Chapter 14

0 0 0
                                    

Nakatulala lang ako sa liwanag na nagmumula sa bintana ko balisa at malalim ang iniisip.

"Kamahalan?"
Pagtawag sa akin ni Maria.

"Pasok! Ano yon?"

"May mga panauhin po kayong nag aantay."

"Panauhin?Sino daw sila?"

"Ang isa po ay nagpakilala na anak ng ating magiting na heneral at ang isa naman po ay guro daw sya mula sa paaralan ng norlea at may kasama rin po silang batang lalake."

Nang marinig ko ang mga sinabi ni Mariang yon alam ko na agad kung sino sila kaya't nagmadali ako na pumunta para makita sila.

"Tara na dalhin mo ako sakanila gusto ko sila makita."

Habang naglalakad sa pasilyo tumigil ako para buksan ang pintuan ng silid ni Ethan.

"Ah Maria magpapunta ka ng tagapaglingkod mamaya para silipin muna si Ethan."

"Sige po."

Pagbaba ko sa bulwagan nakita ko ngang naka upo at naghihintay si Ysla,Vaurene at Leonor.

"Kamahalan! Kamusta kayo?"
Bati ni Ysla.

"Nabalitaan ko ang nangyari sainyo kaya't sinadya ko kayo para kamustahin."
Sabi ni Vaurene habang halata ang pag-aalala sa mukha niya.

"Wag kayo mag alala okay lang ako si Ethan lang talaga ang nasa masamang lagay.
Kamusta kana Leonor pasensya na at di ako nakapag padala man lang ng mga sulat sainyo."

"Okay lang po kamahalan! Namiss po namin kayo!"
Sabay tumakbo si Leonor at niyakap ako.

Samahan niyo ako sa sala nang makapag usap tayo ng matiwasay at makapag pahinga kayo kahit kaunti.

Nagtungo kami ng sala at nagpahanda ako ng tsaa.

"Kamahalan nais ko pong itanong kung anong mga balak niyo ngayong ilang araw nalang ay kaarawan niyo na?"
Tanong ni Ysla.

"Oo nga po kamahalan kanina kase ay nagkasabay na kami ni Ysla na pumunta dito at nagkakilala narin kami habang nasa daan papunta rito at isa sa napag usapan namin ay tumulong muna sainyo sa ngayon."

"Mula nang mawala ang aking mga magulang di ko na binibigyang pansin ang aking kaarawan at kasabay nito nagsimula ding isara ang palasyo para sa mga mamamayan.
Ngayong kaarawan ko nais kong baguhin yon.
Dahil sa mga nakilala ko katulad nyo at sa mga nakita ko sa labas ng palasyo panahon na para buksan muli ang palasyo."

"Magandang ideya yan kamahalan"
Tugon ni Ysla.

"Ang kaarawan nato ay di lang tanda ng pagtungtong ko sa tamang edad kundi para narin itong tanda na mula sa pamumuno ko magiging tahanan muli ng Norlea ang palasyong ito."

"Napakaganda ng planyo ninyo at sa tingin ko dapat na tayong magsimula na pag isipan ang paghahanda para dito."
Sabi ni Vaurene.

"Tama kamahalan ano bang maitutulong namin?"
Dagdag ni Ysla.

"Kakailanaganin ko ng kasama sa pag aapruba ng mga ihahaing handa sa piging.
Tagapangasiwa ng dekorasyon at shempre ang pagpapadala ng mga imbitasyon sa labas ng palasyo."

"Maari ba akong tumulong sa pag aapruba sa mga pagkain?"
Pag boboluntaryo ni Maria.

"Ako na sa dekorasyon kamahalan sanay na ako jan dahil ginagawa namin sa paaralan yan isasama ko narin si Leonor sa akin."
Pag boboluntaryo din ni Vaurene.

"Ako na sa mga imbitasyon."
Dagdag ni Ysla.

"Oh siya tayo na at magsimula sa paghahanda!"

Pag alis namin sa may sala naghiwa hiwalay na kami para gawin ang mga gagawin naming paghahanda.

He is the QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon