CHAPTER 27

9.5K 318 80
                                    

Callen's POV

Wala naman talaga akong planong magpaka-lasing kahit nasaktan ako sa sinabi ni miss na curious lang din siya sa kung anong meron ako. Pero nung nagyaya si Nico ng marine transportation department na friends of friends ko pumayag na ako makipag-hangout sa kanila.








Deserve ko naman siguro yun lalo na ang hirap ng midterm exams namin.








Mahirap dahil di naman ako nag-review. Tsk.








Marami sa mga tropang babae ni Nico ang lumalapit sa akin pati na rin yung girlfriend niyang si Erika ang lagkit ng tingin. Pero di ako nagbigay ng motibo sa mga tingin at galawan nila gusto ko lang talaga uminom.








Sa dami na ng nainom ko napasandal na ako at nakapikit na dahil sa hilo. Hindi ko nga pala kasama sila Gia, ayaw ko lang din maka-istorbo sa mga yun dahil sila lagi nag-aasikaso sa akin kapag nalalasing ako. Hindi ko nga rin alam kung paano ako makakauwi dahil nag-commute lang ako papunta dito.








May narinig na lang akong boses ng isang babae na parang galit at sinabing "I'm her girlfriend." Her? Bading siguro yung babaeng nagsabi nun pero bakit ka-boses ni Miss Avengoza?








Nababaliw na siguro ako dahil hanggang dito boses niya ang naririnig ko. Ang sumunod na lang na nangyari naramdaman ko na inaalalayan akong tumayo.








Pilit kong binuksan mga mata ko pero blur lang nakikita ko. Hindi ko alam pero di naman ako tumutol kung sino man itong humigit sa akin habang nakayakap itong tao na 'to at naglakad na kami kung saan man niya ako dadalahin.








Alam ko na kung bakit di ako tumututol dahil ka-amoy niya si Prof. Avengoza at ina-assume kong babae itong nakayakap sa akin ngayon dahil sa lambot ng balat niya.








Sinubukan kong buksan ang mga mata ko kahit kalahati lang at sa tingin ko nasa parking lot ako at naka-sandal sa poste.








Pilit ko inaaninag yung babaeng nagdala sa akin dito at si Miss Avengoza talaga ang nakikita ko. Baka nananaginip lang ako dahil napaka-imposible na kahawig niya, kaamoy at kaboses pa itong babaeng nasa harap ko.








Hindi ko na rin alam kung ano pinag-uusapan naming dalawa pero sigurado ako sa sarili kong niyaya ko siya makipag-sex sa akin dahil lang kamukha niya si Prof. Avengoza. Kinuha ko pa nga ang kamay niya at pinahawak sa ano ko.








Lasing na nga ako.








Pinagpipilitan ko pa rin binabanggit sa babaeng 'to na kamukha niya si miss. Sa huli hinigit ko siya para yakapin at mas lalo kong naramdaman na parang siya talaga si Miss Avengoza.








Pero kahit gaano pa siya maraming similarities kay miss hindi maaatim ng konsensya ko na makipag-siping sa ibang babae kaya binawi ko yung sinabi ko kanina.








My old self would be laughing at me right now. I bed a lot of girls during my junior years.








Pero iba na ngayon.








Lumayo ng pagkakayakap sa akin yung babae at hinawakan ng mga kamay niya ang magkabila kong pisngi. "I booked a taxi already, I'll take you to your condo, you won't drive safely at your state like this."








Ang malumanay niya magsalita pero nandun pa rin yung lamig na gaya ng pagsasalita ni miss. Paano naman niya nalaman condo ko at ihahatid niya ako dun? Tanging si miss pa lang unang babae na dinala ko sa condo.








Between Textbook and Temptation (Intersex) ON HOLD!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon