Epilogue

0 0 0
                                    

Makalipas ang limang taon.

"Sa tingin mo ba ay maisasakatuparan mo ang mga ninanais mo!
Hindi namin kailangang ng delusyon dito ang kailangan ay plano at solusyon!"

"Anong karapatan mo na maliitin ang kakayahan at pamumuno ko!"

"Ngayon ay pinapatunayan mo lamang ang kahinaan mo kamahalan."

"Ang magiging kahinaan ko ay ang hindi maniwala na kaya ko gawin ang lahat ng nanaisin ko!
Tapos na ang pagpupulong na ito hindi ko kailangan ng suporta mo sa nais ko makakaalis kana sa Norlea!"

Umalis na agad ako sa pagpupulong para magpakalma.

"Kamahalan okay lang kayo?"

"Wag kang mag alala Maria sanay na ako sa pangmamaliit ng mga taong yan pero di sila nagtagumpay mula pa noon."

"Kamahalan alam kong maling panahon ito pero may ihihiling sana ako."

"Ano yon? Wag kang mag alala sabihin mo lang gagawin ko ang lahat ng abot ng makakaya ko."

"Kailangan ko pong magpahinga at iwanan sandali ang trabaho ko bilang kanang kamay niyo."

"Bakit?"

"Nagdadalang tao napo kasi ako."

"Ha! Ganun ba? Bat dimo agad sinabi nako salamat naman!
Hindi mo alam kung gaano ako kasaya.
Nung nakaraan ay nagpaalam si Aisla para magpakasal at si Vaurene naman ay nagpaplano narin sa kasal tas ngayon ikaw naman!
Hay nako kahit iwan niyo muna akong tatlo di ako mag aalala basta't masaya kayo!"

"Nako salamat kamahalan.."

"Hay alam mo yan ang mga bagay na diko makakamit kaya't masaya ako na makita ko kayo na maisakatuparan yan."

"Nako magtiwala ka kamahalan mabibiyayan karin! Hahahahahaha."

"Hahahahaha ikaw talaga!"

"Kamahalan mawalang galang po may naghahanap po sainyo."
Pagpapasintabi ng isang tagapaglingkod.

Agad akong sumunod at dinala ako nito sa may balkonahe ng palasyo.
Naabutan ko ang isang pumpon ng bulaklak na tila ba ay pamilyar sa akin.

"Siguro ay naalala mo ang mga bulaklak nayan pero hindi ako."

"Ethan?
Ikaw naba yan?
Hindi na kita nakilala napakagarbo ng suot mo."

"Nagustuhan mo ba ang regalo ko?"

"Syempre,katulad ito ng mga bulaklak na binigay mo sa akin nung mga bata pa tayo.
Kamusta kana?"

"Masaya dahil nagkita na tayo ulit.
Natupad ko na ang mga nais ko at kakagaling ko lang sa kaunaunahan kong pamumuno sa barko para sa pag aangkat ng mga produkto.
Ngayong nagawa ko narin ang mga nais ko ikaw naman ang gusto kong balikan."

"Masaya ako para sayo.
At masaya akong makita ka."

"Isa nalang ang tanong ko sayo."

"Ano yon?"

"Pwede ba tayong magsimula uli?"

"Bat di nalang natin ituloy kung anong meron tayo noon?"

Mula noon ay namuno ng malakas at matatag si Amethyst katuwang muli si Ethan.
Samantalang ang Norlea ay nakilala dahil sa pagiging makapangyarihan nito at payapa.
Kumalat din sa ibang mga kaharian ang pambihirang reyna at ang paraan ng pamumuno nito.
Dahil dito naging bukas ang isip ng mga tao sa mga katulad ni Amethyst at naging patunay ang kwento niya sa kabutihang kayang magawa ng bawat isa.

He is the QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon