Chapter 18

0 0 0
                                    

Maaga ako nagising para ihanda ang aking sarili sa paglilitis mamayang tanghali.
Kumpara kahapon ay medyo nasa sarili na ako at may gana na akong kumain.

"Almusal mo siguro naman ay kakain kana!"
Bulyaw sa akin ng guwardiya habang sinusuot sa rehas ang plato ng pagkain ko.

Naglalaman ang plato ng isang isda at tinapay kasama ng gatas na kaunti na lamang ay malapit ng mapanis.

Habang kumakain ako ay iniisip ko kung ano na ang kahihinatnan ng lahat ngayong ang natatanging ebidensya na pag asa ko para makalaya ay wala na.
Tanggap ko na sa sarili ko na kahit ano man ang kahihinatnan ng lahat ay atlis pinilit ko paring lumaban hanggang sa huli.

Payapa akong kumakain ng may marinig akong nagmamadali at sumisigaw na kawal patungo sa tenyente na malapit lamang sa selda ko.

"Tenyente! may paglusob daw na nagaganap mula sa dulong parte ng Norlea at patungo na sila sa sentro."

"Paglusob? Anong utos ng Prinsesa Malefa?"

"Nais niyang pumunta lahat ng kawal at guwardiya.
Tenyente mukhang mapapaharap tayo sa biglaang digmaan."

"Tayo na!"

Lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko at nabalot ako ng pag aalala.
Di ako nag alinlangang sumigaw para kunin ang atensyon ng tenyente at mga guwardiya.

"Sandale!
Wag muna kayong aalis."

"At sino ka naman para sumigaw at utusan kame?"

"Alam mo kung sino ako.
Alam nyo rin na bago sumabak sa digmaan ay nakasaad sa batas ng Norlea na papalayain ang lahat ng preso nito."
Hindi naka imik ang tenyente sa mga sinabi ko.

"Sige buksan ang selda."

Lumabas ako ng selda at nakita kong pinakawalan nga nila ang lahat ng preso.

Imbis na magsaya at magmadaling makalabas at tumakbo pumunta ang mga preso sa harapan ko at tumingin sa akin.

"Kamahalan! isang malaking pasasalamat po na nasilayan namin kayo."
At lahat sila ay yumuko para magbigay respeto sa akin.

Napatingin ang mga guwardiya, kawal at tenyente.

"Wala kayong dapat ipagpasalamat sa akin.
Ngayon ay kailangan ko humingi ng pabor sainyo.
Maari niyo ba akong samahan na ipagtanggol ang Norlea?"

"Opo!"
Walang pag aatubiling sagot nila at lahat kami ay lumabas sa kulungan.

Habang tumatakbo ay kasunod ko ang mga preso at nakita naming nagmamartsa ang hukbo ng Norlea.

"Kamahalan ano ba ang nangyayare?"
Tanong ng isang preso.

"Wala rin akong ideya pero sumunod kayo sa akin at magtungo tayo sa palasyo."

Hindi namin na alintana ang pagod at nagpatuloy sa pagtakbo patungo sa palasyo.

Habang tumatakbo ay may nakita akong nakasakay sa kabayo at pamilyar.

"Kamahalan dito!"
Sigaw ni Ethan at dahil wala ng panahon para mag isip ay tumakbo kami sa direksyon niya.

Sa mga sandaling yon dahil sa taranta ay nakalimutan ko na ang sama ng loob ko sakanya at nagtanong na agad ako.

"Anong nangyayare bakit may biglaang digmaan na magaganap"

"Ipapaliwanag ko sayo pero halika at sumakay kana"

Agad niya namang inabot ang kamay niya para alalayan akong makaakyat sa kabayo.
Kinuha ko ang kamay niya at hinatak siya pababa.

"Ako ang magpapatakbo ng kabayo at ikaw ang sumakay."

He is the QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon