JUST TONIGHT - Part 15
HARRY's POV
I trace fear from Bea's eyes as she saw me coming towards their direction.
Nakuyom ko ang mga kamao ko ng makita kong umakbay ang kakambal ko sa kanya.
Damn! I hate to think na nagsiselos ako. I'm not the jealous type pero hindi ko alam kung bakit nanikip ang dibdib ko sa nakikita kong closeness nila.
Pero kalmado akong lumapit sa kanila.
"Uy bro." bati ni Herbert na nakipag high five sa akin.
"Saan punta nyo?" kunot-noo kong tanong.
"Magbibreakfast sa poolside." nakangiting sagot ni Herbert.
"Really? Pasabay naman." saad ko.
Tiningnan ako ng masama ng kakambal ko. "Tigilan mo ako Harry. Dyan ka na nga."
"Haha. Joke lang, syempre alam ko namang gusto mong masolo ang mahal mo." Pabiro kong wika saka pasimpleng tiningnan si Bea na nakatingin din pala sa akin.
I grinned at her. Umiwas lang sya ng tingin.
Nakasimangot ko silang tiningnan habang humahakbang patalikod.
"Uy bro, may pag-uusapan pala tayo mamaya ha!" pahabol kong sigaw.
I watched them habang kumakain at the poolside. Tsss. Ang romantic ni Herbert. Haha romantic my ass. Well, she's with me last night and we haven't just stared at each other. Napangiti ako. Ok, it helps a little. Nabawasan ang selos ko and I'll make sure that this will be Herbert's last. I'll talk to him later to let him know about Bea and me.
Bumalik ako sa kwarto ko at naligo saka nagbihis. Sa labas na ako kakain.
Pagbaba ko ay nasa poolside pa din sila. Nakaramdam na naman ako ng inis.
Pinuntahan ko sila.
"Hey bro, aalis ako. And like what I told you earlier mag-uusap tayo mamaya."
"You don't have to ruin our moment bro just to remind me of your shits. I still remember what you've told me. Now, leave." Pikong sagot ni Herbert sa akin.
"OA mo."
"Ugh. Whatever. Just make sure na ang pag-uusapan natin has something to do about changing your life."
I gave him a thumbs up. This will not only change my life bro, it would change yours too. Naisip ko. Somehow, ay naguguilty ako dahil alam kong masasaktan ko ang sarili kong kapatid but there's no way out.
I drive my car at huminto sa isang Fil-Chi restaurant.
Around 9:00 AM na nagtext si Herbert. I decided to call our elder sister para dun na kami sa bahay nila mag-usap, since wala sya dun and magkakasolohan kami ni Herbert.
Halos sabay lang kaming dumating dun.
"Parang bigla akong kinabahan sa pag-uusap na 'to ah." Komento nya habang naglalakad kami palapit sa pinto ng bahay.
"Haha. Dapat ka talagang kabahan." Natatawa kong sagot but the truth is mas kinakabahan ako. Aba! Baka basagin neto ang mukha ko.
"Gago ka talaga!" anya at pabiro akong sinuntok.
I opened the house's door since I have the key at ako ang dumaan kay ate para kunin yun.
Nauna akong pumasok at sumunod sya. He closed the door behind.
"Ang ganda ng bahay ni ate ah kahit patambay-tambay lang ang loka. Iba na ang may masipag at responsableng asawa." komento nya habang lumilinga sa kabuuhan ng bahay.
Maya-maya ay bumaling sa akin. "Ano nga pala ang pag-uusapan natin?"
Bahagya akong natahimik saka ko sya nilingon.
"How are you and Bea?" I asked.
Kumunot ang noo nya sa tanong ko pero sumagot din. "I don't know. She's acting weird."
"I think she don't love you anymore." diretsahan kong saad.
Napakuyom ng kamao si Herbert. "What the hell Harry? We're not here to talk about me and Bea. We are here to--"
"Bro, we are here to talk about Bea." putol ko sa pagsasalita nya.
Lalong napakunot ang noo nya. "Ginagago mo ba ako? What about her?"
"Bea. She's-- uhm. We-"
"What the fuck! Say it!" sigaw nya.
"I'm sorry."
"For what?"
"Bro may relasyon kami! And maybe that explains why she's acting differently everytime you're with him."
Hindi makapaniwalang lumapit sa akin si Herbert. "Bawiin mo ang sinabi mo."
"Bro it's true.At mahal ko si Bea kaya ko na 'to pinaalam sayo. At ayaw ko rin na patuloy kang lokohin. Bro.." napatigil ako ng kinwelyuhan nya ako.
"Hayop ka! Anong alam mo sa pagmamahal? Tang-ina! Wala akong pakialam kung ilan ang babae mo pero wag mong isasama sa lolokohin mo ang babaeng mahal ko!" Lalo nyang hinigpitan ang pagkukwelyo sa akin.
"Hindi ko sya isasama dahil mahal ko sya. Bro, akin na lang sya oh. Please?" parang tanga kong wika.
He glared at me.
Then he threw me one hard punch.
At marahil sa sobrang galit ay halos basagin nya na ang mukha ko sa paulit-ulit na pagsuntok sa akin.
Hinayaan ko sya. Hindi ko sya nilabanan. That's the only way para mabawasan ang sama ng loob nya and besides, I deserved every punch I get.
--
BINABASA MO ANG
JUST TONIGHT
RomanceThey met again as total strangers, but not on bed - because they feel like they knew each others' body so well.