IRENE'S POV:
"Huy! Anong ginagawa nyo jan?!" Sambit ko nang madatnan ko silang naglalagay ng itlog sa microwave. Kaya naman pala mga nananahimik dahil may pinagkaka-abalahan!
"Mimi, don't be mad.. we're just trying new things po." Sambit ni Luis at humawak pa sa magkabilang balikat ko.
Kakatapos lang namin mag-sagutan ni Greggy at huwag syang umasang kakausapin ko sya buong araw! Hindi ko rin yan isasama bukas.
"Umayos kayo ha.. ligpitin nyo 'yang mga kinakalat nyo. Nagsa-sayang pa kayo ng pagkain.." Sambit ko at muli na silang iniwan sa kusina.
Umakyat ako ulit para pumunta sa kwarto nila Manang para mag-ligpit dahil sabi ko naman ay pagliligpitin ko yung mga anak nya. But boys will be boys, they will do whatever they want.
Nag-simula ako sa kama nila at sinunod kong ligpitin ang vanity table ni Manang. Sobrang kalat nga ng mga gamit nila lalo na ang mga damit! Depressed ba silang mag-iina?!
Nang matapos ako sa kwarto ay pumasok naman ako sa banyo. Andaming bottles na wala nang laman pero naka-display pa rin kaya dinisposed ko na lahat. Ano pa bang silbi ng mga 'yon?! Minsan ay napapaisip rin ako kung bakit hindi pa bigyan ni Manang ng tag-iisang kwarto ang mga anak nya tutal parang mall naman 'tong bahay nya! O kundi man ay bumukod nalang sya ng kwarto nya. Kung ako lang sya ay baka sa sala ko na pinatulog ang mga anak ko! Ayoko ng burarang kasama sa bahay, lalo na sa kwarto!
I almost done cleaning their room. Mukhang hindi maniniwala si Manang kung sasabihin kong mga anak nya ang nag-linis nito. Sesermonan pa 'ko dahil kinukunsinti ko ang mga anak nya. Eh ano naman?! Sya nga rin 'tong bigay nang bigay ng pera sa mga anak ko kaya natuto mag-waldas ng maraming pera si Alfy. Si Luis ay talaga kuripot, nagmana 'yan kay Greggy. Hindi ko nga alam kung bakit nya binilhan agad ng maraming gamit si Mavi eh.
Well, speaking Greggy, wala nga pala akong pakialam sa kanya. Naiirita 'ko, hindi ko alam kung bakit na naman!
Nag-spray lang ako ng fragrance sa kwarto nila Manang at agad na rin akong lumabas. Bumaba ulit ako para pagsabihan yung mga bata.
"Wala na munang papasok sa kwarto nyo, Borgy ha.. Nalinisan ko na yun, hintayin nyo ang Mommy nyo para madatnan nyang malinis." Sambit ko.
Inaaya ko na si Mavi maligo pero ayaw sumama kaya mauuna na 'ko. Pakiramdam ko ay sobrang lagkit ko na dahil sa pawis ko sa paglilinis.
Kinuha ko na ang kanina pang nakahanda kong damit. Nadatnan ko rin na nagbabasa ng libro si Greggy. Wait?! That's my book!!!!!!
"Ayusin mo paggamit mo jan ha!" Singhal ko sa kanya at tinuro ang libro ko. "Hindi ka pa nagpapaalam!"
Tinignan nya lang ako mula ulo hanggang paa at saka tinaasan ng kilay.
"Mine is yours, yours is mine." Ma-awtoridad nyang sambit at saka nilapag ang libro sa side table ng kama.
Tumayo sya at lumabas ng kwarto. Maya maya pa ay naririnig ko na ang pagwawala ni Mavi habang palapit dito sa kwarto. Pinwersa na naman sya ni Greggy kunin. Pero kilala ko rin naman ang anak namin. Hindi mo makukuha sa pakiusap lalo na kapag naglalaro sya.
"MIMIIIIII!" Hagulgol ni Mavi na tila inapi sya ng Dada nya. Binabansya ni Greggy kaya agad syang nagpa-karga sakin.
"Enough na, baby...We have to take a shower po kasi.. listen to Dada, baby.." Mahinahon kong sambit.
Napansin ko naman namumula na si Greggy at tila naiirita sa ingay ni Mavi. Hindi ko naman minamasama 'yon dahil talaga namang maingay ang anak namin.
"Let's shower na, baby.. take a shower with Mimi po?" I excitedly asked.
YOU ARE READING
He doesn't know
RandomIrene has a secret that she will regret for the rest of her life. Can it be revealed?