Pagdating ko sa lobby palang ay kita ko na agad ang mga tinginan nila sakin, anong nangyare?
Napakapit naman ako sa hawak kong bag habang nakikita silang nagbubulungan, binalewala ko nalang sana yun pero pagsakay ko sa elevator ay ganun pa din, pinagtitinginan pa din nila ako at dahil baka guni-guni ko lang ay sumakay pa din ako.
"Sanaol nalang talaga sa iba na biniyayaan maging malandi at gold digger" rinig kong sabi nang nasa likod ko, kumunot ang noo ko lalo pero ayaw ko silang pansinin, hindi naman siguro ako yun.
Hanggang sa makarating ako sa 3rd floor ay rinig ko pa din ang mga tawanan nila at ang mga nakakasalubong ko na iba kung makatingin.
Yung iba ay hindi maitago ang pagirap saakin at pagismid at halos lahat sila ay kababaihan, mukhang alam ko na to pero hindi ko ineexpect na ganito kalala, nilapitan naman ako ni Sheena at agad hinila sa may stock room.
"Bakit?" tanong ko.
"Hoy ka babae, naglilihim ka sakin ha!" inis nitong sabi.
"Ano bang sinasabi mo?" tanong ko.
"Well kalat na kalat naman na sa buong building ang relasyon ninyo ni Sir Jace, ano kaba? at ito pa habang jowa mo si Sir Jace ay jinowa pa ang pinsan nito, totoo ba yun?" tanong nito at napapikit ako ng mariin.
"Saan mo naman nakuha ha yan?" naiinis kong tanong.
"Well alam mo naman, madali lang kumalat ang tsismis dito beh, pero wag mong ibahin ang usapan, totoo ba na jowa mo na sir ha?" kinikilig nitong sabi kaya tumango ako at agad naman sana siyang sisigaw sa tuwa pero agad kong tinakpan ang bibig niya.
"Anoba, umayos ka nga." saad ko.
"Wait lang naman kasi, kinikilig pako." sabi nito.
"Pero sino ba kasi ang nagpakalat?" tanong ko.
"Well, sino pa nga ba? Si Marjorie malamang, nakwento kasi ni Julie sakaniya and ito naman si Marjorie pinalaganap ang kwento, pero totoo din ba na jowa mo din ngayon ang cousin ni sir, huy ano na?! share your blessing naman bii, ano!" sabi nito at napailing ako.
"Totoong boyfriend ko na si sir pero yung pinsan niya...totoo din na naging boyfriend ko pero five years ago na yun...ah mahirap i-explain, mahirap dahil sobrang haba ng istorya." sabi ko at napangiwi naman siya.
"Alam mo naiingit ako sayo pero inaalala din kita sa mga marites diyan sa labas..kung bakit naman kasi ang pogi-pogi ni sir ayun tuloy ang daming nagkakagusto." sabi nito.
"Bahala na, tara na." sabi ko at lumabas na kami at nakita ko agad ang nakakalokong tingin sakin ni Marjorie, hindi ko nalang siya pinansin.
Naupo na ako sa pwesto ko at inilagay sa gilid ang bag ko nang lapitan ako ni Marjorie.
"Grabe, ang tahi-tahimik mo lang pero iba ka pala tumira, pailalim." sabi nito at hindi ko siya pinansin.
"You know what marjorie, kung inggit ka pumikit ka nalang." sabi naman ni sheena.
"Tss. Gusto ko lang naman humingi ng advice kay Trisha, mukha kasing professional siyang maging..alam niyo na, Gold digger at malandi" tiningnan ko siya ng masama kaya naman tumawan ito ng mahina.
"Professional kang maghanap ng Mayamang boyfriend..at sa sobrang professional mo dalawa pa ang nabingwit mo, dahil ba gusto mong maging mayaman ulit dahil nagkanda baon kayo sa utang kaya ayan, Isang kahig isang tuka ka.---"
YOU ARE READING
One Night stand with Mr. CEO
RomanceTITLE: One night stand with Mr. CEO Genre: Romance| R-18 | SPG Content🔞 Author: mitchaanngg -------------------------------------- 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: This story have an SPG CONTENT ARRIVED and it's not suitable for any young reader's below 18. 🔞 Re...