Chapter 13

0 0 0
                                    

"Sa paglabas mo ay daanan mo narin ang mga kusinera at sabihing ipahanda na ang tanghalian ng Prinsesa Amethyst at Ginoong Ethan."

Boses agad ni Ginoong Eno ang bumungad saakin nang magkamalay ako.

"Magandang umaga kamahalan.
Kamusta ang lagay niyo."
Bati ni Ginoong Eno sa akin.

"Magandang umaga medyo umaayos na ang pakiramdam ko.
Ano ba ang mga nangyari at bakit nandito na ako sa palasyo?"
Tanong ko habang nalilito sa mga nangyayari sa akin.

"Kinailangang ikansela ang mga gawain mo sa labas ng palasyo para sa seguridad mo kamahalan.
Habang naglalakbay ka ay palala ng palala ang banta sa buhay mo kaya't kailangan mong manatili nalang dito sa palasyo hanggang sa dumating ang kaarawan mo."

"Ganun ba...
Pero nasaan si Ethan kamusta siya sa pagkakaalala ko nakita ko siya bago ako mawalan ng malay.
Hindi ko lang sigurado kung nanaginip lang ako pero sinagip niya ako habang nasusunog ang kwarto ko sa tinutuluyan namin sa may paaralan."

"Katulad mo kamahalan ay nagpapagaling sa kabilang silid si Ginoong Ethan.
Sabi ng mga kawal ay magmula nang makita daw ito ay puno ito ng sugat at nanghihina.
Nung gabing nasusunog ang silid niyo kahit na nanghihina ay sinagip ka nito at saktong pagkalabas niyo sa nasusunog na silid nawalan din ito ng malay at hanggang ngayon at kumukuha pa ng lakas."

"Kung ganun gusto ko siyang makita."

"Mas makabubuting magpagaling muna kayo bago mo siya dalawin."
Payo ni Ginoong Eno.

Naputol ang pag uusap namin nang may pumasok na isang dalaga sa silid at may bitbit na palangganang nay tubig.

"Siya nga pala kamahalan ito si Maria
anak siya ng personal na taga gawa ng damit ninyo ng inyong ina mula noon at nandito siya upang maging dagdag na personal na bantay at tagapaglingkod mo."
Pagpapakilala ni Ginoong Eno sa dalaga.

"Magandang umaga kamahalan kamusta na po ang lagay niyo?"
Bati niya sa akin.

"Medyo nakakabawi na ako ng lakas.
Maria,naalala na kita ikaw nga kinagagalak kong magkita tayo muli."

"Kasalukuyan ding nagsasanay ngayon si Maria ng paggamit ng espada para maprotektahan ka.
Mula ngayon ay magdadagdag na tayo ng mga taong magbabantay sayo nalalapit na ang kaarawan mo at kailangan nating mas mag doble ingat dahil nalalapit na ang koronasyon mo."

Hindi na ako naka imik dahil tama naman si Ginoong Eno sa mga sinabi niya.

"Oh siya maiwan ko na kayo may mga kinakailangan pa akong asikasuhin."
Pagpaalam niya.

Nang makalabas na si Ginoong Eno kami nalang ni Maria ang naiwan.

"Kamusta ang lagay ni Ethan?"

"Wag sana kayong mas lalong mabahala kamahalan pero matagal pa bago makabawi ng lakas si Ginoong Ethan dahil sa lagay niya."

"Maari mo ba akong samahan pagkatapos kong magpunas.
Nais ko lang siyang masilip at dalawin para makita ko ng personal ang lagay niya."

"Pero kamahalan mahigpit pong pinagbabawal ni Ginoong Eno na lumabas ka."

"Bumabalik na ang lakas ko at kaya ko na nasa kabilang kwarto lang naman siya kaya hindi niyo kailangan mag aalala sa akin."

Pagkatapos nang pananghalian agad akong tinulungan ako ni Maria na magbihis at maghanda sa pagdalaw kay Ethan.

Bumabalik na sa normal ng lagay ko at sa tingin ko na baka bukas ay makakabalik na ang lakas ko.
Dahan dahan kaming nagtungo sa kabilang kwarto kung nasaan si Ethan.
Pagbukas ng pinto naabutan naming sinusubuan siya sa pagkain ng isang tagapaglingkod.

Dahan dahan akong lumapit at pinipiling maluha sa lagay ni Ethan.
Maputla siya at puno ng sugat habang wala ring kalakas lakas.

"Maari mo ba kaming iwan saglit kami na ang bahala sakanya."
Pakikiusap ni Maria sa tagapaglingkod.

Umupo ako sa gilid ng higaan niya at hinawakan ang mga kamay niya mainit ito at puno ng sugat.

"A-amethyst..."
Bulong nito sa nanghihina at paos na boses.

Dahan dahan niyang inangat ang kamay niya at hinawakan ang pisngi ko habang nakangiti at naluluha.

"Anong nangyare sayo saan ka nanggaling?"

"Wa-wag kang mag alala sa akin aayos rin ang pakiramdam ko."

Pinagmasdan ko ang mga sugat niya at isa lang ang dumapo sa isip ko.
Para siyang pinagmalupitan at binugbog ng sobra.

"Sinong gumawa sayo nito?"

Tumingin lang siya sa akin at lumuha lalo.

"Ma-mahal kita..."

"Mahal din kita,
Magpapagaling ka ha?"

Pagkatapos nun ay tinulungan ko siya sa pagkain habang andyan din si Maria para gabayan ako sa pag aalaga sakanya.

Halos buong araw din akong nanatili sa silid ni Ethan hanggang sa makatulog na siya.

"Mahimbing na ang tulog niya tara na at hayaan na natin siyang magpahinga."

"Kamahalan ihahatid ko lang ang nga kubyertos at mga bimpo na nagamit natin."

"Sige mauuna na ako sa silid ko."

Habang naglalakad ako sa papunta sa kwarto ko napansin kong may liwanag na nagmumula sa pintuan nito.
Naabutan kong nakabukas ang pinto at nagulat ako dahil sa pagkakaalala ko ay iniwan namin ito ni Maria ng nakasara kanina.

Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang anino na nasa gitna ng kwarto ko at nakatuon sa bintana.

"Sinabi ko nang hindi ka magtatagumpay sa mga nais mo."
Isang pamilyar na boses na tila ba nagbabanta.
Nang lumapit ito sa liwanag na nagmumula sa bintana nakita kong si Tiya Malefa nga ito.

"Anong ginagawa mo sa silid ko?"

"Pinaplano ko lang kung ano ang gagawin ko sa silid na ito pag wala kana."

"At bakit? Anong gagawin mo sa akin?
Papatayin mo ako para sa sarili mong interes at sa maiitim mong balak?"

"Masyado kang nahihibang iniisip ko lang na ilipat ka sa pinakataas na silid pag naging reyna na ako.
Kasama ng mga daga at nabubulok na gamit ng mga henerasyon ng pamilyang tumira rito sa palasyo."

"Siguraduhin mo lang na maayos ang mga plano mo laban sa akin
dahil sa sandaling mapatunayan ko ang mga hinala ko sisiguraduhin kong magdudusa ka sa parusa na ihahatol ko at sa karmang makakamit mo."

"Kung nanaisin ko na mawala ka sa landas ko sisiguraduhin ko ring luluhod ka sa harapan ko.
Isa pa wag kang magugulat sa sandaling magkatotoo ang mga masasamang iniisip mo tungkol sa akin."

Tsaka agad itong lumabas ng silid ko at binangga ako dahilan para mapaupo ako.

"Nagsisimula palang ang laban Prinsesa Amethyst! Tsk."
Banta nito sa akin bago tuluyang umalis.

Agad akong tumayo at naabutan ako ni Ginoong Eno na kakatayo lang.

"Anong ginawa niya sayo?"
Tanong ni Ginoong Eno.

"Wag kang mag alala Ginoo di niya ako makakayanang saktan."

"Nagtungo ako rito dahil may mga resulta na ang pag iimbestiga ko."

"Halika sa loob tayo mag usap."

Pagpasok namin sa loob ng silid ko siniguro ni Ginoong Eno na walang makakarinig sa pag uusapan namin.

"Tungkol sa pagkamatay ng inyong mga magulang.
Nalaman kong matagal nang pina iimbestigahan ni Reyna Jade si Prinsesa Malefa dahil sa mga gawain nito at ayon din sa imbestigasyon namin ay may mga nakalap ang inyong ina na sapat na ebidensya laban sakanya.
Hindi nga lang namin alam kung nasaan ito at kung totoo nga ito."

"Kung totoo ang mga sinabi mo maaring may mga kinalaman nga siya sa mga nangyari noon at maaring hanggang sa mga nangyayari sa akin ngayon..."

He is the QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon