Chapter 17

0 0 0
                                    

Wala parin ako sa sarili at naririnig kong pilit na pinipigilan nila Ginoong Eno ang pagdakip sa akin.

Agad na kinadena ng mga guwardiya ang mga kamay ko at isinama sakanila.

"Lilitisin ho kayo kamahalan para sa mga sumusunod na babanggitin ko.
Ang pagkamatay ng isang kawal na inyo daw na akusahan sa pagmamalabis sa mamamayan.
Ang sunog na nangyare sa eskwelahan.
Dagdag pa rito ay ang kanina lang na nangyari ang pagkamatay ng isang batang tinulungan niyo sainyong paglalakbay."

Tumingin lang ako sa kawal pagkatapos niyang banggitin ang mga iyon dahil parang walang mga salita na gustong lumabas sa aking mga bibig.

Pagdating namin sa kulungan ng Norlea ay agad akong hinatid ng mga kawal sa sarili kong selda at habang naglalakad patungo roon ay tinitignan ako ng ibang mga preso.
Ang iba sakanila ay nakikilala ako ang iba naman ay nalilito at marami ring walang ideya.

"Yan ba ang dati nating Prinsipe?"

"Totoo ngang nagbibihis babae na siya."

"Ano kayang nangyare bakit siya nandito?"

Nararamdaman ko na bawat hakbang ko ay tinitignan nila pero diko magawang tumingin sa mga mata nila.

"Dito ka mananatili hanggang sa iyong paglilitis at pagpapasya para sa iyong kaparusahan para sa mga paglabag sa batas at pagkakasalang iyong nagawa."
Sabay kinandado na ng mga guwardiya ang selda at tuluyang umalis.

Punong lumot ang babang parte ng mga dingding,may mga sapot at agiw sa kisame at ang isang kamay lang na may una at sapin ang loob ng selda.
Kasabay pa nito ang mapanghing amoy at liwanag na nagmumula lamang sa butas sa taas na parte ng pader na sing laki lang ng kamao.

Wala ni salita o reaksyon na lumalabas sa bibig ko dahil parin sa lala at pagkagulat sa mga pangyayari.
Kahit na nabawasan lang ng kaunti ang pagkabalisa ko ay diko parin alam ang gagawin.

Dahil sa pagod ay nakatulog ako dala ng pagod ay diko na ininda ang hindi komportableng higaan.

"Amethyst prinsipe ng Norlea may bisita ka!"
Kalampag ng guwardiya sa selda ko dahilan para maalimpungatan ako.

"Parang komportable kana sa kinalalagyan mo.
Mabuti yan dahil dito mo na paglalaanan ang mga natitirang sandali ng buhay mo bago ka maparusahan ng nararapat sayo."

Malakas din ang loob ng Malefang ito na magpakita sa akin pagkatapos ng lahat.
Mula sa mga salitang sinambit niya at sa lahat ng nangyare ay bumalik ang galit ko.

"Ang kapal din ng mukha mong magpakita pa sa akin.
Ano masaya kana?
Kung sa tingin mo nagtagumpay kana sa mga plano mo pwes nagkakamali ka.
Dahil hanggat humihinga ako sa mundong ibabaw nato sisiguraduhin kong ikaw ang mabubulok sa selda nato at ako mismo ang magpapataw ng parusa sa mga krimeng sinisisi mo sa akin ngayon."

"Ikaw rin ang bahala.
Matalino ka at alam mo sa sarili mo na wala kanang magagawa kaya nakakaawang ikukulong mo parin ang sarili mo sa ilusyong may tyansa kapang makalaya."

"Hindi ako susuko hanggat may naniniwala sa akin?"

"Hahahahahaha! naniniwala sayo?
Sige sa tingin mo nasaan na sila ngayon?
Si Eno na nabubulok narin sa selda katulad mo ngayon?
O yung mga kaibigan mong hindi na makita ang anino dito sa Norlea,
Oh baka naman umaasa kapa sa hampaslupang babae na tagapaglingkod na nagkukuskos ng sahig ng palasyo ngayon at siyempre ang pinakamamahal mong Ethan na walang pakealam sayo!"

"Walanghiya ka talaga!"

"Oo alam ko!
Pwes wala na akong panahon na makipagbulyawan sayo dito.
Maghahanda pa ako sa koronasyon ko.
Bat di ka nalang humingi ng tulong sa kaluluwa ng nabubulok na bangkay ng hampaslupang batang tinulungan mo."
Sabay tuluyan na siyang umalis habang humahalakhak sa tawa.

Kumukulo lalo ang dugo ko sa sama ng loob at galit pero alam kong kahit anong gawin ko walang mangyayare.

Mahirap mang tanggapin pero unti unti narin akong nauubusan ng lakas para magpatuloy na maniwala.
Pero hanggat kaya ko pipilitin ko.

Buong araw akong nakatulala at ilang rasyon narin ng pagkain ang diko pinansin dahil wala akong gana.
Pinanood ko nalang na mapalitan ng liwanag ng buwan ng liwanag ng araw na nagmumula sa maliit na butas sa pader.
Hindi ko na nagawang pumunta sa kama at nakatulog nalang ako habang nakasandal sa rehas ng aking selda.

"Psst! psst! Kamahalan gising."

"Aisla? Vaurene? anong ginagawa niyo dito?"

"Hindi na kami magpapaligoy ligoy pa kamahalan.
Nanggaling kami kay Ginoong Eno at may pinakuha siyang importante sa amin mula sa silid ng inyong ina.
Dahil hindi na kami maaring makatapak sa palasyo si Maria ang naging mga mata namin sa palasyo at nakuha niya ito."
Sabay inabot ni Aisla ang isang maliit na kahon.

"Ano ito at bakit niyo dinala sa akin to."

"Naglalaman yan ng mga ebidensya laban kay Malefa at yan ay nakalap ng iyong ina noon pa.
Nandyan ang mga patunay na may nagawa na siyang mga krimen at paglabag sa batas mula noong panahon na buhay pa ang iyong mga magulang.
Nakakandado yan at ang susi ay ang-"

Hindi pa natapos ni Vaurene ang sinasabi niya nang may biglang dumating ng mga kawal at guwardiya

"Ayon! ayon ang mga nakita ng mg guwardiya kanina na papunta rito."

"Kamahalan ang kwintas na binigay sayo ng iyong ina ang susi."
Nagmamadaling sabi ni Vaurene.

"Takbo! tumakbo na kayo wag na kayong mag alala sa akin bilis."
Pagmamadaling sabi ko kay Vaurene at Aisla.

"Habulin nyo!"

Agad agad silang nakipagtuos sa mg kawal at tumakas.
Tinago ko naman sa palda ko ang kahon na binigay nila Vaurene.

"Anong ginagawa ng dalawang babaeng yon dito itatakas kaba nila!"

"Wala nais lang nilang bumisita sa akin."

"Pero di kami pinahintulutan ni Prinsesa Malefa na magkaroon ka ng kahig sino mang bisita.
Kapkapan siya!"

Agad nilang binuksan ang selda at kahit sinuyod ang bawat gilid at sulok.
Nangkapkapan ako ng isang guwardita ay nakita niya ang kahon na tinatago ko.

"Ano ito!"

"Akin nayan bitiwan mo ako!"

"Sumagot ka!"

At agad niya ring nakita ang kwintas ko at hinablot ito mula sa leeg ko.

"Ibalik mo sa akin yan pagsisisihan mo ang lahat ng ito!"
Pinilit kong magpumiglas pero matagumpay nilang nakuha ang kahon at ang kwintas ko.

"Mga kawal pinapatawag tayo ng Prinsesa Malefa bilisan niyo!"

He is the QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon