CHAPTER 9

48 5 0
                                        

TRIGGER WARNING: This chapter contains scenes of kidnapping, physical violence, abuse, and emotional distress that may be disturbing to some readers.

"I ALREADY saw your wife's location," Grayden Akerman lazily muttered habang nakapalibot na ang lahat ng tauhan nila sa area.

"May I remind you, mister, na ang sinusubukan nating iligtas ay asawa ng kaibigan mo. Stop being lazy and focus on your jo—"

Pero bago pa man siya matapos magsalita, tinaasan na siya ng kilay ni Grayden at agad pinutol.

"Shut the fuck up, slutty mistress! I'm not asking for your opinion," maanghang na pang-aasar nito sa flavor-of-the-month ng kanilang ama.

And before his brother could hurt the young woman, Brayden quickly interjected.

"You, little mistress. Please tell our father to read the email I've sent. It's urgent," he said calmly. Mabuti na lang at sumunod agad ito.

Narinig pa ni Grayden ang bulong ng kambal bago ipagpatuloy ang ginagawa.

"What a lewd creature."

Well, he couldn't really blame his brother. Galit ito sa kanilang ama lalo na sa kabataan nitong kinakasama.

Paano ba naman, sa dami ng pwedeng piliin ng matanda para pagparausan ng kalibugan, mas pinili pa nitong mas bata pa kaysa sa kanila.

Napailing na lang si Grayden nang makita sa monitor ang kanilang ama kasama ang bagong babae nito, naka-upo pa sa hita ng matanda.

Pero agad din niyang ibinalik ang tingin sa trabaho. Kailangan niyang mag-focus sa pagpapasabog ng mga bomba sa abandonadong bahay. Hindi niya pwedeng isugal ang buhay ng asawa ng kaibigan niya.

"Claire was actually the biological daughter of Ayn Ruiz's father."

Tahimik lang si Keus. Sa kahit anong anggulo ng katotohanan, siya at siya lang ang may kasalanan.

Pero ang hindi niya matanggap ay bakit kailangan si Eunice na naman ang magdusa.

Siya dapat. Siya ang dapat nasa posisyon ng asawa niya.

"Hang on, bud. Your wife's gonna be fine," sabi ni Grayden sa ear piece.

Plano nila; si Keus ang pupunta mag-isa gaya ng gusto ni Artemio Ruiz, habang ang mga tauhan ng kambal ay nakapaligid sa paligid para masigurong ligtas ang pagsagip kay Eunice.

But deep inside, Keus was terrified. Kapag may nangyari kay Eunice, hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili niya. He already lost Bryle and their unborn child. Ayaw na niyang may mawala ulit sa kanya.

Lalabas na sana siya papunta sa lugar nang salubungin siya ni Diana.

"You know that after everything you did, I don't like you for Eunice anymore. Pero nagmamakaawa ako, Keus. My best friend has already suffered too much. Please save her. I beg you! Save Eunice. Kasalanan mo naman lahat, kaya ibalik mo sa 'min ang kaibigan ko! Parang awa mo na!" halos pasigaw na iyak ni Diana.

Sumunod agad sina Trake at Dwayne para alalayan si Diana. Sa lahat ng naapektuhan, alam niyang si Diana ang pinaka-wasak.

Best friend ni Eunice si Diana, parang kapatid na rin ang turingan nila. Naiintindihan niya ang sakit nito.

"Iligtas mo si Eunice, Keus. Iyon lang hihilingin namin. Alam mong hindi niya deserve 'to," mahinang dagdag ni Dwayne habang tinatapik siya sa likod.

Masakit. Pero higit sa lahat, alam ni Keus na tama sila. He deserved this. Kahit pa hindi sapat ang kaparusahan niya kumpara sa lahat ng pinagdaanan ni Eunice dahil sa kanya.

Shattered VowsStories to obsess over. Discover now