Chapter 6
Rob's POV
Alam kong hindi dapat ako magselos dahil may tiwala naman ako kay Monty eh. Pero si Popoy kasi kasama niya at alam ko lahat. Oo, lahat ng nangyare sa kanila ay alam ko dahil may kinalaman ako sa lahat ng nangyare sa kanila noon. Dati pa man may gusto na talaga ako kay Monty. Simula 1st year high school nagkakaron nako ng feelings sa kanya pero pinipigilan ko lang sarili ko pero nung 4th year kami unti unti akong napalapit kay Monty.
Actually magkasabwat kami ni Apple sa pagpapahiwalay sa dalawa. Kaming dalawa ang nagsumbong sa nanay ni Popoy tungkol sa kanilang dalawa ni Monty. Nagawa lang naman namin yun dahil mahal ko si Monty at mahal ni Apple si Popoy.
"Bae nabalitaan ko nangyare kanina ahh."
"Ahh Oo natapilok kasi si Popoy." Monty
"Ahh oo nga hahaha."
"Oh kamusta naman ang hiking niyo?"
"Masaya sobra! Haha. Eh kayo ni Poy kamusta kayo dito?"
"Okay lang naman kami pinapahinga ko lang si Popoy."
"Sigurado ka yun lang ginawa niyo?"
"Aba Oo nga."
"Sige labas lang ako ahh."
"Oh san ka pupunta?"
"Makikipaginoman lang."
"Nanaman?"
"Oo promise hindi ako iinom ng marami."
BULLSHIT! Alam ko namang hindi lang yon ang ginawa nila. Alam kong meron pang nangyare sa kanila. Nakita ko naman sila Kev umiinom. Kaya nakijoin na rin ako dahil meron akong sama ng loob na nararamdaman. Medyo naparami na ata ang inom ko at medyo hilo hilo nako. Kaya bumalik nako sa cabin. Wala nang tao sa sala, mukhang tulog na ang iba. Pagpasok ko sa kwarto namin ay may naisip akong gawin kay Monty. Hinalikan ko siya hanggang sa magising siya.
Monty's POV
Nagising ako dahil parang may humahalik sakin. Pagdilat ko si Rob pala kaya napatayo ako.
"Anung ginagawa mo?"
"Hinahalikan ka!"
"Lasing ka ba?"
"Hin..di ahh" Inamoy ko siya
"Takte ka Rob lasing ka nanaman."
"Eh naparami lang naman ang inom ko eh."
"Hay nako ewan ko sayo."
"Anu bang problema kung nakakainom ako ahh!"
"Anu Rob wag ka ngang maingay natutulog na yun iba."
"Wala akong pake!"
Hinila ako ni Rob sa kama. Hinalikan niya ako ng madiin. Masakit na sa labi ang ginagawa niya. sumisigaw nako dahil hindi ko kaya ang lakas ni Rob. Pinunit na niya yung damit ko at sinapak niya ako para hindi ako magpigil. Hindi nako makagalaw. Patuloy pa rin akong umiiwas. Naiiyak nako dahil sa ginagawa sakin ni Rob. Buti na lang at dumating na sila Kev. Pinigilan nila si Rob. Pati sila Angeline sumugod din.
"Anu ba Rob!" Angeline
"Pare Tama na yan." Kev
"MONTY!" Rob
BINABASA MO ANG
THE HIGH SCHOOL REUNION (BoyXBoy)Tagalog COMPLETED
Teen FictionHigh School, sa tingin ko ito ang pinakamasayang panahon ng buhay ko. Marami kang matututunan at makakasalimuhang mga tao. Dito ka rin unang maiinlove at mabobroken hearted. Ganun talaga sa love pero dahil bata ka pa ng panahong yan go lang ng go at...