Chapter 9:

2 0 0
                                        

"A-ayos lang ako. Kaya ko na." Sabi ko.

"Anong okay, hindi yan okay Reese, tara na." Si Audrey habang kinukuha ang ibang gamit ko.

Kumuha ng panyo si Klyde sa bulsa niya at tinali sa braso ko.

Napapikit pa ako sa sakit dahil bigla niya itong hinigpitan  kinuha na rin niya ang take out food namin.  Akala mo naman matagal na silang magkakilala at nagkasundo sa iisang bagay. Wala na rin akong nagawa at sumunod na sa kanilang dalawa.

Ang mga nasa cafeteria naman ay panay ang tingin sa amin o sa kay Klyde lamang. Iba rin kasi ang dating ng isang ito eh, artishan ba.

Habang naglalakad naman kami ay panay ang tingin sa akin ni Klyde, nagpahuli kasi ako sa kanila.

"Let's go in the parking lot, We will take you in the hospital" Seryusong sabi ni Klyde.

"Oo kailangan na talaga sa hospital yan. Huwag kang magrereklamong babae ka ha.." sabay hinto niya sa paglalakad at turo sa mukha ko. "Dahil kung hindi yan malaki, hindi yan basta basta dudugo ng ganyan."

Kahit si Klyde ay napahinto na rin sa paglalakad. At nakatingin sa akin, in  a worried eyes. Pakiramdam ko tuloy sa tiingin niya ay kulang na lang ay kargahin niya ako at itakbo sa hospital.

Uyy.. Reese grabeng imahinasyon na yan wala ka sa disney huwag ambisyusa.

Wala na akong nagawa sa kanilang dalawa dahil wala na akong laban, si Audrey ay sumakay sa tabi ng driver's seat at ako naman ay sa likod. Para naman akong anak nilang dalawa na isusugod sa hospital dahil mataas ang lagnat ng anak.

Si Klyde naman ay may kausap sa phone niya.

" We' ll go directly on your clinic, thank you po."

Nang makarating kami sa Hospital ay nagpauna ng naglakad si Klyde sumunod naman kami sa kanya.

Pagkapasok namin sa clinic ay may nakaupo sa swivel chair naka-lab gown ng white at sa kanang bahagi ng gown ay may naka-embroider ng ‘Doktora Adeline Jimenez’. Napatulala pa kami ni Audrey nang makita ang doktora. She's so beautiful at her age. We have the same skin complexion and hair color her curls are wavy unlike mine. She looks like a hollywood star.

Nanunang pumasok si Klyde at sumunod naman kami ni Audrey.

"Ma, she needs stitches" si Klyde.

Si Audrey naman ay nakatingin sa doktora at sa akin, palipat-lipat siya ng tingin sa aming dalawa.

Umupo kami sa sofa. At tsaka lumapit sa akin iyong doktora.

"O-M-G!!! Magkamukha po kayo ng kaibigan ko dok ." Si Audrey at hindi na napigilan ang sarili.  "Totoo po pala ang sinabi ni google na there are nine people na pwedeng maging kamukha sa buong mundo." Talagang nakatitig siya, siniko ko naman siya. Nakakahiya.

Natawa naman si Doc at napatingin rin sa aking mga mata.

"They're my friends mom. Siya iyong ikinwento ko kahapon na nasugatan." Si Klyde at napatingin naman sa anak niya.

Inalis ni doc ang panyo sa braso ko at sinuri ito.

“Ano bang nangyari sa braso mo?"

"Hay naku dok! Akala mo kasi si Darna yan at nakipaghabulan sa magnanakaw kaya po nasugat ng kutsilyo."  Si Audrey na ang sumagot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2025 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bus Stop Romance (Ongoing)Where stories live. Discover now