IRENE'S POV:
Campaign rally na ni Bonget ngayon para sa pagka-Governor kaya abala kaming lahat para mamayang gabi.
"Anak, come here for a while po." I told to my daughter.
"Yes, Mimi?" I smiled when she called me 'Mimi' sya lang rin ang nag-imbentong tumawag sa'kin ng ganyan mula nang matuto syang mag-salita. Pareho talaga sila mag-isip.
"Behave lang po mamaya sa event ha.. There will be a lot of people, my love.." Pag-bilin ko sa kanya.
"Apu." Sagot nya naman.
Maloko kasi 'to lalo na kapag maraming tao. Hobby nya nang taguan ako kaya buong event sa pupuntahan namin ay wala na 'kong ginawa kundi hanapin sya. Ganyan ang ginagawa nya kapag uma-attend kami ng birthdays o kung anong party.
Maya maya pa ay sinundo na sya ni Vinny at inabutan na naman ng lato-lato saka tuluyan silang bumaba sa sala.
"Mag-ingat sa hagdan po, kuya Vin ha.." Sambit ko habang palabas sila ng kwarto.
Nag-simula naman na 'kong mag-ayos ng sarili ko. I just put eyeliner, natural blush and light red lipstick. I wear white polo and red skirt and a pair of red heels. Yes, kaya kong mag-habol ng bata kahit naka-heels.
Inayos ko lang ang buhok ko at aalis na sana nang mapansin ko ang naka-ipit na picture sa journal notebook ko noon pa. Na-curious naman ako kung ano ito kaya agad kong dinampot sa vanity table.
It's our wedding photo. Bakit nandito? Naka-frame 'to ah? Dalawa lang ang kopya nito. Ang isa ay nasa kwarto namin ni Greggy noon... Na sana nasa kanya pa rin.
"Tinanggal ko sa mga frame kasi inaanay na yung antique frames mo.. yung iba, nilagay ko sa photo album. Ayan naman, nakalagitaan ko na ilagay rin sa album kaya inipit ko nalang jan... Bakit? Miss mo noh?" Pag-paliwanag ni Manang at sa huli ay nang-asar na naman.
"Stop." Tanging sambit ko at muling binalik nang maayos sa journal ang litrato at tinago sa kung saan hindi makikita ni Mavi. Isang beses ko palang pinakita ang litrato ni Greggy kay Mavi. Iyon ay nung hapon na umuwi sya galing school at umiiyak dahil wala raw syang Daddy. Sana lang ay hindi natandaan ni Mavi ang mukha ni Greggy.
"Don't worry, little sis, magkikita na kayo mamaya!" Sambit ni Manang at kumindat pa sa'kin bago umalis.
Umirap nalang ako at kinuha na ang bag ko at bag ni Mavi saka sumunod sa sala. Pababa palang ako ng hagdan ay agad na nagsitingala ang pamilya ko. Alam ko namang maganda ako pero sobra naman yata kung titingalain nila 'ko, diba?
"Oh? Parang date nyo ng ex mo ang pupuntahan mo ah?" Umirap ako kay Bonget nang tuluyan akong makababa. Hilig nilang mang-asar ni Manang!
"Oh dibaaa?! Pinag-handaan!" Sambit ni Manang.
"So ito 'yon? Pinauwi nyo 'ko ng Pilipinas para may pagtulungan kayo araw-araw?!" Sarkastikong sambit ko kaya nagsitawanan sila. "MOMMY, SILA MANANG OH!!"
"SUMBUNGERA HANGGANG NGAYON!" Pangaasar pa ni Bonget.
"OH TALAGA! WAG KA SANA MANALO SA ELEKSYON! DI KITA IBOBOTO KALA M-"
"Ano ba 'yan, kayong tatlo talagang sa harap pa ng mga apo ko ang napili nyong lugar para magtalo ha!" Saway ni Mommy sa'min. "Ikaw, Irene anglakas ng boses mo! Ikaw naman, kalalaking tao anghilig mang-asar sa babae! Isa ka pa Imee, pasimuno ka!" Panenermon ni Mommy.
Nag-irapan naman kaming tatlo at hindi nagpansinan hanggang maka-sakay sa van. Apat kami ngayon sa Van at sa isang Van naman ang magpi-pinsan kasama ang bunso ko.
Si Bonget, Manang, Mommy at Liza ang kasama ko pati na rin ang driver.
"Ano bang pinagtatalunan nyo kanina para kayong mga bata?" Tanong ni Mommy.
YOU ARE READING
He doesn't know
RandomIrene has a secret that she will regret for the rest of her life. Can it be revealed?