Callen's POV
Pagkatapos kong puntahan si miss sa office niya lumabas na rin agad ako ng university. Totoo naman ang sinabi ko sa kanya na kahit crush ko si Claire hindi nawala sa isip ko yung kiss namin. Although, I'm really kind of guilty because I forced myself to her knowing how much she values about consent that something I just took granted from her.
Sumakay na ako ng kotse ko at pupunta sa isang lugar na alam kong makakatulong sa akin para gumaan kahit kaunti ang loob ko.
Dumaan muna ako ng flower shop kung saan nag-place order na ako kanina pang umaga pati na rin kandila para kay mom. Wala pang sampung minuto nakarating na rin ako sa sementeryo.
Medyo lumalamig na rin ang paligid dahil mag-aalasais na ng gabi. Nasindihan ko na rin yung kandila bago ako naupo nang maayos.
"How are you, mom?" Panimula kong tanong as if sasagot si mom. Pero kapag may narinig talaga ako biglang sumagot sa tanong ko kakaripas talaga ako ng takbo.
Halos magta-tatlong taon na rin simula nung huli kong marinig ang boses niya.
Pinagpagan ko yung puntod niya habang nakamasid dito medyo maalikabok rin dahil syempre sa hangin.
"You know Mom with this condition of mine—I'll make sure that someday my future child will grow up with a complete family."
Kahit kailan hindi nawala sa isip ko ang ginawang pangangaliwa ni dad habang nabubuhay pa si mom nun. Kaya nga bumukod ako sa kanilang dalawa at tumira mag-isa.
Tahimik lang si mom sa pangloloko ni dad at kahit kailan hindi niya pinagsalitaan ng kung ano. That shit made me furious and in so much pain but how much more my mother felt during that time?
Siguro kung hindi ako naging duwag sa tuwing nakikita ko ang lungkot sa mga mata ni mom hindi ako titira mag-isa.
Baka hanggang ngayon kasama ko pa rin siya at hindi nangyari ang araw na yun.
Nagpaalam na muna ako kay mom para makauwi na rin sa condo. Pag-uwi ko naman as usual madilim sa loob pagkapasok ko.
Kahit ako lang mag-isa hindi ko hinayaan na maging makalat ang condo ko at maging pabaya. Tumingin ako sa ref at may ilang food stocks naman pero tinatamad ako ngayon mag-experiment kung anong lulutuin ko ngayong dinner.
Kaya dumiretso na lang ako sa kwarto after magpalit ng damit. Napatingin naman ako sa isang notification sa phone at pagbukas ko ini-accept na pala ni miss yung sinend kong friend request sa kanya.
I clicked her profile and scrolled down on her timeline. I just found some photos of her and her family. Her timeline just screams very of her puro mga motivational quotes lang then shared posts ng mga funny videos ng mga pusa.
She's into cats din pala? Magkakasundo kami ni miss.
Umalis na rin ako sa profile ni miss at parang may bumubulong sa akin na ichat ko siya. Napaka-sungit pa naman niya lalo na kung hindi naman relate sa textbook ang message.
Sa huli nag-send pa rin ako ng message.
Nakakaramdam na ako ng antok nang makatanggap ako ng notification message mula sa taong kanina ko pa hinhintay mag-reply.
Isang '?' lang ang natanggap kong reply mula sa kanya. Bumati lang naman ako ng good evening wala manlang bang pagbati pabalik? Hahahaha.
I just accepted your friend request just in case you have questions or concerns regarding the textbook while you're doing it at home.
![](https://img.wattpad.com/cover/344564353-288-k103303.jpg)
BINABASA MO ANG
Between Textbook and Temptation (Intersex) ON HOLD!!!
RomanceI am being risky today, nilapat ko ang dalawang kamay ko sa table niya at tanging laptop lang ang harang sa aming dalawa. She looks up at me and directly shot me a cold stare, "What are you doing? Not only you disrespected me but now you're invading...