MIS Winter Recreation Camp D-1
[ Ezaki Hikaru as Naomi Ezaki on the multimedia ]
Habang nasa biyahe sila patungong Winter Camp mga anim na oras mula sa siyudad ay minabuti ng ilan na magpahinga na dahil maaga silang gumising para maghanda.
Pero yung mga tao sa likod especially sa mga nasa kaliwa ay gising pa rin.
Napansin pa nga ni Liam na naghihiraman pa ng kumot ang magjowang sina Mackie at Xave tapos nakapatong ulo nila sa isa't-isa. Pucha namang buhay ito oh mahirap talaga kapag nag-iisa.
Tapos sa kabila ay syempre hindi papatalo si Kapitan Gio kahit naka-matchy hoodie pa ang dalawa. Pinatulog niya si Lance sa ibabaw ng bag na nakapatong sa lap niya para hindi masyadong mangalay ang pwesto.
"Jusko matutulog rin naman tayo sa camp pagbaba natin kaya ano pa ang silbi niyan?." pairap na tanong nitong si Renz.
"Bitter ka lang ses. Huwag mo nang ipagkaila dali Liam patong ko ulo ko sa shoulder mo." sabay lapit nito sa katabi pero umiwas siya.
"Ayaw ko nga maputol pa balikat ko saiyo ang bigat mong pashnea ka." at tinulak niya ang braso nito para si Renz naman ang pagtripan.
"Tigilan niyo ako mga bastos. Baka tumingin ang guro sa atin bantay pa naman ako tapos nagpapasimula pa ng ingay. Tutulog na rin ako pakigising kapag nandiyan na." utos nito saka kinuha ang mp4 sa bag para mag-soundtrip sa biyahe to help him sleep.
Ilang oras na rin ang nakalipas nang nakarinig siya ng ingay tingin nito malapit na sila sa paroroonan.
"Huy ayusin niyo na gamit niyo baka may maiwan pa ba?." tanong ng isang kaklase nila.
"Wala na!." sagot pabalik ng isang magkakaibigan sa gilid.
Tapos bumaling siya sa mga katabi nito na halos maglaway na habang nakatungo lang sa unahang upuan.
Tapos nakikitulog itong si Liam sa balikat ng katabi kahit kailan talaga walang hiya ito. Kaya naman agad niyang hinampas ang hita nito para magising agad. Syempre tumayo siya dahil katabi nito si Chance na tulog pa rin ngunit nakatingala naman ang pwesto para sumandal sa restboard ng upuan.
"Tangina ikinakahiya kita mabuti na lang tulog siya ng patungan mo gago." halata namang galit na si lodi boss retsam.
"Pasensya na lodi boss retsam sarap matulog eh bakit ba anong magagawa ko eh hayahay ang pwesto mo sa bintana eh." kinukusot pa ang mga mata habang abala sa pagreklamo kaya ayan nagising tuloy ang tao na namamagitan sa kanila.
BINABASA MO ANG
our greatest what if? ⏳ harukyu/rutojun
Short Storyalter-utopia first series " He decided to turn back time to make things right,for his greatest what if to be alive again." tw// mcd,angst,mentions of gaslighting heavily inspired by : My First Love,Blue Birthday start: 2023.01.18