Callen's POV
Nagmamadali si miss na lumabas ng kotse ko at natanaw ko na lang siya papasok ng gate nila. Naiintindihan ko naman dahil Lunes ngayong araw tapos kami pa first subject niya.
Sayang lang walang good morning kiss.
Luh, Callen? Di pa ba sapat na hindi lang kiss nangyari kagabi?
Napangiti na lang ako habang inaalala nangyari. Nagsimula na rin ako mag-drive pabalik sa condo building.
Mas lalong gumaganda si miss sa paningin ko kapag hawak niya ano ko eh..kidding aside, nag-iisip pa rin ako ng ibang paraan para lumapit lalo loob niya sa akin. Parang hindi naman tama na ginagawa namin mga ganung bagay tapos wala pang label relationship namin.
Pero parang parehas naman naming di mapigilan.
Wala pang 15 minutes nakabalik na ako sa unit ko at naligo na rin. Habang bumubuhos ang tubig mula sa shower iniisip ko rin yung biglaang pagdating ni Claire kagabi.
Ibig sabihin pala kapitbahay lang unit namin pero hindi ko alam kung saan dahil hindi naman ako nakikipag-usap kung sino man dito mga kapitbahay ko.
Lumabas na rin ako ng shower room at nagbihis.
Pagkatapos ko maghanda sinarado ko na pinto ng condo at sumakay na ng kotse. Lunes na lunes walang laman tyan ko sa umaga nasanay na lang din ako na heavy lunch na lang kinakain ko pagdating ng tanghalian.
Naalala ko si mom na laging sinasabi sa akin na agahan ang pinaka-importanteng meal sa buong araw. Speaking of mom—wala naman akong mommy kink gaya ng iniisip ni miss kagabi porket mommy tawag ko sa kanya.
Bakit ba? Kung siya magiging mommy ng mga anak ko in the future ang swerte ko dahil ang ganda-ganda ng isang Kayleigh Avengoza.
It maybe sounds like I'm already being delusional to have her as my future wife, but who knows? Ayaw ko na rin naman makipag-date pa sa iba lalo na sa mga babaeng pinapalapit sa akin ni dad.
Dumating na rin ako sa university at nag-park ng kotse. Dumiretso muna ako sa cafeteria para mag-breakfast..hindi naman ako male-late sa subject ni miss, sa subject lang ni Mr. Torres sa Philosophy hahahaha.
Bumili lang ako ng cheese sandwich at juice drink tapos umupo na sa may bakanteng table. Wala pa naman ibang estudyante dito sa cafeteria. Pagka-upo ko panay naman ang pag-vibrate ng phone ko dahil kanina pa ako mini-message nila Gia kung papasok daw ba ako ng first subject.
Sigurado ako na kanina pa nagsimula ang klase ni Mr. Torres kaya ang ending absent ako sa subject niya.
Habang kumakain ako nag-scroll lang ako sa iba't ibang social media mabilis ko lang din naman mauubos dahil sandwich lang 'to. Pero napaangat ako ng tingin nang may biglang—
"Hi, Callen." Pagtingin ko si Naomi pala. Akala ko namamalikmata lang ako nung una pero sinabi niya nga pala sa akin dati na dito lang din siya nag-aaral. Naalala ko rin tuloy bigla si Mira yung babaeng kasing edad ko na binahay ni dad dati.
"Hi.." awkward kong sagot wala naman akong napansin na may kasama siya.
"You're alone?" Tanong niya at umupo sa tabi ko. Tumango lang ako sa totoo lang ayaw ko na siyang i-entertain pa lalo na sa ginawa niya last time. Kahit anak pa siya ng Vice Mayor.
![](https://img.wattpad.com/cover/344564353-288-k103303.jpg)
BINABASA MO ANG
Between Textbook and Temptation (Intersex) ON HOLD!!!
RomanceI am being risky today, nilapat ko ang dalawang kamay ko sa table niya at tanging laptop lang ang harang sa aming dalawa. She looks up at me and directly shot me a cold stare, "What are you doing? Not only you disrespected me but now you're invading...