Chapter 5

3.9K 125 15
                                    

Chapter 5

Monty's POV

Naiyak ako habang nagkukwento kay Ma'am Cruz. Pero hindi naman hagulgol parang tumulo lang. Ang lungkot na rin isipin na sayang yung mga pagkakataon na dapat sasabihin ko na kay Popoy na gusto ko siya, dahil natatakot akong lubayan niya ako pero mali ako.

"Sorry Ma'am hah ang drama ko."

"Sus okay lang yun noh."

"Pero ngayon hindi ko alam kung may nararamdaman pa rin ako kay Popoy."

"Alam mo namang ikaw lang makakasagot niyan eh."

"Iniisip ko rin kasi Ma si Rob, ayaw ko siyang masaktan."

"Alam ko naman yun, at sa ngayon mahirap ang sitwasyon mo."

Niyakap ko na lang si Ma'am dahil hindi ko talaga alam ang pwede ko pang gawin. Natuon naman ang paningin ko kay Rob. Nasa lake pa rin siya nagswiswimming. Iniisip kong ayokong masayang yung apat na taong pagsasama namin. Mahal na mahal ko si Rob. Hayy tama na nga muna ang drama.

Pumasok kami ni Mam sa cabin namin para syempre makipag chikahan sa iba haha. Nakaramdam ako ng pagkaantok ulet. Sanay kasi akong natutulog pag tanghali eh. Kaya dumiretso ulet ako sa kwarto namin at natulog.

Popoy's POV

Hindi ko matago ang nararamdaman ko kay Monty at sobra akong nasaktan nung malaman kong sila na ni Rob. Actually high school palang kami ay alam ko nang may pagtingin na si Rob sa kanya. Kung hindi ako ang kasama ni Monty si Rob. Alam kong malaki ang naging kasalanan ng Mama ko kay Monty at pinagsisisihan na ito ni Mama.

FLASHBACK

Pinapunta ako ni Mama sa kwarto nila ni Papa para kausapin ako. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako feeling ko may masamang nangyare.

"Anak maupo ka."

"Bakit Ma?"

"Nakausap ko na si Monty."

"Po? Bakit?"

"Syempre gusto kong layuan ka na niya."

"Pero Ma sana hindi niyo naman po ginawa yun."

"Yun ang nararapat James."

"Hindi Ma, pumayag na nga akong layuan siya at makipagrelasyon diyan kay APPLE! Tapos gaganunin niyo pa si Monty?"

"Aba at sumasagot ka na ngayon sakin!"

"Ma sinunod ko na ang lahat sana Ma wag mo nang idamay si Monty, Please."

"Iniisip lang naman namin ang kapakanan mo."

"Kapakanan ko o pangalan nitong pamilyang to? Magkaiba yun Ma, sa una palang alam kong yun na ang dahilan."

"Anak iniisip ko lang naman kung ano ang sasabihin ng ibang tao sayo! Satin!"

"Wala akong pakialam sa iisipin ng ibang tao Ma."

Akmang aalis nako ng kwarto pero nagsalita si Mama.

"Sige Poy sino mas pipiliin mo? Kami ng pamilya mo o yang baklang yan? Mamili ka bago ka umalis ng kwartong ito at kung pipiliin mo ang baklang yun lumayas ka na rin sa bahay na to."

THE HIGH SCHOOL REUNION (BoyXBoy)Tagalog COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon