Chapter Ten

71 2 0
                                    


Chapter Ten



[Chanyeol]




Yung liit na yun, ako ang pinagpatay ng ilaw... tsk.. gumaganti ata! Akala niya siguro matatakot niya ako dun sa exam niya! ha! Nagkakamali siya! Marunong naman talaga akong mag-english eh... nakakatamad lang gamitin tsaka ayokong mag-isip ng mga English words naiistress ako... meron naman sina Hyung para dun...




Akalain mo yung kanina, kadadating ko ng dorm tapos aalis siya... eh sino ang pagtitripan ko? Ayokong maupakan nanaman ni Kyungsoo at Sehun... pagod na nga ako sa shooting eh.. ang cute kasi ni Glenn pag naiinis...






Teka... sinabi ko bang cute siya?! Aish






Umiling na lang ako para mawala sa isip ko yun... lumabas ako ng classroom at naabutan ko si Glenn na nasa gitna ng hallway... magulat nga si liit...



dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya nang marealize kong may kausap siya sa phone niya...




"What do you want?" sabi niya... pero yung boses niya... bakit iba?




Naramdaman kong may mali... Gusto ko siyang lapitan... pero parang mas gusto kong malaman kung sino yang kausap niya at bakit siya naiiyak...




"We are over, right? You ended it months ago..."





Kausap niya ang ex niya? Nakikipagbalikan ba yung taong yun, kung sino man yun! Nakaramdam ako ng inis... dahil siguro sa nakita kong umiiyak si Glenn... kahit naman sino sa mga members namin ang makakitang umiiyak si Glenn ay maiinis na din...




"Even if you go here, i don't care... i don't care if you want to start all over again... i don't want to see you because---"




hindi ko na ipinatuloy yung sasabihin ni Glenn sa lalakeng kausap niya at hinablot ko ang cellphone niya... hindi naman siya nagreact... tinapat ko iyon sa tenga ko at narinig ko naman yung lalake na nagsalita...

My Life as EXO's Tutor(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon