Chapter 15

0 0 0
                                    

"Ayan at ang korona nalang ang kulang kamahalan at handa kana!
Kukunin ko lang po ang korona maiwan ko ho muna kayo."

"Salamat Maria"

Habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin suot ang isang magarbong violet na gown biglang dumating si Ysla at Vaurene.

"Mukhang handa na kayo kamahalan..."
Bungad ni Ysla.

"Napakaganda nyo po!"
Dagdag naman ni Vaurene.

"Hindi ko alam kahit na mukhang maayos naman na ang lahat ay mabigat ang pakiramdam ko."
Kahit na handa na ako may nararamdaman parin akong mabigat sa pakiramdam at hindi ko alam kung bakit.

"Kinakabahan kalang kamahalan wag kana mag isip ng kung ano ano piliin natin maging masaya dahil kaarawan mo."
Pagpapakalma sa akin ni Vaurene habang hawak ako sa balikat.

"Atsaka dumadating na ang mga tao sa baba pati Ginoong Ethan ay nag aantay rin sayo."

"Tama kayo dapat masaya lang!"
Sabay huminga ako ng malalim para pagaanin ang pakiramdam ko.

Maya maya pa ay dumating narin si Maria dala ang ang korona ko na binigay sa akin ng aking Ama palatandaan na prinsipe ako ng Norlea.

Bago ko ito suotin tinignan ko muna ito at inalala ang mga masasayang ala ala na kapiling ko sila.

"Iba siguro ang naging daloy ng mga bagay kung kapiling ko parin sila."
Napatingin naman ako sa tatlo kong bagong kaibigan na nakatayo sa harap ko sina Maria,Ysla at Vaurene.

"Pero may nawala man nagpapasalamat ako dahil andiyan ang mga taong katulad niyo.
Ang gaganda niyo.
Ang gaganda natin."
Sabi ko habang suot din nila ang magagarbo nilang gown.

"O ano kaba kamahalan wala ng iyakan masisira make up mo."
Lumapit si Maria at pinunasan ang luha ko.

"Andito kami palagi para saiyo walang iwanan."
Sabi ni Ysla.

"Akin nayang korona.
Ang koronang to ang tanda na isa kang regalo sa kahariang ito at hindi mababago yun ng kahit ano."
Sabay pinatong ni Vaurene ang korona sa ulo ko.

Nagtawanan naman kami habang tintignan ang aming mga sarili sa salamin.

Maya maya pa ay pinatawag na kami agad na silang bumabang tatlo at ako naman ay nag aantay lang ng hudyat sa aking pagbaba sa hagdan.

Nakasara ang pinto at handa ng buksan ng mga guwardiya kumakabog ang dibdib ko pero hindi dahil sa kaba kundi sa pagkasabik na makita sila.

"Norlea ang ating pinakamamahal na Prinsesa!
Amethyst."

Binuksan na nga unti unti ng mga guwardiya ang pinto patungo sa hagdan at nakita ko ang mga tao sa baba na masaya at napapigil hininga sa mga sandaling iyon.

Bawat hakbang at ngiti ko ay sinasabayan ng tugtog.
Habang bumababa ako sa hagdan tumitingin ako sakanilang lahat at halata ang tuwa sakanilang mga mukha.

Nang malapit na ako bumaba ay nakita ko si Ethan katabi si Ginoong Eno mukhang elegante.
Mula nang magtugma ang mga mata namin hindi na ito napalingon pa sa iba hanggang sa tulyan akong makababa.

Pagbaba ko unti unting tumutok ang ilaw sa akin sa bawat hakbang.
Pagdating ko sa kalagitnaan ay inabot ni Ethan ang mga kamay niya sa akin at nag bow.

Kinuha ko ang kamay niya at unti unti kamning naglapit.
Sa paghawak niya sa bewang ko ay gayon ding pag hawak ko sa mga balikat niya.

"Napakaganda mo."

"At napakagwapo mo naman."

Nagsimulang tumugtog ng pang sayaw ang mga musikero at nakatingin lang kami sa mga mata ng isat isa habang nadadala sa tugtog ang galaw ng mga katawan namin.

Ramdam kong ang mata ng lahat ay nakatingin lang sa amin pero wala na akong pake sa mga sandaling iyon.
Pakiramdam namin ay kaming dalawa lang ang nasa malaking bulwagan.

Ilang sandali pa ay tumigil na kami sa pagsayaw at tumakbo papalabas ng bulwagan patungo sa hardin.

"Hahaha sandali! Mabigat ang suot ko kumpara sayo magdahandahan lang tayo."

"Sige maglakad nalang tayo ng dahan dahan."

Habang naglalakad kami ay magkahawak parin ang mga kamay namin habang dumadampi sa mga balat namin ang malamig na hangin ng gabi.

"Salamat dahil andiyan ka palagi para sa akin."

"Noong una responsibilidad ko lang yon bilang tagabantay mo pero ngayon ginagawa ko nayon dahil mahal kita at mahalaga ka sa akin."

"Kamusta pala ang pakiramdam mo?"

"Okay na syempre ikaw ang nag alaga sa akin eh."

"Hahahaha mabuti naman."

Nagpatuloy kami sa paglalakad lakad at hindi na namin namalayan ang oras.

Pagbalik namin sa palasyo ay patapos na ang selebrasyon.

"Maligayang kaarawan kamahalan!"

"Pagpalain nawa kayo!"

Bati ng mga tao pagbalik ko.

Nang unti unti ng mag alisan ang mga tao ay bumalik na ako papunta sa silid ko.
Bago ako pumasok nagkatinginan muna kami ni Ethan at pumasok narin siya sa silid niya.

"Hmm kamusta ang kaarawan?"
Tanong ni Vaurene sa akin.

"Anong ginagawa niyo rito?
Hahahaha syempre masaya."

Habang nagpapalit ako ay nagkekwentuhan at nagtatawanan naman kami habang si Leonor ay kumakain parin dala ang cake na nagmula sa piging.

"Leonor kamusta ang mga pagkain?"
Pabiro kong tanong.

"Masarap kamahalan parang gusto ko nanga tumira dito eh!"

"Mukang pagkatapos ng koronasyon ay may kasalang magaganap naman ah!"
Biro ni Maria.

"Nako maria gumuhit kana ng susuotin natin sa kasal."
Dagdag pa ni Vaurene.

"Grabe dahil sa kabusugan ay inaantok na ako."

Maya maya pa ay umalis nanga sila at nahiga na ako sa kama ko.
Habang nakatanaw sa bintana iniisip ko kung nakatulog na kaya si Ethan.

Pinakinggan ko kung may tao ba sa labas at naisipan kong lumabas para puntahan siya sa silid niya.
Nang marinig kong wala ay nagpatuloy na ako sa paglabas ng silid.

Paglabas ko ay nakita kong may liwanag na pa alis sa koridor namin at parang may napadaan.
Salamat at di ako naabutan.

Nagdahan dahan ako at kumatok s pinto ni Ethan.

"Ethan?"
Nagpatuloy ako sa pagkatok pero walang sumasagot.
Napansin kong hindi pala nakasarado ang silid niya kaya pumasok na ako.

"Ethan? Andito kaba?"

Walang tao sa silid niya at naisip kong baka lumabas siya.
Nagmamasid masid muna ako sa paligid at naka kita ako ng isang sulat na nakapatong sa kama niya.

Tinignan ko ito at wala itong tatak.
Naisipan kong tignan kung kanino galing ang sulat.

Nang simulan kong basahin ang pangalan kung san ito nanggaling nanlaki ang mata ko sa gulat at lumakas ang kabog ng dibdib ko na sinabayan ng panginginig ko.

"Ma-malefa?"

Agad kong binuksan ang sulat at nagulat ako sa nabasa ko sa sulat.

"Pinagbantaan na kita at nakalatag na ang mga plano.
Sinabi ko ng gawin mo ito ngayong gabi ora mismo.
Hihintayin ko hanggang bukas ng pagsikat ng araw kung nagawa mo na ang inuutos ko at pagnakita kong buhay pa ang nagpiprinse prinsesang yan ako mismo ang makakaharap mo.
Alam mo kung ano ang kapalit pag pumalpak ka."

-Malefa

Agad kong binalik sa sobre ang sulat at bumalik sa silid ko.
Naghahalong takot at kaba ang nararamdaman ko at hindi ko inaasahan ang mga nabasa kong ito.

He is the QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon