TRIGGER WARNING: This chapter contains sensitive themes of sexual assault, trauma, PTSD, and panic attacks. Reader discretion is advised.
"CONGRATULATIONS, GUYS! Sa wakas, graduate na rin tayo!"
"Cheers!"
Masayang pinagmasdan ni Eunice ang mga kaklase niya na nagsi-celebrate ng pagtatapos nila sa college. Masaya rin naman siya, pero hindi niya magawang lubusang makisaya. Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw sa kanya kung bakit nga ba siya nandito.
She lost her parents when she was eight. Napunta siya lolo't lola niya but they also passed away when she reached thirteen.
Hindi naman siya naghirap financially dahil may naiwang pera ang mga magulang niya. In fact, she lived a comfortable life, though she was alone.
"You're not alone. Nandito naman kami ni Kuya. Kaya sige na, kausapin mo na rin mga classmates natin." Sabi ni Diana, her best friend.
But she couldn't.
Kung tutuusin, kung hindi dahil sa kakulitan ni Diana, baka wala talaga siyang naging kaibigan.
"Ano ka ba, Diana? Usap-usapan kaya sa buong batch natin na may sakit daw 'yan sa pag-iisip. Idadamay mo pa kami, eh."
Napayuko siya.
No. Being alone right now wasn't her choice. She was diagnosed with PTSD after her parents' death. May nanloob sa bahay nila noon at doon siya na-rape. At kahit matagal nang patay ang mga salarin dahil sa drug raid, hindi pa rin siya nilulubayan ng bangungot ng nakaraan. Para itong aninong laging nakadikit sa bawat hakbang niya.
Not until she met Keus Andrade.
"Sigurado ka ba talagang nandito si Kuya Dwayne?" tanong niya kay Diana na abala sa kakahanap.
Dumarami na ang mga tao at nagsisimula na siyang kabahan. She could already feel the onset of panic.
"No, but his phone's location says he's here—ayun!" turo ni Diana.
Napakunot-noo si Eunice nang makita ang mga kasama ni Dwayne.
First time niyang makita ang mga kaibigan nito. At ngayon, lalo niyang naramdaman ang agwat ng mundo niya sa mundo ng pamilya ni Diana.
Kilala niya ang ilan; Rykel Hudesko, Lixxion Mallari, Trake Lucero, and of course, Keus Andrade na madalas niyang nababasa sa magazine. Sila ang mga young businessmen na kahit nasa mid-twenties pa lang ay kilala na sa industriya. May mga celebrities pa ring kasama, pero hindi niya maiwasang mapatitig sa isang lalaki na tahimik lang at nakamasid sa paligid.
Based on the articles she read, Keus was always linked to different women. Recently pa nga, nabalitang engaged na raw ito.
"Bakit nandito ka, Diana? Gusto mo bang isumbong kita kay Mommy?" galit na bungad ni Dwayne nang makita sila.
"Kuya, naman! Graduate na kami. My adulthood won't be complete kung hindi ako makakapunta sa ganitong lugar!" sagot pa ni Diana.
Pero sa totoo lang, kaya sila pumunta rito ay dahil sa crush ni Diana, si Kouzen Manalo, na kaibigan ni Dwayne. Kaso, may girlfriend itong kasama kaya nag-bounce na lang si Diana at hinanap ang kuya niya.
"Bahala ka! Basta huwag kang lalayo at huwag kang basta lalapit sa hindi mo kilala. Kung hindi, makakatikim ka sa 'kin mamaya." may kasamang pitik pa ito sa noo ng kapatid.
"Aray!"
Tahimik lang si Eunice habang pinagmamasdan ang crowd. Kung hindi niya tinuruan ang sarili na unti-unting humarap sa maraming tao, baka hindi pa rin siya makakadalo sa ganitong event. At utang niya iyon kay Diana.
YOU ARE READING
Shattered Vows
RomanceSTAND ALONE STORY After ten years of marriage, Eunice has lost the happiness she once carried and now struggles to escape the guilt and pain of her past. Her husband, Keus, has grown distant over the years, leaving her to face the growing emptiness...
