CHAPTER 2

6.8K 251 12
                                    

R18 for slight mature content.

Callen's POV

"I'm here.."

"I miss you.."

Parang tanga lang ako naghihintay as if sasagot yung taong matagal nang wala sa mundong 'to.

"Mom.."

Bulong ko sa hangin.

Natapos ang lahat ng klase namin ngayong araw bandang 5:00pm, dito ako lagi dumidiretso sa sementeryo kung saan yumao na ang pinakamamahal kong ina.

"Margarita Salvatore.." banggit ko sa pangalan niya, nilapat ko ang kamay ko sa malamig na sementong humaharang sa aming dalawa.

My mom got hit by a car and I have witnessed it with my own eyes.

Di ko mapigilang sisihin ang sarili ko sa nangyari.

I want to live independently, I got to own a condominium unit with the help of my politician yet bastard father, Gregor Antonio Salvatore. Binibigay niya lahat ng luho at gusto ko pero hindi ko tanggap na palagi niyang niloloko si mommy.

That very drastic day, magkikita sana kami ni mom pero nung patawid na sana siya may bigla na lang dumaan na kotse. I—I forced her na dapat ako na lang tumawid pero sinabi niya na wag na ako mag-abala at maghintay na lang ako sa loob ng sasakyan.

Pero yung tarantadong nakabunggo sa kanya, umalis lang basta-basta na akala mo laruan lang yung nasagasaan niya.

I was so hopeless that day na kahit pagbayarin ko yung taong kumitil sa buhay ng nanay ko, wala manlang CCTV sa lugar.

Kahit pa maraming connections ang ama ko, parang mas natuwa pa siya sa nangyari—ni hindi ko manlang siya nakitang nagluksa. Ni isang salita wala siyang sinabi kung anong nangyayaring lead sa investigation para mahanap yung sasakyan.

"Ang daming pulang sasakyan kung saan-saan, Levy."

Yun lang sinabi ni dad na parang kasalanan ko pa na hindi ko agad nakita yung plate number. Ikaw ba naman makasaksi na nasagasaan sa harap mo yung nanay mo, makakapag-isip ka pa ba ng maayos? Pero hindi yun naisip ni dad minsan naiisip ko nga na baka siya may pakana nung aksidente.

Baka may binayaran siyang tauhan para patayin si mom.

Pinalabas pa niya sa publiko na heart attack kinamatay ni mom at hindi dahil na hit and run siya.

Pangagatwiran ni dad, "Ano na lang iisipin ng mga tao? Wala ba siyang sariling kotse o security guard manlang na nagbabantay sa kanya nung araw na yun? Baka isipin nila pinabayaan ko siya."

Napaka-walang kwentang rason.

He always wants to have a good image to the public eyes. Pero sa likod ng pinto, isa siyang walang kwentang ama at asawa.

"Dapat siya na lang nasa pwesto mo ngayon mom." Masama na ba akong anak para hilingin yun?

Marahil oo, pero nagpupuyos ang puso ko sa galit. My mom became a good mother to me and a wife to him. Kasama siyang naglingkod sa bayan pero si dad? Mas masama siyang tao.

All for money and fame.

Tumayo na rin ako nagpagpag ng dumi, I'm still wearing a decent school uniform. Palda? Yes..buti nga hindi bumabakat. It's not like I'm planning to announce to the world that I have extra package between my legs.

"Una na ako mom." Paalam ko pa bago huling tumingin sa maliit na picture ni mom sa gilid ng puntod niya. Sad to say but I don't look like my mom, siguro yung kabaitan namana ko lang sa kanya.

Between Textbook and Temptation (Intersex) ON HOLD!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon