihiya sa ginagawa ninyo, hindi na nga ho kayo nakakatulong saamin, kinukuha niyo pa ang iniipon ni Mama." nagpipigil kong saad at tumawa ito.

"Ano bang kinakagalit niyo ha, ibabalik ko naman ah." sigaw nito sakin.

"When? Pag pumuti ang uwak! How many  years niyo na hong paulit-ulit sinasabi yan saamin but ni singko centavos wala ho kaming natanggap!" saad ko at magsasalita pa sana akong muli ng sumigaw si Mama.

"Stop it Trisha!" wika nito sabay tayo sa pagkakaupo sa upuan namin na gawa sa kawayan.

"Hoy Belinda, pagsabihan mo itong mga anak mo, baka masampiga ko yang mga mukha niyan kapag hindi ako nakapagpigil, ang babastos ng ugali." sabi nito.

"It's okay to be rude o magaspang ang pag uugali kesa ho sainyo na walang ginawa kundi ang bigyan ng problema si Mama!" sigaw ko dito at agad na akong niyakap ni Mama para tumigil, umiiyak na siya.

One Night stand with Mr. CEOWhere stories live. Discover now