IRENE'S POV:
"IRENE!!! GREGGYYY!!!!" Nagising ako dahil sa kalampag ni Manang sa pinto.
Inangat ko ang ulo ko at nakitang kakagising lang rin ni Greggy. Kung ano ang pwesto namin kagabi ay iyon pa rin ngayon.
Babangon na sana 'ko nang himasin ni Greggy ang likod ko at saka humalik sa ilong ko. The usual things na ginagawa nya kapag gumigising sya.
Tumayo na 'ko at ako na ang nag-bukas dahil akin namang kapatid 'yon. Nakakahiya naman kay Greggy dahil kakagising nya lang rin.
"Oh?" Iritang sambit ko.
"Ay wow?! Miss na miss talaga ang isa't-isa! Madam, yung mga anak nyo ayaw makinig! Tignan nyo rito sa hagdanan!" Sambit ni Manang.
Agad akong sumunod sa kanya at nadatnan ang tatlo naming anak na nagpapadulas sa hagdanan. Inipon nila ang maraming mga karton at nilagay sa hagdan para dumulas. And yes, tatlong anak lang namin ang naglalaro doon ngayon. Siguro ay natakot na yung mga pinsan nila sa saway ni Manang.
"Alfy, Luis!" Sambit ko at agad silang tumayo.
Nagpapatuloy lang naman si Mavi sa ginagawa nya dail akala nya siguro hindi ko sya sasawayin.
"Mavi, let's go." Sambit ni Greggy mula sa likod ko. Kakagaling nya lang sa kwarto at mukhang kakatapos lang mag-toothbrush at maghilamos.
"Nah!" Iritang sambit ni Mavi. Ganyan sya palagi kapag pinipigilan na mag-laro. "OHH! NAHHHH!!!!!! DADADADADAAAA!!!!" Pagwawala nya nang bigla syang kargahin ni Greggy at dinala sa kwarto namin.
Liligpitin ko na sana ang mga karton nang masulyapan ko si Luis at Alfy. "Clean up your mess." Ma-awtoridad kong sambit saka tinuro ang mga karton at sumunod sa kwarto namin.
Napahilot ako sa sintido ko dahil pag-pasok ko ng kwarto ay nadatnan kong nagwawala pa rin si Mavi.
"Shh.. Mimi will get mad.." Bulong sa kanya ni Greggy.
Pumasok ako sa banyo at nag-toothbrush saka nag-hilamos. Paglabas ko ay nanonood na si Mavi ng Peppa pig habang naka-kandong sa Dada nya. Wow? May Ipad agad huh?
Dumeretso ako sa kama para ligpitin ang mga unan at kumot. Nag-labas pa 'ko ng mga unan, kay Mommy rin pala matutulog yung mga bata.
"Kailan kayo uuwi?" I started to speak.
"Next week po.. my ribbon cutting.." Sagot nya. Oo nga pala, in-invite nya 'ko.. Pero usapan lang nila ni Bonget ay isang gabi ah? But gladly, next week pa. Papagupitan ko pa naman yung dalawang binata.
"Maiiwan kayo tomorrow ni Mavi dito ha.. papagupitan ko lang yung dalaw-"
"We can join po.." Mabilis na sagot ni Greggy.
"Bahala ka.. Anong oras maliligo si Mavi? Sabay nalang kami." Sambit ko.
"You want to shower na, baby? Get shower with Mimi?" Tanong nya kay Mavi.
"With Mimi and you!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Ano ba 'tong pinapasok ko!? Usapan sya lang ang isasabay ko para maliguan ko sya ng maayos eh!
Tinignan ako ni Greggy na may malokong ngiti kaya inirapan ko sya at dumeretso sa walk in closet para mag-hanap ng damit.
"Take a sit here first, Baby.. I'll find clothes for us." Rinig ko pang sambit nya.
Ilang minuto lang ay nakapili na ako ng pambahay ko. Hindi naman kami aalis ngayon. Sila Manang, Bonget at Liza lang ang may mga kanya-kanyang pupuntahan kasama ang mga anak nila. Si Mommy naman ay pupunta sa Charity ngayon.
Lumabas na 'ko ng walk in closet at tila stressed si Greggy sa paghahanap ng damit nya sa laggage. I assumed na damit nya ang hinahanap nya dahil meron nang damit si Mavi na naka-labas. Nakatayo lang ako sa harapan nya habang sya ay nakaupo sa sahig at naghahalungkat sa laggage nya.
YOU ARE READING
He doesn't know
RandomIrene has a secret that she will regret for the rest of her life. Can it be revealed?