CHAPTER EIGHT💋

2.3K 44 0
                                    

Nanatili lamang akong nakatitig sakaniya dahil sa narinig ko, ano bang ibig nitong sabihin.

•  TOK TOK TOK  •

Napansin ko namang tila lumalapit ang mukha nito sakin at biglang hawak sa bewang ko kaya naman napahawak ako ng mahigpit sa palda ko.

At ng ilang inches nalang ang layo nito sakin ay biglang...

"Someone's knocking, Miss Perez." mahina nitong sabi kaya napamulat ako at nakita ko ang ngiti nito kaya nakaramdam naman ako ng hiya, jusko Ahlu, ano 'yon?!

Napalunok ako ng sunod-sunod saka huminga ng malalim. Nilapitan ko na ang pinto at binuksan kung sino yun pero laking gulat ko ng makita si Jeneza na halatang galing pa ng Harson University dahil naka Uniform pa ito.

Halata din sa mukha nito ang gulat.

"Oh, Trisha!? Anong ginagawa mo dito?" tanong nito.

"Dito ako nagtatrabaho, eh ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong ko at sinilip ko pa si Sir Jace dahil baka magalit ito.

"Ahh okay. By the way, I'm here to see my boyfriend." sabi nito at kumunot ang noo ko.

"Boyfriend?" tanong ko at tumango ito.

"Sinong boyfri---"

"Who's that, Miss Perez?" tanong nito dahil napapatagal na nga ang pagtayo ko sa may pintuan, nilingon ko siya at laking gulat ko nasa likod ko na siya, tiningnan nito kung sino ang kinakausap ko.

"Jeneza?"  saad nito at napalingon ako sakaniya at bigla nalang lumapit si Jeneza dito at walang sabi-sabing niyakap niya to at hinalikan, napaiwas naman ako ng tingin.

"Excuse me po." saad ko at lumabas na nga at naupo kung saan talaga ako dati nakapwesto sa tabi ni Sheena.

"Naririto na naman ang babaeng yun..." sabi nito sabay ismid ng mahina.

"Ahh.. syempre dinadalaw nito ang boyfriend nito." sabi ko at ibinalik ang tingin ko sa screen.

"Sino si Sir Jace? Juskolorde, ipapakulam ko talaga siya if true yan pero thank you nalang din talaga at isa lamang siyang feelingera." sabi nito na busy sa kakatipa, kulang na nga lang ay pukpukin nito ang keyboard sa inis nito kaya natawa nalang ako at napailing.

"Miss Perez!" tawag ni Sir Jace at napatayo naman ako at dali daling pumasok kuli sa office ni sir Jace.lumapit na din dahil tiningnan ako nito ng hindi ako lumapit kanina.

"I can help, Clinton, just tell me." sabi ni Jeneza at napatingin nalang ako sa kisame dahil sa lambingan ng nasa harap ko.

"No, but thanks, you need to go home, Uncle Pablo's gonna be mad kung hindi ka nanaman uuwi." sabi ni Sir Jace, ang binanggit nitong pangalan ay ang Papa ni Jeneza, nalala ko noon,nakakatakot kaya yun, parang laging beast mode pag sinusundo si Jeneza  nsa university .

Napansin ko namang nakatingin sakin si Jeneza. "By the way, Clinton, friend ko nga pala si Trisha, she's my batchmate last years nag stop na kasi sya ngayong year sayang nga sana kasi gagraduate na sana sya kasabay namin, hindi ko ine-expect na dito siya nagtatrabaho." nakangiti nitong sabi kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Actually andon siya sa birthday ko, sayang hindi kayo nagkita." sabi ko at ngumiti ako ng alangan.

"Sige na, aalis na ako, alam ko namang wala akong laban sayo porket alam mong mahal kita." sabi nito at napasinghot-singhot ako at saka kamot sa ilong ko.

One Night stand with Mr. CEOWhere stories live. Discover now