Days had passed and until now hindi ko pa rin nasasabi kay Dad ang plano ko. I am attending my classes like what I usually do. Walang nagbabago sa routine ko. Hindi ko na rin nakakasakayan si Klyde sa bus.
Well, hindi naman talaga siya madalas sumakay dahil mayaman naman talaga siya. I don't know pero simula nang dinala ni ate ang mga friends niya sa bahay mas naging mas close si Klyde sa akin.
Madalas siyang magtext sa akin, pero minsan hindi ako nagrereply, hindi pa rin kasi ako masyadong sanay na makipag usap sa kanya. I just met him by chance. Kaya naman may trust issue pa ako.
And two weeks ko na rin siyang hindi nakikita,kaya naman hindi naman siguro ako hahanapin no'n madami siyang friends boys or girls, at maraming naghahabol sa kanya. Minsan nga sa BMU marami ring estudyante ang nagkakagusto sa kanya at napag-uusapan siya madalas.
***
Today is Thursday and 12 PM is my last class for today. Si Audrey naman ay may klase pa kaya nauna na ako.
Ginamit ko rin iyong bike na pinahiram sa akin ni Tita Lisa kaya naman hindi na ako nahihirapan pang maglakad papuntang bookstore. Kung dati ay palagi akong long skirt, ngayon nag- iba na ang style ako dahil nagba-bike ako.
Today, I am wearing a blue fitted jeans and black thin sweater with a little prints of hearts.
Nadatnan ko si Tita na nag- aayos ng gamit niya, mukhang ako na lang talaga ang hinihintay.
Kumain na rin ako ng lunch bago ako dumiretso dito.
" Thank you at nandito ka na Reese, pasensya ka na at nagmamadali ako. May mga stocks pala ng coupon bonds na dumating, hindi ko na naayos. Pwede bang pakiayos na lang and repack it. " Sabi ni Tita habang abalang inaayos ang bag niya.
" Sige po Tita, no problem." Sagot ko naman. At nagpaalam na rin si Tita na aalis.
Well, I' m enjoying repacking this. Pero mamaya ko na gagawin dahil may paisa-isang customers na dumarating.
Si manong guard naman ay nagpaalam sa akin na magla-lunch raw muna siya sa may karenderya malapit sa terminal.
Kaya naman mag-isa lang ako dito. Iyong kasama ko kasi ay hindi pumasok, kadalasan kasi dalawa kaming nakatao dito. Siya sa may counter at ako naman ay sa shelves ng books. Pero ngayon ako muna ang lahat gagawa, ayos lang naman sa akin dahil hindi naman ganoon kabigat ang trabaho.
Habang wala pang pumapasok na customers ay inayos ko muna ang inventory. Nasa may stationary section ako at inaayos ang mga coupon bonds na sinabi sa akin ni Tita Lisa. Madalas na ma-sold out ang mga ito, napansin ko rin na kahit ang mga simple sticker designs ay mabili rin, kahit washi tapes at notepads.
Napatigil ako sa ginagawa ko, and an idea popped into my mind. I will make a research later when I got home, I can start my own online art shop. Since I have ideas about designing what if I can design stickers, notepads, and washi tapes. Panigurado magugustuhan ng mga students iyon.
Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko, mahirap ma-distract kapag nasa work. I'm just counting some coupon bonds for 18 pcs and put it inside a resealable plastic, then I'll stick a barcode on its bottom part, for easy punching.
Napatigil lang ako sa ginagawa ko ng marinig kong tumunog ang wind chime. Pumunta ako sa may counter, may lalaking pumasok at mga nasa mid 30' s ang age niya, naka-cap din siya.
"Good Afternoon po sir pwede po bang paalis ng cap bawal po kasi dito sa loob." I genuinely said.
He's just looking around at parang hindi yata narinig ang sinabi ko.
YOU ARE READING
Bus Stop Romance (Ongoing)
RomanceReese Amelie Torres, a college student who used to ride a bus for school. An intelligent, pretty and silent girl.Is there a chance that she will find love in a bus stop? On the other hand, Klyde Jacob Jimenez, a handsome and famous student and also...
