Chapter 4

1 0 0
                                    

"Malakas ang kutob kong may kinalaman ang tiya ko sa nangyare sa aking mga magulang."
Sabi ng Prinsipe habang hindi mapakali sa kakaisip.

"Pero mahal na Prinsipe wala tayong matibay na proweba."

"Ginoong Eno may oras tayo para maghanap ng proweba dose palang ako at mahaba pa ang panahon bago ko makuha ang korona.
Sa mga panahong yon igugol ko ang paghahanda para sa trono habang iniimbestigahan siya."

"Sige mahal na Prinsipe ako na ang bahala diyan at ihanda ituon mo nalang ang sarili mo sa pagsasanay at pag aaral."
Buong loob na sagit ni Ginoong Eno.

Ginugol ni Amethyst ang ilang taon sa pagsasanay sa pakikipaglaban,pag-aaral at marami pang iba.
Habang ang naging mata niya naman para sa pag iimbestiga at pagkuha ng ebidensya si Ginoong Eno.
Naging katuwang naman ni Amethyst si Ethan sa pagsasanay pagdating sa pakikipaglaban.

"Hah! Kanina pa tayo nag eensayo."
Pagrereklamo ng prinsipe habang hapong hapo sa pagod.

"Siguro sapat na iyon kamahalan halina't magpahinga muna tayo."
Pag aanyaya sakanya ni Ethan habang umuupo sa damuhan.

Dahil sa pagod di narin nakatiis na tumabi ang Prinsipe sakanya.

"Sana ganto nalang ka payapa ang bawat oras ng buhay natin.Maaliwalas katulad ng kalangitan at tahimik kagaya ng kapaligiran."
Sabi ni Ethan habang nakatingin sa kalangitan at unti unting humihiga sa damuhan.

Sa mga oras na yon hindi na siya nakapagsalita at nakatulala nalang sa kalangitan habang ninanamnam ang bawat sandali sa mga oras na iyon.
Mabigat parin ang dibdib niya at puno ng galit na may halong kalungkutan.

Ilang sandali pa habang nakatulala sa kawalan unti unting tumulo ang mga luha mula sa mata niya at tuloy tuloy na dumaloy ang emosyon habang hawak ang kwintas nya na huling regalo sakanya ng kanyang ina.

Nataranta naman si Ethan at dali daling napa upo mula sa pagkakahiga nya.

"Kamahalan..."

Napatingin lang sakanya ang Prinsipe habang tumutulo parin ang mga luha mula sa mata ko.

Kahit na parang natatakot siya unti unti niyang inunat ang kanyang isang braso at hinatak niya ito ng unti unti para yakapin.

Sa mga oras na iyon nanghihina lang siya at hinayaan niya lamang na dumaloy ang mga emosyon.

Bawat panahon na lumilipas ang puso ng prinsipe ay nababalot ng paghihinagpis at kalungkutan.Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan nagpapatuloy parin siya at ginagamit ito bilang lakas para sa ikabubuti niya.

Isang tanghali naisipan ng prinsipe na pumunta sa aklatan ng palasyo.
Habang naghahanap ng libro nakita nya sa kabilang banda ang anak ng kanyang tiya na si Alanna na parag nahihirapan sa pipiliing libro.

Di niya nalang sana ito papansinin dahil may sama siya ng loob sa kanyang tiya pero pinili niyang pagbigyan ng pagkakataon si Alanna na baka sakaling mas maayos ang ugali nito kesa sakanyang ina.

"Doon banda maraming mga libro na may magagandang larawan sa bawat pahina baka sakaling magustuhan mo iyon."

"Salamat..."
Napangiting tugon ni Alanna.

Pupunta na sana si Alanna sa direksyong tinuro ni Amethyst pero bigla syang tinawag ni Prinsesa Malefa.

"Alanna! Kanina pa kita hinahanap."
Nakita ni Prinsesa Malefa na magkaharap si Amethyst at Malefa.
Agad nyang hinablot si Alanna at pinagbantaan si Amethyst.

"Wag na wag kang lalapit muli sa anak ko!"
At agad silang umalis sa silid aklatan.

Napatingin lang si Amethyst sa mga nangyare at nagpatuloy na sa pagkuha ng nga librong kanyang babasahin.

Sumapit na ang kinagabihan pero hindi parin mawala sa isipan ni Amethyst si Alanna.
Para bang may liwanag ng tiwala na nabuo kanina sa pag uusap nila at umaasa syang magbago ang pakikitungo nila sa isa't isa.

"Parang balisa ka kamahalan?"
Napansin ni Ethan habang nakatulala si Amethyst sa bintanat malalim ng iniisip.

"Maari kabang kumuha ng mga aklat sa aklatan at ipadala sa silid ni Prinsesa Alanna"
Pagkatapos nun ay nagsimula syang maglista ng mga libro na nais niya ipakuha at binigay ito kay Ethan.

Nagulat si Ethan sa nais ng Prinispe at napaisip habang tinitignan niya itong nagsusulat.

Ilang sandali pa ay dumating na sa kanyang silid ang mga libro at tinignan niya kung tama ang lahat ng mga ito.

"Samahan nyo akong dalhin ito."

"Pero kamahalan mas makabubuting kami nalang ang maghatid ng mga libro at maiwan ka na lamang po dito."
Pagpigil ni Ethan kay Amethyst.

Tumingin lang si Amethyst sakany at nagpatuloy sa paglabas sa kanyang silid dala ang iba sa mga libro.
Wala na silang nagawa kaya sumunod na lamang sila rito at nagtung sa silid ni Prinsesa Alanna.

"Sino yan?"
Tugon ni Alanna sa katok na nanggagaling sa kanyang pintuan.

Nang binuksan niya ang pinto bumungad si Amethyst na may dala dalang libro kasama si Ethan at ang iba pang tagapaglingkod nito.
Nagulat si Alanna pero di niya matago ang pagkasabik sa mga librong bibit nila,kaya't nagdadalawang isip man ay pinatuloy nya ang mga ito sa silid.

"Nakita kong nais mo magbasa ng mga aklat kanina pero di mo ito natuloy kaya't heto dinalhan kita ng mga librong marerekomenda ko sayo at sigurado akong magugustuhan mo."
Pagpapakumbaba ni Amethyst.

"Sa-salamat sa mga ito.
Maari ko bang buklatin?"
Nag aalangang sabi ni Alanna.

"Siyempre naman ito oh"
Nagsimulang ipakita ni Amethyst ang mga libro at di na natago ang ngiti sa kanilang mga mukha.
Parang sa mga sandaling yon nakalimutan nila ang mga galit na dumadaloy sakanilang koneksyon.

"Alanna! Ano nanaman ito!"
Galit na galit na sigaw ni Prinsesa Malefa mula sa bukas na pintuan ng silid ni Allana.

Dahil sa sigaw na iyon napatigil ang dalawa sa pag uusap at agad na napalayo si Alanna kay Amethyst.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? At ikaw! ano anong kasamaan ang iniimpluwensiya mo sa aking anak."
Bulyaw nito habang dinuduro si Amethyst.

"Ina wala namang kaming ginagawang masama dinalhan niya lang naman ako ng mga lib-"

"Ganyan kaba talaga tumugon ng kabutihan sa kapwa mo? Wala akong ginawang masama sa anak mo at wala kang karapaatang bulyawan ako dahil kahit kailan ay di ako magpapakita ng respeto sayo!"
Pagsagot ni Amethyst at agad itong umalis kasunod sila Ethan.

Mula noon iniwasan na ni Amethyst na magkaroon pa ng pakikipag-ugnayan sa mag ina.
Dahil dito nagpatuloy na lamang siya sa kanyang mga ginagawa habang lumalaki ang sama ng loob niya sakanyang Tiya na unti unting sinasamantala ang kanyang kapangyarihan.

Sa mga lumipas na taon nalaan ng oras ni Amethyst sa pag-aaral,pagpipinta,pag-eensayo sa pag gamit ng espada.
Dahil naging malapit nanga sa isa't isa  si Ethan at Amethyst ay sinama narin naging kasama niya rin ito sa lahat ng ginagawa niya.

Sa mga taong ito rin na walang matatawag na pinuno ang Norlea unti unting nagbago ang buhay dito at napalayo ang mga tao sa palasyo.
Nagsimula ring kumalat ang mga masasamang gawain at mga kwento ng pang aalipusta ni Prinsesa Malefa sa mga tagapaglingkod sa palasyo.
Natuto tumayo ang mamamayan ng Norlea sakanilang sariling mga paa habang umaasa sa muling paglabas ng Prinsipe sa palasyo na hudyat ng bagong pag-asa para sa lahat.

He is the QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon