A/N: yaaaaasssss sa wakas nakapagupdate na rin. Since sembreak na ehh dadalas dalasan ko na rin ang pagupdate basta I need 10 votes para magupdate. Keri ba? Hahahaha well enjoy niyo muna tong chapter na to. Sorry if matagal akong hindi nakapagupdate.
Chapter 12
Rob's POV
"Boss pinahold daw lahat ng flight sa NAIA." Sabi ng isa sa mga tauhan ko.
"Ang bobo ng mga yan akala nila nandun tayo hahahaha." Ako
Nandito kami ngayon sa Clark International Airport. Talagang dito ko pinili kasi alam ko na kapag nalaman nila na ako ang nagpadakip kay Monty eh sa NAIA sila pupunta. Ginamit ko ang private jet namin papuntang Amerika at ilang saglit lang ay aalis na rin kami ni Monty. Nandito siya ngayon sa tabi ko tulala at tahimik alam kong di niya to gusto pero ako lang ang lalaki para sa kanya.
"Monty nagugutom ka ba?" tanong ko pero hindi niya ko pinapansin.
"Monty may kailangan ka pa ba? Bibilhin ko para sayo."
"Iuwi mo na ko Rob." Maluhaluha niyang sabi sakin.
"HINDE!!!"
"Rob nagmamakaawa ako sayo please pakawalan mo na ako."
"Sige papakawalan kita pero mamamatay si Popoy."
"Wag please!"
"Oh ayaw mo palang mamatay si Popoy eh edi sumama ka sakin."
"Please Rob kung mahal mo talaga ako PLEASE!!!"
"Kung mahal mo talaga si Popoy gagawin mo to Monty."
Iniwan ko muna siya saglit para icheck ang status ng flight namin. Wala rin naman siyang magagawa ehh kaya kailangan niya kong sundin at kapag tumakas siya eh pasensyahan na lang. ilang minute na lang ay sasakay na kami. May nakabantay na mga tao ko kay Monty para di siya makatakas.
"Sir tara na po." Tauhan ko
"Monty tara na." di pa rin siya tumayo.
"Tara na!" hinila ko na siya.
"Aray ko Rob nasasaktan ako."
Marahas ko siyang dinala. Hindi ko man to gusto pero wala eh. Bago mag take off ang eroplano eh tinawagan ko muna si Popoy.
"Hello Poy"
"Walang hiya ka san mo dinala si Monty!?"
"Sa lugar na di niyo na siya makikita hahahaha."
"Napakahayop mo talaga!"
"Hahaha oh eto si Monty ohh para sa huli niyo nang paguusap."
"POY!"
"Monty! Okay ka lang ba?"
"Poy kahit anong mangyare mahal na mahal pa rin kita lagi mong tatandaan yan."
"Akin na nga!" kinuha ko ang phone.
"Well Poy paalis na kami at sisiguraduhin kong iingatan ko si Monty."
"Nasan kayo please ibalik mo na si Monty."
"Bye!" binaba ko ang phone.
Mga ilang saglit matapos ang phone call ko kay Popoy eh nag take off na ang eroplano namin. Nakita ko si Monty hanggang ngayon umiiyak pa rin. Hinayaan ko na lang siya habang ako'y naglalaro sa phone ko.
Monty's POV
Napakahayop talaga ni Rob. Hindi ko akalain na gagawin niya to. Hindi ko kayang mamatay si Popoy kaya pumayag akong sumama kay Rob. Alam kong tanga ako pero ayokong mawala si Popoy. Hindi ko alam kung yun naba ang last conversation namin. Hindi naman ako makatakas kay Popoy dahil napapaligiran ako ng mga tauhan niya.
Nagland muna kami sa Taiwan then lilipat daw kami sa isang passenger plane pa diretso na ng Amerika. Ito na ang chance kong makatakas.
"Rob magcr lang ako."
"Sasama ako."
"Bahala ka." Dumiretso na kami ng cr.
"O pati ba naman sa cubicle sasama ka rin."
"Bakit di ba pwede?"
"Diyan ka lang!"
Pagsara ko ng cubicle eh nakita ko ang isang maliit na bintana. I think kasya ako kaya nilusot ko talaga sarili ko dun. Hanggang sa nakalabas nako. Di ako makapaniwalang nakalabas ako. Bago pa man ako makatakbo eh narinig kong sumigaw si Rob at pilit binubuksan ang cubicle. Tumakbo ako ng tumakbo di ko alam kung saan ako pupunta basta makatakas lang. nang makaramdam ako ng pagod at sa tingin ko eh malayo nako sa airport ay nagpahinga ako.
Pucha pano to hindi ko kabisado ang lugar na to. Nasa ibang bansa pako. Sinubukan kong kausapin ang ilan sa mga nadadaanan ko.
"Ahmm excuse me, do you know where is the embassy of the Philippines?" tinanong ko ang isang lalake.
"Oh turn right then turn left on the first street and you will see the embassy."
"Thank you, Thank you so much."
Sinunod ko ang sinabi niya at nakita ko na nga ang embassy. Pero sa di kalayuan ay nakita ko ang mga tao ni Rob sa tapat ng embassy. Hindi tuloy ako makalapit dun. Nagtago ako para di nila ako Makita. Kaya nagisip ako kung pano makakatawag sa pinas. Nakakita ako ng isang shop dun malapit at nasa labas yung mga tinda nila. kumuha ako ng isang jacket at pants.
Nakalusot naman ako sa mga tauhan ni Rob at sa tingin ko di naman nila ako napansin marami rin kasing taong nadaan. Nakarating din ako sa wakas. At dumiretso ako sa lobby.
"Miss please tulungan moko."
"Yes sir what can we do for you?"
"Ahh....."
"Honey nandyan ka lang pala." Si Rob
"Oh Mr. Reyes nahanap mo na pala ang asawa mo" Sabi ng isang lalake.
"San ka ba nanggaling honey?" Si Rob. Naiiyak nako ngayon taena sayang lang pagtakas ko.
"Kumagat ka kundi may mangyayare talaga kay Popoy at sayo rin" bulong niya sakin.
"Hindi kasi kita nakita nung lumabas ako ng cr kaya nagpanic ako." Pagsisinungaling ko.
"Mr. Dela Cruz pwede naman po kayong pumunta sa help desk ng airport ehh." Sabi nanaman nung staff dito.
"Sorry po di kasi ako marunong mag Chinese."
"Hahahaha Anyways pinarebook na lang naming kayo ng asawa mo kaya your flight is tonight okay?"
"Thank you sir." Si Rob.
"Ingat kayo sa Honeymoon niyo hahahaha."
"Ahahaha sige po." Rob.
Sumakay na kami ng sasakyan at hindi ko parin pinapansin si Rob. Naiiyak ako ngayon. Akala ko makakatakas nako eh. Namimiss ko na si Popoy. Ayoko na ng ganito pleaaaaasssseee tulungan niyo ko.
Vote and Comment J
-RJ J
BINABASA MO ANG
THE HIGH SCHOOL REUNION (BoyXBoy)Tagalog COMPLETED
Teen FictionHigh School, sa tingin ko ito ang pinakamasayang panahon ng buhay ko. Marami kang matututunan at makakasalimuhang mga tao. Dito ka rin unang maiinlove at mabobroken hearted. Ganun talaga sa love pero dahil bata ka pa ng panahong yan go lang ng go at...