Chapter 13

2.4K 66 3
                                    


Monty's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto, nakagapos sa kama. Hindi ko alam ang gagawin ko at wala rin naman akong magagawa. Inaalala ko na lang ngayon ang pamilya ko, mga kaibigan ko at syempre si Popoy. Taimtim akong nagdarasal na sana walang mangyaring masama sakin at sa mga mahal ko sa buhay.

"Monty kain ka muna oh." Rob. Wala akong choice at kinain ko na lang ang binigay nya nagugutom na rin kasi ako.

"Salamat."

"Wag kang matatakot sakin Monty kase di naman kita sasaktan ehh basta sumama ka lang sakin at lalayo tayo sa kanila."

"Di sasaktan!? Eh yung nangyare bago tayo maghiwalay!?"

"Monty lasing ako nun, wala ako sa tamang pagiisip."

"Jusko naman Rob kahit na ba lasing ka nun alam mo pa rin ang ginagawa mo!" medyo napataas ang boses ko.

"Well wala ka naman magagawa ehh sasama ka? O may mawawala sa mga mahal mo? Siguro simulan natin kay Popoy no?" NO! wag si Popoy.

"Ta**in* ka Rob! Wag na wag mong sasaktan si Popoy!"

"Basta susunod ka lang sakin."

Mas gugustuhin ko pang magdusa sa piling ng ugok na to kesa mawala sa buhay ko si Popoy. Alam ko wala sya ngayon sa piling ko pero umaasa akong magkikita rin kami sa lalong madaling panahon.

"Mamayang gabi aalis na tayo pa Amerika ahh wag na wag mo nang subukan tumakas dahil talagang mawawala sa mundong to si Popoy tandaan mo yan." Rob

Tumango lang ako bilang sagot sa sinabi niya. Hayup talaga tong Rob na to. Ano na lang sasabihin ng mga magulang nya sa kanya? Natatakot ako sa mga mangyayari pag nasa Amerika na kami kailangan makatakas ako dun at makahingi ng tulong.

Matapos ang higit isang oras na paghihintay ay nakasakay na kami sa private jet ni Rob. Hindi ko nga alam na meron pala siyang ganito ehh. Habang nasa byahe ay napapaiyak ako. Ganun pa rin naman iniisip pa rin si Popoy, pamilya at mga kaibigan. Hindi ako pinapagamit ni Rob ng kahit na anong gadget kaya kanina pako nabobored talaga. Naisipan kong mag cr. Napansin ko ang emergency door malapit sa cr. Alam ko kung pano gamitin yun. Habang nag ccr ay napapaisip ako sa gagawin ko. Tatalon ba ko? paano pag namatay ako? Dapat siguraduhin kong sa tubig ako babagsak. Gabi na kaya medyo nahirapan akong anigan kung tubig ba ang babagsakan ko. napansin kong papalapit kami sa isang isla kaya di nako nagdalawang isip na buksan ang emergency door at malakas na hangin ang sumalubong sakin, bago ako tumalon ay kinuha ko ang isang itim na bag sa gilid ko saka ako tumalon. Hindi ko na alam ang naging reaksyon nila Rob pero nasisiguro ko na di sila tatalon. Mabuti na lang at tubig ang babagsakan ko medyo matagal akong nasa ere dinadama ko ang ere hahahah baliw nako hahahah hanggang sa nawalan ako ng malay nang bumagsak nako sa tubig.

Popoy's POV

"Poy mag kape ka muna ohh." Bigay sakin ni Angeline.

"Salamat. Anu na raw balita?"

"Eh sabi sakin may inaabangan raw silang private jet mula Taiwan sinisigurado muna nilang sakay dun sila Rob."

"Sana talaga mahanap na sila nababagabag nako ehh."

"Sus di naman sasaktan ni Rob si Monty."

"Pero alam mo naman ang nangyare sa kanila diba."

"Oo nga pero diba kaya nga pinakidnapped ni Rob si Monty kase gusto niyang makasama si Monty. So di nya sasaktan yun si Monty."

"Bahala na basta masigurong mahanap si Monty at mapakulong yang hayop na Rob na yan."

Mahigit dose oras na kaming nagiintay dito pero hanggang ngayon wala pa ring balita kay Monty at Rob. Habang nagaantay ay naisipan kong tignan ang mga pictures namin ni Monty. Grabe ang cute nya lang talaga. Para akong tanga rito na hinahalikan yung phone ko hahahaha pero wala akong paki namimiss ko na si Monty ko ehh.

"Poy! Tama na yang halik halik dyan may balita na raw tungkol kay Monty!"

"Hah ano raw?"

"Nahuli na daw si Rob!"

"Saan?"

"Nahuli sila sa Thailand kase naghinala yung mga authorities dun kase nag emergency landing sila dun."

"Eh si Monty kamusta daw?"

"Yun nga lang di nila kasama si Monty dun."

"Hah!? Ehh pano nangyare yun?"

"Hindi ko rin alam eh pero ngayon kailangan nating pumunta ng Thailand kasama parents ni Monty."

"Oh sige sige."

Agad agad rin akong umuwi since malapit na lang naman na bahay ko rito ehh di nako natagalan. Pano mangyayare na hindi nila kasama si Monty? San naman nila dadalhin yun? Sobra akong nababagabag ngayon. Kasama ko si Angeline, Ching at ang parents ni Monty papuntang Thailand.

Mga alas dose ng medaling araw sa Thailand naglanding ang eroplano namin. Dumiretso kami agad sa airport security kung saan nandun si Rob at mga kasabawat nya.

"Gag* ka nasan si Monty ahh!" di ko napigilan ang sarili ko.

"Aba di ko alam!"

"Anung di mo alam ehh ikaw tong dumukot sa kanya hayop ka!"

"Eh bigla kasi syang tumalon."

"Tumalon saan?"

"Syempre tumalon mula sa eroplano sinubukan ko syang pigilan pero nakatalon na sya kaya di ko alam kung sa lupa ba sya bumagsak o sa tubig."

"Wag kayong magalala dahil nagsagawa na kami ng rescue operations." Sabi nung taga embassy.

Sinabihan ako ng papa ni Monty na magpahinga muna kami since 12 hours na rin kaming nagaantay kanina. Paghiga ko sa kama ay biglang napatulo ang luha ko. humagulgol ako buti na lang magisa lang ako dito sa kwarto. Again, tinitignan ko ulet yung pictures naming dalawa hanggang sa nakatulog nap ala ako.


Vote and Comment :)


-RJ :)

THE HIGH SCHOOL REUNION (BoyXBoy)Tagalog COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon