CHAPTER 22 💋

2.2K 41 0
                                    

Naga-antay ako sa pagdating ni Syxto ngunit nagulat ako na ang makita ay si Migo.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Gusto lang kitang makausap, moon.." sabi nito at tumango ako, bigla namang lumabas si Maximo at halata sa mukha nito ang gulat ng makita ito, pinaliwanag ko naman kay Maximo at Nanay ang lahat kaya hindi na sila galit dito. Agad naman siyang pumasok kaagad. Naupo naman kami sa mahabang silya sa labas ng bahay.

"Gusto ko lang magpaalam." sabi nito kaya nilingon ko siya.

"Magpaalam?" tanong ko at tumango ito.

"Alam ko kasing malabong maging tayo pa lalo nat magkakaanak na kayo ni Kuya." sabi nito at napayuko ako.

"Siguro kung..mas napaaga ang pagkikita nating muli ay baka nagkaroon pa tayo ng pagasa pero sabi ko huli na ang lahat.." sabi nito kaya napapunas ako ng luha ko..

"Aalis na pala ako sa makalawang araw." sabi nito kaya nilingon ko siya.

"S-Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Sa states, kay Lola Masha, kailangan nito ng makakasama doon dahil mahina na siya." sabi nito.

"Pero syempre way ko nalang din yon para makatakas sa katotohanan at makalimot sayo." sabi nito at nanatili lamang akong nakatingin sakaniya.

"Pasensya na at hindi ko kayang makitang ikasal ka sa Kuya ko kaya...lalayo nalang ako..ayokong makasira, sobrang laki na ng problema na ang naibibigay ko sakanila at..ayoko ng dagdagan pa." sabi nito kaya hinawakan ko ang kamay nito.

"I'm sorry...pero gusto kong malaman mo na sobrang masaya ako na nakilala ka..hindi man maganda ang kinahantungan ng relasyon natin noon, alam kong naging mabuti ka sakin, ikaw ang andiyan para sakin sa lahat ng oras...andyan ka para pagaanin ang loob ko, sabi ko nga ikaw ang shield ko di ba?" sabi ko saka pinunasan ang tumutulong luha sa pisngi nito at tumango ito habang pinipilit ngumiti.

"I'm sorry kung hindi ako yung para sayo..alam kong makakahanap ka ng iba na mas deserve mo, alam ko yun." sabi ko at tumango ito.

"Wag kang mag-alala, magiging shield mo pa din naman ako pag sinaktan ka ni Kuya." sabi nito kaya natawa ako ng mahina at hinawakan nito ang pisngi ko at the last time, hinalikan nito ang noo ko.

"Goodbye, moon." mahinang saad nito na kinatango ko.

"Paalam din, at maraming salamat sa lahat ng masasayang araw na nakasama kita noon, hinding-hindi ko makakalimutan yon." sabi ko at tumango ito at binitiwan na niya ako.

"Sige na, aalis na ako." sabi nito saka tumayo kaya tumayo din ako at humarap sakaniya.

"Magiingat ka palagi, Ahluna." sabi nito at tumango lang ako at niyakap siya ng mahigpit.

Hinaplos nito ang ulo ko saka ako nilayo at mabilis na umalis na. Napabuga ako.

Saka ko naman nakita ang kotse ni Syxto na nakapark di kalayuan sa bahay namin kaya naman inantay ko siyang bumaba pero bumaba lang ito ng makaalis na si Migo kaya naman nilapitan ko siya.

"Mahal." sabi ko at ngumiti siya sakin saka binigay sakin ang dala niyang bulaklak.

---

"Anong sinabi niya?" tanong nito ng makaupo kami sa loob ng bahay, kasalukuyang nagluluto si Nanay pagkain.

"Nagpaalam siya." sabi ko at tumingin siya sakin.

"Bakit? Saan daw siya pupunta?" tanong nito kaya ako naman ngayon ang napalingon sakaniya.

"Hindi mo alam, nagpaalam ito kasi pupunta na daw siya sa Lola ninyo sa states." sabi ko at napabuntong hininga siya.

"Buti pa sa'yo nagpaalam siya pero saamin hindi at hindi man lang nito pinaalam ang balak niyang pagalis." sabi nito saka napahilamos sa mukha niya kaya naman kinuha ko ang kamay niya at pinisil-pisil ng mahina yon.

"Baka naghahanap lang siya ng tiyempo, syempre mas mahirap magpaalam sa magulang." sabi ko at huminga ito ng malalim. At saktong labas naman ni Nanay.

"Luto na ang Sinigang sa miso, halina kayo." aya ni Nanay kaya tumayo ako at nilahad ang kamay ko kaya naman hinawakan niya yon.

Pagdating namin sa kusina namin ay naghain agad kami ng mga plato ni Maximo.

"Pasensya kana at ayan lang ang naluto ko ha." sabi ni Nanay.

