CHAPTER 19 💋

2K 47 0
                                    

At dahil nga sa nangyare kagabi na away saamin ni Jace ay sina Sir Argus at Julie muna ang nag-handle sa mga trabahong naiwan nito.

"Ano bang nangyare, Trisha?" tanong sakin ni Sir Argus nang makapag-break time na kami, kasalukuyang nasa loob kami ng opisina niya  huminga naman ako ng malalim.

"Don't tell me sinabi mo na sakaniya?" tanong nito at tumango ako ng dahan-dahan.

"Eh kaya naman pala, kilala ko yan si Jace hindi naman basta-basta nagli-leave yan kung walang sakit, napaka-workhaholic kayang taong yun." sabi nito at napayuko nalang ako saka ininom ang kapeng binili sakin ni Sir Argus ayaw kasi nito ang kape dito sa opisina.

"So, what's your plan?" tanong nito sakin.

Tiningnan ko siya na parang nagtatanong kaya tinaasan niya ako ng kilay.

"Don't tell me wala kang gagawin? Wait, do you really love my friend? Bakit nag-away kaagad kayo dahil sinabi mo lang sakaniya ang totoo, hindi sa kinakampihan ko si Jace pero I know him, alam kong mahal ka niya kaya iintindihin ka nito pero ano bang nangyare kagabi ha?" tanong nito.

"I told him na first love ko si Mhiro" kwento ko at napapalo ito sa noo niya.

"Tapos nung tinanong nito kung mahal ko pa si Mhiroo at kung mahal ko din ba siya ay hindi ako nakaimik." patuloy kong kwento.

"Why, mahal mo pa ba si Mhiro?" tanong nito at nilingon ko siya.

" Actually, I really don't know, Sir Argus, pero ang sakit lang kapag naaalala ko ang mga nangyare noon, limang taon na pero hindi ko pa din siya nakakalimutan, ayoko namang sabihin kay Jace na hanggang ngayon naiisip ko pa din ang Pinsan nya...hindi ko alam kung bakit..feeling ko, ang sama-sama kong girlfriend nito." sabi ko at narinig ko ang malalim nitong paghinga.

"Alam mo dahil sa mga sinabi mo gusto kong mainis sayo pero naiintindihan din kita at the same time, sinabi mo nga na he's your first love but, Jace is your present now and masasaktan to ng sobra dahil sa mga ina-acting mo..." sabi nito.

"Tinuturing nadin kitang kaibigan ko hindi dahil girlfriend ka ng kaibigan ko, tinuturing na kitang kaibigan kasi alam kong mabait at matapang ka, at dahil kaibigan mo, ninyo ako ni Jace, gusto kong maayos kayo." sabi nito at tumango ako.

"Salamat, Sir Argus." saad ko.

" Argus nalang, Luna." sabi nito saka ngumiti sakin kaya tumango ako at inubos nalang namin ang kape na iniinom.

_

KINABUKASAN muli ay pinuntahan ko agad si Argus sa opisina ni Jace, andito kasi siya at may inaasiko.

"Bakit?" tanong nito.

"Alam mo ba kung saan nagi-stay si Mhiro ngayon?" tanong ko at tiningnan naman ako nito.

"Why are you asking?" tanong nito.

"Gusto ko lang siyang makausap, I-settle down ang lahat and to make decision na din." sabi ko at huminga ito ng malalim.

"Hindi ko alam kung maari kong sabihin sayo ang kinaroonan ni Mhiro, baka naman magalit sakin si Clinton pag nalaman nito." sabi nito kaya napabuntong hininga ako.

"Tell her if she want to see him."

Napalingon naman kami sa may pintuan at nagulat ako ng makita si Jace andito na siya pero ang seryoso ng awra nito.

One Night stand with Mr. CEOWhere stories live. Discover now