"Does it hurt?" He ask while cleaning my wound.
Sa totoo lang hindi naman na niya kailangan gawin ito dahil kaya ko naman eh. Cuz right now, I am so confused with his actions.
"Nope, malayo sa bituka" sabi ko at ngumisi sa kanya.
Maayos naman ang pagkakatali niya sa buhok ko. Pwede na rin, nahiya pa ako sa ginawa niya.
"Are you working in the bookstore?" Tanong niya habang abala siya sa sugat ko.
"Part timer lang." Sagot ko habang nakatingin sa gingawa niya. "Can I ask you a favor?"
Napahinto siya sa ginagawa niya at pareho kaming napatingin sa mata ng isa't isa.
"What?" He said.
"Pwede bang huwag mong sasabihin sa ate ko na nagwo-work ako."
1
2
3
Haysss.. Ang tagal niya naman sumagot.
" What will happen if I tell her? Hmmm." He said while putting a bandage on my wound.
Pagkatapos ay umayos na ako ng upo at sumandal sa sofa. Samantalang siya naman ay inaayos na niya ang kit sa lamesa.
"K-kapag sinabi mo, hindi ko rin alam kung ano ang gagawin nila sa akin. " Napabuntong hininga ako at nakatingin lang sa kisame. "Baka isumbong ako kay Dad. "
"Don't worry , I won't tell her. "
"Salamat."
Umupo rin siya sa may single sofa at sumandal rin.
"Eh bakit ka nagtatrabaho?"
"I am planning to move out and live independently, pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa daddy ko, at kung papayagan ba ako." Umayos ako ng upo at tiningnan ko siya.
"Why are you helping me?" Tanong ko sa kanya habang tinitingnan siya.
Umupo din siya ng maayos pero hindi makatingin sa akin.
"Huh?, it's- it's just coincidence that I saw you there, that's why I helped you." Sabi niya.
Tumango-tango naman ako na parang may pagdududa sa sagot niya. Tumayo ako tiningnan ang kabuan ng bahay nila.
"Bakit niyo pala binebenta itong bahay? Ang ganda pa naman." Sabi ko habang naglalakad-lakad.
"This is a common house, Sa Daddy ko at kapag nabenta ay kahati niya ang mga kapatid niya."
Sago niya habang sumusunod sa akin.
Humarap ako sa kanya at nagulat siya sa ginawa ko. Bakit parang ninerbyos siya kapag malapit ako sa kanya, I don't want to overthink pero iba ang instinct ko sa mga actions niya.
"I just want to say thank you for helping me., Uhmm.. Ahh- u-uuwi na pala ako. " Sabi ko at kinuha ang sweater ko at sinuot na ito.
"Ihahatid na kita"
"Hindi na. It's to much. Nakakahiya na sayo." Sabi ko
"No. I insist." Seryusong sabi niya.
Kinuha ko ang bag ko, ngunit kinuha niya ito sa akin. Hindi na rin ako nagreklamo dahil hahaba lang ang usapan. Nauna na akong lumabas ng bahay sa kanya.
Sa byahe ay tahimik lang kaming dalawa, nahihiya rin ako mag open ng conversation sa kanya. Nakatanaw lang ako sa bintana, hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
YOU ARE READING
Bus Stop Romance (Ongoing)
RomanceReese Amelie Torres, a college student who used to ride a bus for school. An intelligent, pretty and silent girl.Is there a chance that she will find love in a bus stop? On the other hand, Klyde Jacob Jimenez, a handsome and famous student and also...
