JUST TONIGHT - Part 14
BEA'S POV
Aagawin kita sa kanya.
Aagawin kita sa kanya.
Aagawin kita sa kanya?
Wait. Tama ba ang narinig ko?
I looked at Harry. Mariin pa rin syang nakapikit.
I shook my head. Nananaginip yata.
Hihilahin ko na sana ang kamay ko pero humigpit ang hawak nya.
"Iniisip mo, nananaginip lang ako?" he said, with his eyes still close.
"Uhm.." I don't know what to say.
Antok na antok syang nagmulat at iniangat ang ulo nya saka sa legs ko umunan. Iniyakap nya pa ang mga kamay nya sa bewang ko.
"I heard you."
"Huh?"
"You said you love me." Lalo nyang hinigpitan ang yakap nya sa akin.
"May sinabi ba ako?" Painosente kong tanong.
Nagulat ako kasi bigla syang bumangon at naupo. Tila biglang nawala ang antok. Tinitigan nya ako.
"Akala ko may sinabi ka. Nanaginip nga lang yata ako. Sige na, bumalik ka na sa kwarto mo. Baka maabutan pa tayo ni Herbert. Ayaw kong magkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan."
Muli syang nahiga pero nanatiling nakamulat ang mga mata. He's staring at the ceiling. Ang lungkot ng mga mata nya. Since the day I met him, ngayon ko lang nakita ang lungkot na yun. Tila piniga ang puso ko.
Huminga ako ng malalim, "What if, nahulog na nga ako sayo Har? Are you willing to catch me?"
Muli kaming nagsukatan ng tingin. Sya ang unang umiwas. "What do you think?"
Mapait akong napangiti. "Malamang hindi. Sus ikaw pa. Sabi mo nga diba masarap ang iba-ibang putahe. At madali kang makakakita ng babae kasi kunting pang-uuto mo lang nakukuha mo na."
"Do you really think there is no chance that I'll fall in love?" he asked with his voice cracking on the last four words.
Tumawa ako. "Seriously. You, Mr. Harry the sex expert will fall in love?"
Muli syang bumangon. Hinawakan nya ako sa magkabilang-balikat at ihinarap sa kanya. "You're right. I WILL NEVER FALL INLOVE EVER."
Nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko sa sinabi nya. I was aware about that thing even before I heard it but it still hurt.
Akma kong tatanggalin ang kamay nya sa balikat ko pero pinigilan nya ako at muli syang nagsalita.
"I will never fall in love because I already am."
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya, indicating that I don't get his point.
"Bea, what if sabihin ko sayo na in love ako? No. Mali. Matagal na akong inlove sayo."
Napanganga ako. "M-matagal? Since when?"
"Like 8 years Bea? Yeah. 8 years. Dahil nung araw na nagpalit kami ng identity ng kakambal ko at nakita kita ay gusto ko na din syang palitan sa buhay mo. Dahil oo, twing nakikita kita dati ay gusto ko ng magpretend na ako sya dahil gusto na rin kita noon pa! Pero di ako lumapit sayo, dahil ang bilin ng kapatid ko, I have to look after you. At first, I was doing it as a favor for him but ---"
Sandali syang natahimik na tila ba natakot syang sabihin ang mga kasunod.
"But?" halos ayaw lumabas nun sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
JUST TONIGHT
RomanceThey met again as total strangers, but not on bed - because they feel like they knew each others' body so well.