Chapter 9

1 0 0
                                    

Pagkatapos niya akong yakapin hinawakan niya ang mga kamay ko at tumingin siya sa akin.

"Wag mo na ulit papahirapan ang sarili mo sa mga emosyong dumadaloy sayo..."
Buong pag aalala niyang sinabi habang hawak ng mahigpit ang kamay ko.

Nakita kong hindi rin tumitigil na tumutulo ang luha niya.
Napatingin ako sa mga mata niya.
Nang nga sandaling yon parang ang hininga lang naming dalawa at ang tunog ng nasusunog na kahoy sa apoy na nasa harap ng inuupuan namin.

Unti unting naglapit ang mga mukha namin at naramdaman kong lumalakas ng lumalakas ang pagkabog ng dibdib ko.
Hanggang sa tuluyang nagdikit ang mga labi namin at napapikit nalang ako sa mga sandali yong habang dinadama ang lambot ng mga labi niya at ang pagmamahal na kasama ng halik niya.

Para bang nahimasmasan kaming dalawa ng makarinig kami ng boses ng batang umiiyak mula sa likuran namin.

"Ysla? Leonor? kanina paba kayo nandyan?"
Tanong ko sa dalawa habang akay akay ni Ysla si Leonor at umiiyak.

"Kakarating lang po namin.
Nakasalubong ko po kasi tong si Leonor umiiyak dahil napagalitan ng kanyang ama."

Naawa naman akong pinalapit sa amin ni Ethan si Leonor.

"Ano bang nangyare?"
Nag aalalang tanong ko habang pinaatahan siya.

"Naabutan po kasi ako ni Ama na nakikipaglaro ng pangbabaeng laro sa mga kaibigan kong babae.
Nagalit siya dahil di daw po iyon kilos ng lalake at kesa maglaro daw dapat nag tatrabaho po ako."

"Ganun ba? Eh ano ba kasi yung nilalaro ninyo?"

"Naglalaro po kami na nagpapanggap ng pangarap namin sa paglaki namin.
Nagpanggap po akong pintor."

"Pano naman naging pangbabaeng laro lang yun eh nagpapanggap kalang naman ayon sa pangarap mo?
Ahh basta wag kana mag alala okay lang yan mag aral ka nalang ng mabuti para maabot mo ang pangarap mo."

"Ma-mag aral po?"

"Oo mag aral,pumasok sa eskwelahan magbasa ng libro,magsulat,gumuhit,umawit lahat ng yon sa paaralan malaya mong nagagawa diba?"

"Hi-hindi po ako pinapahintulutan ng aking mga magulang na mag aral.
Atsaka wala kaming sapat na pangbayad sa pag aaral ko kamahalan mas makakabuti para sa amin na mag trabaho nalang agad."

"Ilang taon kana?"

"Magpipito po sa ikalawang linggo mula ngayon."

"Magkasabay pala tayo ng kaarawan!
Pwes kung ganon bilang regalo pagbigyan mo sana akong maging magulang mo.
Ako ang magpapa-aral sa iyo at susuportahan kita sa pangarap mo."

"Talaga po? Salamat!"
Agad naman siyang yumakap sa akin at ang mga luha ng kalungkutan ay napalitan ng kasiyahan dahil sa mga sinabi ko.

"Bukas na bukas sasama ka sa amin ng Ginoong Ethan mo at tutungo tayo sa susunod namin na misyon.
Magtutungo kami sa paaralan ng Norlea at kakamustahin ang lagay don.
Isasabay ko narin ang pagpasok sayo roon."
Hindi ako nagdadalawang isip na tulungan ang katulad ni Leonor.

Hindi ko alam ngunit ang puso ko ay unti unti ng napapalapit sa batang ito at tila nakikita ko ang sarili ko sakanya.
Kaya't hanggang maari ay nais ko siyang tulungang makamit ang mga pangarap niya.

"Lahat tayo ay may karapatang mangarap at may karapatan ding isakatuparan ito.Wala dapat hahadlang sa ninanais natin lalo na kung kabutihan ang laman ng puso natin.
Yan ang pakakatandaan mo."

"Opo kamahalan..."

Pagdating ng kinaumagahan nagising ako sa liwanag na nagmumula bintana ng tinutulugan ko.

"Magandang umaga kamahalan!"
Bumungad ang ngiti ni Ethan na sing liwanag ng sikat ng araw.

"Dinalhan kita ng almusal ito oh tinapay at kape."

"Maraming salamat."

"Masarap ba? Ah- kase ako nagtimpla niyan hahahahaha."
Excited niyang sinabi sa akin.

"Ah ganun ba oo masarap naman."
Naramdaman ko namang namumula na ang mga pisngi ko sa kakangiti.

"Inaayos na pala ang mga gamit natin at maya maya aalis na tayo.
Maiwan muna kita babalikan kita sisiguraduhin ko lang na ayos na ang lahat."

Ngayon nalang ako nakaramdam ng tuwa ng ganito sa puso ko.
Parang unti unting nagkakaroon ulit ng kulay yung buhay kong nabalot ng dilim ng matagal.

Mga ilang oras ang nakalipas tapos na ako magbihis at handa na umalis.
Palabas palang ako sa tinutuluyan namin ay nakasalubong ko si Ysla.

"Handa na ang lahat kamahalan.
Sinadya kita dito para magpaalam.
Salamat dahil binisita mo kami dito at sa maikling panahon ay nagkaroon ako ng kaibigang katulad mo."
Nakangiti niyang sabi habang hawak ang mga kamay ko.

"Mas nagagalak ang puso ko na nakilala kita.
Ngayon mayroon na akong kaibigan na katulad mo hinding hindi kita makakalimutan."

"Salamat kamahalan.
Siya nga pala pinadalhan ko na ng sulat ang mga magulang ni Leonor ukol sa pagsama niya sainyo."

"Wag ka mag alala pag nagkaroon ako ng oras ay sasadyain ko silang bisitahin at kausapin ukol kay Leonor."

"Matagal ko rin binantayan ang batang yan at nakakatuwa na may kakalinga na sakanya ngayon at tatayong magulang."

"Oh sige na kailangan na namin umalis ha."

"Paalam kamahalan..."

"Paalam kaibigan!"

"Mag iingat kayo sa byahe kamahalan!"
Pagpapaalam ni Heneral Alfie.

"Isang karangalan po na makilala ang Marangal na Heneral na katulad niyo."

At naglakad nanga ako patungo sa karwahe.
Nakahanda naman ang mga kamay ni Ethan para alalayan ako umakyat.

"Handa kana ba?"
Tanong ko kay Leonor.

"Opo kamahalan handang handa na!"
Buong saya naman nitong sagot.

Umalis nanga kami at nakatanaw kami ni Leonor sa bintana habang kumakaway kay Heneral Alfie at Ysla.

Sa buong byahe ay magkatabi kami ni Leonor habang nasa harap naman namin si Ethan.

Madaling nagkasundo ang dalawa at habang bumabyahe ay nalilibang si Leonor sa pakikipag kwentuhan kay Ethan.
Habang pinapanood ko naman silang dalawa at napapangiti ako.

"Kamahalan sa tingin ko ay nandito na tayo."
Sabi ni Ethan dahilan para mapatingin ako sa bintana pati narin si Leonor.

Nakita namin na sinalubong kami ng maraming mga estudyante habang kumakaway sa aming karwahe.

Pagbaba ay agad na nagtakbuhan ang mga bata papalapit samin kasama ang guro nila.
Punong puno sila ng enerhiya at saya na nakita kami.

"Maligayang pagdating kamahalan!
Ako po si Vaurene ang nagtuturo sa mga batang ito."

"Salamat sa pagsalubong sa amin kinagagalak kong bumisita rito."

"Mukhang may kasama po kayo na isang cute na bata?"

"Ah ito ba? Siya nga pala si Leonor."

He is the QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon