Napailing na lamang si Mackie nang mapagpasiyahang bumaba si Xave sa Vikings ride kaysa sa kaniya.Pinandigan na nga yata na sasakay siya sa ferriswheel. Gusto niya sanang tawagan sa kaniyang de tiklop na telepono kaya lang baka i-reject niya.
Umiiling na lamang siya habang pinagmamasdan si Xavier na pumipila lamang sa daanan papasok ng ferriswheel.
"Haay naku Xavier Kim, hindi mo ako matitiis sinasabi ko saiyo." nakangiti lamang siya habang umupo sa may kainan.
Habang abala silang lumalagalag (gumagala) sa mga food booths ang dalawang time watchers ay unti-unting nakakaramdam na ng inip si Renz parang gusto niya nang kumain o di kaya sumakay sa rides kahit na wala siyang kasama.
He just wants to divert the pain away, yung galit sa kaniya ni Gio. Pero nung mga nakaraang araw naman pinatawad naman na siya ito.
Siya lang naman ang hindi kaya ang magpatawad pagdating sa kaniyang sarili.
Pakiramdam niya, pinagkaitan siya ng lahat katulad na lang ng pagkaitan niya ng kasiyahan si Naomi at Noah.
Kaya ganiyan ang nangyari sa kaniya sa panahon na pinanggalingan niya nabuo na ang muhi sa kanila nadamay na rin si Kristoff dahil sa pagkamatay ni Lucy na tiyak na may kinalaman siya.
He just wants to be free from this universe. Kasi rito, puro mga produkto lang ng mga realidad na dapat sana ay nangyari kumbaga sa pagpapantasya niya kay Gio.
And speaking of Gio, nakita niya ang dalaw na patungo na sa pilahan ng bumper cars. The way he smiled towards Lance, he really mean the world to him.
Kumbaga mas sinsero pa kaysa kapag siya ang kaharap. Life feels so unfair for him, pero ano ang magagawa niya hindi ba?. Just let him go.
Siya lang ang nananakit sa sarili niya kung maaari naman niyang mag-move on na muna. Di naman kasi madaling itapon ang sampung taon, sampung taon mula ng magkakilala sila, muntik na ngang alukin ng kasalan kahit na sa likod niya iba ang pangalan na tinatawag niya.
Iisa lang ang punto ng timeline na ito at sa alternate universe niya. Magkakaroon pa rin ng pagtingin si Gio kay Lance, sa mali o tamang paraan kagaya ngayon.
Umupo na lamang siya sa isang bakanteng upuan sa canteen kung saan may nagtitinda ng fries at takoyaki sa tapat niya.
Minabuti na lang niyang umorder ng makakain to tone down his stress for a while.
At hindi niya napansin na mayroong tao pala sa kaniyang harapan at hindi lang basta kung sino ito. He knows this person very well, siya ang dahilan kung bakit masaya ang past self niya rito.
BINABASA MO ANG
our greatest what if? ⏳ harukyu/rutojun
Cerita Pendekalter-utopia first series " He decided to turn back time to make things right,for his greatest what if to be alive again." tw// mcd,angst,mentions of gaslighting heavily inspired by : My First Love,Blue Birthday start: 2023.01.18