Chapter 5

0 0 0
                                    

Isang malamig na gabing nababalot ng kadiliman at mga bituin lang ang nagbibigay ng liwanag.
Hindi ako makatulog dahil may bumabagabag sakin.
Napag pasyahan kong bumangon sa higaan ko at magtungo sa silid ng aking ina.

Binuksan ko ang pintuan at kasabay ng pag dagpi ng hangin sa aking balat ay siya ring pagbalik ng mga ala ala ko noong bata pa ako at nabubuhay pa ang aking Amang Hari at Inang Reyna.

Lumapit ako sa salamin ng aking ina at tinignan ang repleksyon ko.

"Mahal kita bilang prinsipe,
isang paslit na matalino,mabait at bukal ang puso.
Mulat ka sa katotohanang nangyayare sa paligid mo pero hanggang kailan ka di kikilos."
Habang pinagmamasdan at kinakausap ko ang sarili ko sa salamin
sa lakas ng hangin mula sa pintuan ay lumipad ang nakatakip na tela sa aparador ng aking ina kung nasan ang kanyang mga damit at alahas.

"Mahal kong Prinsipe,sapat na ang pinagdaanan mo at sapat narin ang mga nagawa mo.
Pero di ikaw ang makakapagligtas sa trono ng Norlea at sa mga taong nito.
Magpahinga kana mahal kong sarili."

Atsaka binuksan ko ang aparador ng aking ina.

Makalipas ang apat na taon...

Kasuotang gawa sa pinakamahal na klase ng silk at pinong pagkakagawa at pagkatahi ng mga detalye.
Mga koloreteng mas nagpapalabas ng aking angking kagandahan.

"Tamang tama kamahalan nandyan na si ginoong Ethan."

"Salamat Ginang Velynda sa pag gawa ng mga mamagandang kasuotan namin mula sa aking Ina at ngayon saakin rin."

"Isang malaking karangalan ang paglingkuran kayo kamahalan.
Eto nga pala ang tumutulong sa pag disenyo ng mga damit ang anak kong si Maria."
Pagpapakilala niya sa anak niyang babae.

"Kinagagalak ko kayong makilala kamahalan."

"Kinagagalak ko ring makilala ka at hinahangaan ko ang talento niyong dalawa."
Agad naman na akong iniwan ng mga tagapaglingkot ko pagkatapos akong ayusan at bihisan.

Ang simoy ng hangin ng umaga,liwanag ng araw na nanggagaling sa bintana at pag awit ng mga ibon.
Tinitignan ko ang aking sarili sa salamin suot ang berdeng gown na tumutugma sa korona na suot ko ang korona na pagmamay ari ng aking ina na tinatawag ring korona ng kalikasan.

"Kamahalan nandon na po ang lahat"

"Sige susunod na ako"
Sabi ko habang nilalagay ang huling mga aksesorya sa akin.

"Sigurado ka nabang haharapin mo ng ganto ang konseho pati ang iyong tiya kamahalan?"
Nag aalangang sabi ni Ethan.

"Hindi ko na kailangang mag panggap.Panahon na para harapin nila ang tunay na ako wala akong karapatan na tanggapin ang tungkulin ng Norlea kung diko kayang tanggapinang sarili kong pagkatao."
Alam kong sa sandaling lilisanin ko ang silid na ito ng balot ng makeup at damit pambabae ay sisimulan naring husgahan ng lahat ang kakayanan ko at kredibilidad na pamunuan ang Norlea.

Habang nag lalakad kami sa pasilyo naririnig ko na ang pagtatalo ng mga konseho.

"Katahimikan para sa lahat
ang tagapag mana ng ating trono-"

"Prinsesa! Amethyst"
Pag putol ni Ethan sa tagapag pakilala.

Nang bumukas ang mga pinto unti unting nagtinginan ang mga matang halatang gulat sa kanilang nakikita habang sinisinagan ako ng araw mula sa malaking bintana.

Nagsimulang mabalot ng katahimikan ang silid.Bawat hakbang mga matang nakatingin at nanghuhusga ang sumusunod sa akin hanggang makaupo sa tabi ng aking tiya sa may trono.

"Isa kang kahihiyan at kalapastanganan sa trono at sa Norlea!"
Sigaw nya sa akin habang gulat na gulat sa kanyang nakikita.

Nginisihan ko sya at nagpatuloy sa pag upo.

"Anong kahibangan ito mahal na Prinsipe?"
Tanong ng isang kunseho.

"Bakit kayo nagugulat? Alam nyo na mula noon pa dahil nauna kayong manghusga.
Hindi ba kayo masaya sa inyong nakikita lahat ng iniisip at pinagbubulungan nyo ng ilang taon ay tama!"
Sagot ko sa pangkalahatan.

"Pasintabi ngunit walang salot na Prinsipe ang Norlea!"

"Pasintabi at mawalang galang ginoo! May dumanak bang dugo sa kamay ko at maging saking mga espadang hinawakan ko?May mga tao ba akong tinapakan at binalewala ang karapatan?May ibinulsa ba akong pondo ng kahariang to para sa aking sariling pangangailangan? Sumagot ka ginoo."
Unti unti kong sinasabi ang bawat salita sakanya habang lumalapit sakanya.
Hindi sya nakasagot at napalunok ng kanyang laway.

"Sa tingin mo susundin ng mga tao ang isang katawa tawang katulad mo? Isang prinsipe na nagbibihis bilang babae isa kang banta sa susunod na henerasyon ng Norlea dahil sa pagiging pangit na ihemplo"
Pagsabat ng Tiya ko.

"Sinong mas masahol sa ating dalawa ako o ang kalahati ng mga taong nasa silid nato na mamamatay tao at magnanakaw?"

"Itigil mo ang pag akusa ng walang ebidensya kamahalan!"

"Pwes itigil nyo rin ang pag akusa na may masama akong ginagawa."

"Pasintabi kamahalan pero hindi gugustuhin ng Norlea ang isang katulad mo bilang pinuno."

"Tama at sa itsura nyong yan ay hindi kayo nararapat sa Norlea."

"Mawalang galang at magsitahimik ang lahat!
Mauubos ang ating oras sa mga gantong bagay kung di tayo magfofocus sa layunin ng pagpupulong na ito."
Pagputol ni Ginoong Eno sa lahat.

"Kung gayon maari naba akong magsimulang magsalita para sa layunin natin sa araw na ito?"
Nagsitahimik ang lahat tanda na handa na silang makinig.

"Ilang linggo na lamang ay nalalapit na ang aking kaarawan.Ilang taon kong hindi ninais na gunitain ito dahil kasabay rin ito ng pagkamatay ng aking mga magulang.
Sa mga nakalipas na taon ay nakakulong lang ako sa palasyo.Nagsimula narin kumalat ang mga balitang may sakit ako o kaya naman ay tuluyan ng binawian ng buhay dahil matagal ng di ako nasisilayan ng mg mamamayan.
Kaya't ngayong araw na ito ay hinihiling ko na pahintulutan niyo akong lumabas ng palasyo at magpakita sa mamamayan.Bago ko simulan ng aking natatakdang pamumuno nais kong mapalapit muli sa aking mga mamamayan."
Natahimik ang lahat at nagsimulang mag isip sa lahat ng sinabi ko.

"At kamahalan...Nais nyo bang lumabas ng ganyan ang itsura? Hahahahahahahahaaha!"
At nagsimulang magtawanan ang halos lahat.

"Tumahimik kayo! Bakit hindi natin pagbigyan ang Prinsipe- este Prinsesa na lumabas.Tignan natin kung anong magiging reaksyon nila pag nakita nilng ang tagapag mana ng trono na inaasahan nila ay tila'y nabaliw na."
Sabi ng Tiya ko habang ngumingisi at tumitingin ng patalim sa akin.

"Kung yun ang kagustuhan at wala namang masama doon sa tingin ko ay maari kayong magpatuloy kamahalan."

Agad ng natapos ang pagpupulong at dumiretso na ako sa aking silid.

"Kamahalan buo naba ang desisyon mo?"

"Oo, Nakalista na ang mga nais kong gawin pasa sa mga susunod na linggo.
Ipahanda ang lahat ng ating dadalhin sa paglalakbay."

He is the QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon