TRIGGER WARNING: This chapter contains themes of kidnapping, violence, family betrayal, child loss, and emotional trauma that may be disturbing for some readers.
AFTER SEEING Eunice on their child's grave, halos atakihin si Keus sa puso nang makita itong hirap na hirap huminga.
Keus rushed toward her bago pa siya matumba. Mabuti na lang, nasalo niya ito just in time.
"How is she?" tanong niya agad sa doktor nang lumabas ito mula sa kwarto.
"She's fine, just sleeping. But I recommend you let her rest. Kakagising pa lang niya, pero she already exhausted herself," sagot ng doctor bago ito umalis.
Pagpasok ni Keus sa kwarto, halata ang pag-aalala sa mukha niya. Ilang araw na rin siyang halos walang tulog dahil sa trabaho at lalo na sa kaso ng asawa niya. Kung hindi lang dahil sa tulong ng mga kaibigan niya, baka bumigay na siya.
Habang mahimbing na natutulog si Eunice, all he could do was stare at her face. Doon lang siya nakakatulog, kapag mahigpit niyang hawak ang kamay ng asawa.
Ayaw sana niyang iwan si Eunice, pero nang dumating si Traken dala ang isang balita, mas lalo siyang nabigatan.
"I got this information yesterday. Pina-check ko pa ulit sa mga tao ko just to be sure. I know your mom can be cruel at times... but I couldn't tell you this without being a hundred percent sure," seryosong wika ni Trake.
Pero tila wala na siya sa sarili. Na-paralyze ang utak niya sa narinig. His own mother was involved in the kidnapping.
Paano niya kakayanin 'to?
Alam niyang matagal nang ayaw ng ina niya kay Eunice at sa kanilang kasal. Pero hindi niya inakalang kaya nitong umabot sa ganitong kabangisan. God, hindi niya kayang tanggapin 'to.
Kahit nagdadalawang-isip, nagpasya pa rin siyang umalis. Tinawag pa siya ni Traken pero determinado siyang alamin ang buong katotohanan. Hanggang makarating siya sa bahay ng mga magulang.
"Where's Mom?" malamig na tanong ni Keus sa maid.
"A-Ahh, sir, kas—"
Hindi na natapos ng katulong ang sasabihin nang singhalan niya ito.
"I SAID, WHERE IS SHE?!" sigaw niya, umalingawngaw sa buong bahay.
"N-Nasa s-sala po..." nanginginig na sagot ng katulong.
Bihira lang umuwi si Keus dito. At kung umuwi man, laging tahimik. Kaya ngayong makita siyang galit na galit, nakakatakot talaga.
"What's with the commotion?" tanong ng kanyang ama, si Kenzo. Pero hindi siya nagpaapekto. Buong atensyon niya, nasa ina.
Dahil sa galit, halos magdurog ang hawak niyang mga papeles. He couldn't even find the right words to start.
"Mom, wala akong ibang hiningi sa 'yo. I followed all the plans you made for me kahit labag sa loob ko! I did every single thing you wanted, never asking if it was right for me. Pero bakit mo ginawa 'to?!" bulyaw niya, halos mapaluhod sa bigat ng katotohanan, na mismong ina niya ang nanakit sa pamilya niya.
"Bryle was too young to die! Hindi ko man lang naramdaman ang buhay ng anak ko sa sinapupunan! And Eunice, Eunice suffered because of your cruelty! Was it really such a crime na piliin ko ang sariling kaligayahan? Is my children's life worth your fuckin' billions?!" Isinaboy niya ang mga papeles sa harapan ng ina.
"I... I—" natigilan ang ina niya.
"What have you done, Melisa?" mariing tanong ng ama niya nang makita ang laman ng papeles.
"I only did that for your son's future! What's wrong with that? With the Ruiz, hindi na kailanman babagsak ang kumpa—!"
Hindi na natapos ni Melisa ang sasabihin dahil dumapo ang malakas na sampal mula sa sariling ama, ang lolo ni Keus.
"Wala akong anak na kriminal!" galit na singhal ng matanda habang nanginginig ang kamay. "It was your son's own blood and flesh! How dare you say this is for his future?! Lumayas ka sa pamamahay ko!" dagdag nito bago siya napahawak sa dibdib, pigil ang hininga.
Nagkagulo. Nagsipag-panic ang lahat nang makitang nahihirapang huminga ang matanda.
"Papa!" sigaw ng ama at ina ni Keus habang umiiyak.
Dinala agad sa ospital ang lolo niya. Mabuti na lang, ayon sa doktor, ligtas naman ito. Pero bago pa man siya makabawi ng hininga, isang malakas na putok ang umalingawngaw sa loob ng ospital.
Biglang kumabog nang mabilis ang puso ni Keus. Naalala niya, Eunice was here.
Agad niyang dinial ang number ni Lixxion.
"Damn it! Why aren't you answering?!" galit niyang bulong, nanginginig ang kamay.
"IT'S GOOD that you're awake now." Nakangising bati ni Artemio kay Eunice.
Diyos ko... how could she forget this demon? Siya ang dahilan ng pinakamadilim na bangungot niya, ang lalaking dumukot sa kanya at sa anak niya tatlong taon na ang nakalipas. At ngayon, muling nasa harapan niya.
"Sa tingin mo makakaligtas ka ulit?" malamig na tanong ng matanda.
Nakatali ang kanyang mga kamay sa upuan, may busal ang bibig. Kahit gustuhin niyang sumigaw at humingi ng tulong, wala siyang magawa.
At gaya ng araw na 'yon, tanging iyak lang ang lumabas.
It was the same place. The same cursed spot where Bryle caught the bullet meant for her. Where she held his tiny body, drenched in his own blood.
Napa-praning na siya. If only she could, gusto na niyang barilin ang sarili. Pero dahil nakatali, wala siyang nagawa kundi humagulgol.
Artemio grabbed her chin, forcing her to look at him. Ramdam niya ang matutulis nitong kuko na halos bumaon sa balat niya.
Nang pumiglas siya, isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha niya.
"Alam mo, kung sana nawala ka na lang kasama ng anak ng asawa mo, hindi ka na nakarating dito," bulong nito, puno ng ngiti na nagpadoble ng tibok ng puso niya. "Pero makakalaya ka naman... kung makikinig ka sa mga utos ko. Pwede ba 'yon?" dagdag pa nito.
Pero matagal na siyang nagdesisyon. Hindi man siya nabuhay ng masaya, at least, naranasan niyang maramdaman ang kanyang mga anak sa sinapupunan. Natupad niya ang pangako kay Bryle na aalagaan niya ito.
Pero hindi natapos ang lahat gaya ng pinapangarap nila ni Keus. Hindi niya nasabi ang surpresa tungkol sa bagong sanggol. Hindi niya nasilayan ang paglaki ng kanilang mga anak.
If only she could turn back time... she wouldn't have chosen Keus. Hindi niya hahayaang mahulog ang sarili sa lalaking 'yon.
Dahil ngayon, iyon ang pinakamatinding pagsisisi niya.
She regretted every choice. Every decision she ever made.
YOU ARE READING
Shattered Vows
RomanceSTAND ALONE STORY After ten years of marriage, Eunice has lost the happiness she once carried and now struggles to escape the guilt and pain of her past. Her husband, Keus, has grown distant over the years, leaving her to face the growing emptiness...
