" Are you okay? "
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang nakasalo sa akin. Ang lapit-lapit niya sa akin.
Bakit bigla akong kinabahan. Tsaka hindi niya pa ako ibaba.
"Pwe-pwede mo na a- akong ibaba." nahihiyang sabi ko.
Ibinaba naman niya ako kaagad.
Medyo kumirot ang mga binti ko dahil na rin siguro sa ngalay,kanina pa kasi ako nasa taas.
Napahawak tuloy ako sa braso niya. At bigla ko rin itong binawi, umayos naman ako sa aking pagkakatayo.
"Are you okay?" Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala.
" M-medyo nangalay lang ang mga binti ko." Sabi ko.
Inilalayan naman ako ni Klyde paupo sa may fountain.
"T-thank you for saving me." Sabi ko.
"It's nothing, good thing napadaan ako sa tapat mo." Sabi niya sa akin.
Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Or concerned citizen lang siya. Dalawang bagay lang iyan eh, nakita ko na siya kanina na napadaan o sadyang binantayan niya talaga ako.
Ahh.. ewan.
Sino ba ako para banatayan?
Prinsesa?
"What are you thinking?" Tanong niya sa akin na nakatingin.
Napalingon naman ako sa kanya.
Shucks... His handsome face is really dominating.
Erase.
Erase.
Erase.
Focus ka lang Reese. Ano ba yan, Ano nang nangyayari sa akin. Hindi naman ako ganito eh.
"Uhmm.. I-iyon ohh? " Turo ko sa pinipintahan ko, lumingon naman siya pero ako? pinagmamasdan ko pa rin siya.
Medyo nasira kasi yung puno na ginawa ko, nabitawan ko kasi iyong pallete kanina at napadaanan ng paint brush na hawak ko iyong puno.
Lumapit naman sa amin iyong mga batang nakabunggo sa hagdan ko kanina.
"Sorry po talaga Ate, Okay lang po ba kayo?" Malungkot na sabi ng matabang bata.
"Hindi na po kami maghahabulan dyan. Pasensya na po." Sabi naman ng isang batang pawisan.
Nginitian ko naman sila.
"It's okay, Ayos lang naman ako eh." Sabi ko sa kanila.
"Kuya, mabuti na lang po at nasalo niyo si Ate. Kahit na ang layo po ng kinauupuan niyo kanina, ang bilis niyo pong tumakbo." Sabi naman ng batang babae.
Kita ko naman na nanlaki ang mga mata ni Klyde at napatingin sa akin, namumula rin ng mga tenga niya. Ako naman ay tumingin sa gilid ko na tila may hinahanap.
Sabi mo kanina napadaan ka, Aba!! tinalo mo pa yata si Flash.
"Ahh... Ehhh.." Nauutal na sabi ni Klyde sabay kamot sa batok niya.
Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.
"Sige po.. alis na kami.. sorry po talaga ate." Sabi ng mga bata, ningitian ko naman sila at tumakbo na palayo.
Natahimik kami ng ilang segundo, kita ko naman ang pagkataranta sa kanyang mukha. Hindi siguro alam kung anong palusot ang sasabihin niya.
"By the way, Kailangan ko ng tapusin iyon, gumagabi na. Salamat sa pagtakbo ng mabilis. " Nangingiting sabi ko at tumayo na at naglakad.
YOU ARE READING
Bus Stop Romance (Ongoing)
RomantiekReese Amelie Torres, a college student who used to ride a bus for school. An intelligent, pretty and silent girl.Is there a chance that she will find love in a bus stop? On the other hand, Klyde Jacob Jimenez, a handsome and famous student and also...