"Ayos lang ho Nay, amoy palang ho ay siguradong masarap na ho ito." nakangiti niyang sabi kaya naman agad akong siniko ni Maximo kaya tiningnan ko siya. "Dagdag points nanaman si bayaw kay Nanay." pangaasar nito kaya napailing ako at inilagay na sa lamesa ang mga baso at naupo na.

Tiningnan ko si Syxto at parang humihingi ng saklolo kung paano sasabihin kay Nanay ang pagbubuntis ko, napostponed kasi ang dapat na pagsabi namin dito dahil medyo kinabahan ako, ang sabi ko nalang ay siguro pagisipan ang mga dapat sabihin muna at baka atakihin si Nanay.

"Kailan kayo magpapakasal?" biglang tanong ni Nanay na kinabitaw ko sa hawak kong kutsara.

"Aba'y si Nanay, napakaexcited ah ah!" natatawang sabi ni Maximo.

"Tumigil ka Maximo." saway nito dito kaya tinikom naman niya kaagad ang bibig niya saka tumingin saamin. "Hindi bat yan ang ninyong sabihin? Akala niyo hindi ko napapansin ang palagi nitong pagpunta dito at tila may gusto kayong sabihin pero natatakot lamang kayo." sabi ni Nanay.

"Kung ganon alam niyo na ho ang pagbubuntis ko?" tanong ko at huminga ito ng malalim.

"Buntis ka Ate?!" tanong ni Maximo at napahawak pa sa bibig niya.

"Hindi naman ako pinanganak kahapon, Ahluna. Dalawa na din kayong anak ko kaya alam ko ang isang babaing nagdadalang tao..at saka ilang buwan mo ng hindi ginagalaw ang mga ano mo at sinubukan mo pang itago sakin yon noon, hindi ba?" sabi nito kaya napatango ako.

"Sorry po.." halos sabay naming sabi ni Syxto.

"Hindi naman ako galit at dahil andiyan na yan dapat maging masaya ako pero..hindi ko alam kung dapat ba si Ahluna sayo? Madami na akong napagdaanan noon ng katulad sainyo..muntikan na din akong magkaroon ng kasintahan na mayaman pero ayaw sakin ng magulang nito kaya nakipaghiwalay siya sakin...ayoko namang pagdudahan ang pagmamahal mo sa anak ko...pero---"

"Pasensya na po Nay, naiintindihan ko ho kayo, at maipapangako ko sainyong hindi ho ganoon klase ang magulang ko pero wag din po kayong magaalala dahil kaya ko pong ipaglaban si Ahluna kahit kanino.." sabi nito kaya napatango si nanay.

"Kung ganon ay walang problema sakin..kung saan masaya ang anak ko ay doon din ako masaya." sabi ni Nanay kaya napangiti ako at tumango-tango si Nanay sakin.

KINABUKASAN ay inaya naman ako ni Syxto na pumunta sa bahay ng magulang nito.

"Ngayon na talaga?" tanong ko. "Kinakabahan ako, mahal." sabi ko at hinawakan nito ang kamay ko at ang isang kamay niya ay nasa pisngi ko.

"Wala ka dapat ikabahala dahil kasama mo ako." sabi nito.

"Paano kung hindi nila ako magustuhan?" tanong ko.

"Bakit hindi ka naman nila magugustuhan? Hindi ba nila alam na maswerte sila at magkakaroon sila ng manugang na maganda, mabait at maalaga." sabi nito at natawa naman ako.

"Binobola mo naman ako eh." sabi ko at natawa din siya.

"Mahal, magtiwala ka sakin. Pag sinabi kong ako ang bahala sayo, totoo yun, magustuhan ka man nila o hindi ay hindi tayo maghihilaway." sabi nito at tumango ako.

"Sige, magpapalit lang ako." sabi ko at tumango ito.

______

Habang nasa byahe ay hindi ko pa din maiwasang hindi kabahan. Kilala ko na ang Daddy nito dahil si Sir Locco ang dati naming CEO at mabait naman ito saamin, pero syempre ibang usapan naman ang saamin ni Syxto. At ang Mommy naman nito ay hindi ko pa din nakikita ni minsan, kahit noon kay Migo dahil ang Lola lang naman nila ang nakilala ko.

"Mahal." rinig kong tawag ni Syxto sakin kaya napalingon ako sakaniya.

"Relax lang ha, dinaig mo pa ang tumakbo ng isang daang kilometro eh." natatawa nitong sabi kaya naman huminga ako ng malalim at tumango sakaniya..

Pagdating namin sa bahay nila ay parang ayokong lisanin ang kinauupuan ko ngayon.

"Mahal." kanina pa nitong tawag at natatawa nalang ito kapag umiiling ako.

"Mahal naga-antay na sila." sabi nito kaya pumikit ako ng mariin saka bumaba na at napakapit nalang ako ng mahigpit sa bag na hawak ko.

One Night stand with Mr. CEOWhere stories live. Discover now