Callen's POV
Ilang araw na akong nandito sa bahay nila Kailani pero ganun pa rin ang pakikitungo nila sa akin lalo na yung mag-asawa. Ibang klase yung pagtanggap nila sa akin kahit na ang simple pa lang nang nagagawa ko para sa kanila gaya ng hinahatid-sundo ko mga kapatid ni Kailani sa eskwelahan, minsan kasama ko siya at minsan hindi rin. Pero sa mga panahon na yun naramdaman ko naman na nababawasan na yung awkwardness ni Kailani sa akin.
Pero sa bawat gabi na bago ako matulog lagi kong naiisip si Kayleigh kung kumusta na siya—naiisip ko pa rin siya kahit ang tawag ko na lang sa kanya ngayon ay pangalan na lang niya.
Namimiss ko ba na tawagin siyang my?
Sa ngayon naninibago ako na hindi na siya tinatawag nun dahil nga isa siya sa naka-sakit sa akin. Hindi ko na lang din talaga alam sa sarili ko pero kung na saan man ako ngayon nakatulong ito para matanggal sa isip ko ang mga bagay-bagay.
"Sobrang dami na ng nilagay mo, Callen." Sita sa akin ni Kailani dahil nandito kami sa isang grocery store sa bayan nila.
"Ako naman magbabayad eh." Sabi ko naman sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin—ayaw na ayaw niya talaga na tanggapin ang offer ko nung una kung di ko lang siya isusumbong kay Nanay Linda na sinusungitan niya ako.
Kahit hindi naman talaga totoong nagsusungit siya sa akin.
Kung anu-ano na lang nilalagay ko sa cart sa bawat hilera ng mga grocery items ang nadadaanan namin. Deserve naman nila lahat 'to dahil di nila ako pinabayaan dahil kung iisipin paano kung ibang tao ang nakakita sa akin nung gabing nawalan ako ng malay? Baka napag-interesan pa ako ng mga loko-loko.
Yung credit card ko ang ginamit ko dahil di sasapat kung cash ko lang sa wallet ang gagamitin. Pagkatapos namin umalis ng grocery store ni Kailani tinanggihan na niya ang paanyaya ko na kumain sana kami pagkatapos namin mamili dahil sobra-sobra na raw ang nagastos ko.
Hindi na rin ako nagpumilit pa dahil kailangan namin daanan mga kapatid niya sa eskwelahan. Nung nasundo na namin ang mga kapatid niya malaking tulong sila na hindi awkward na naman ang atmosphere sa pagitan namin ni Kailani.
Pero di ko akalain na pagdating namin sa bahay nila pagkalipas lang ng isang oras malalaman ko na lang na nasa labas na sila Dad kasama si Kayleigh.
Nakakapagtaka na magkasama sila o sadyang wala lang talagang halaga ang buhay ni Mom para kay Dad dahil kasama lang naman niya yung babaeng dahilan kung bakit hindi namin agad natunton si Travis noon at nakulong sana siya.
Nahihiya akong tumingin kay Kailani nung napag-isipan ko yung pagbabanta sa akin ni Dad. May ipon naman ako para masuportahan yung mga pangangailangan ko hanggang maka-graduate pero alam kong may kakayahan din siya sa mga connection niya kung sakaling maghanap ako ng trabaho tapos di ako tatanggapin ng mga kompanya.
BINABASA MO ANG
Between Textbook and Temptation (Intersex) ON HOLD!!!
RomanceI am being risky today, nilapat ko ang dalawang kamay ko sa table niya at tanging laptop lang ang harang sa aming dalawa. She looks up at me and directly shot me a cold stare, "What are you doing? Not only you disrespected me but now you're invading...